Sya>>>>
Labis akong nagulat sa nadatnan ko.
Kitang-kita ko kung paano binuhat ni master Zhio ang kamao niya kay Dr. Eriez. Hindi ako makapaniwala na magagawa yun ng batang yun.
" Dr. Eriez..." Agad ko siyang nilapitan ng umakyat si Zhio.
" Sumusobra na ang binatang yun!"
" Dr. Eriez... Pagod lang siguro si Master Zhio."
" Oo nga Eriez. Hindi lang tayo ang nag-aalala.sa kondisyon niya... Lalong -lalo na siya... Alam niya ang responsibilidad niya.."
Si Atty. Wenziel.
" Ngunit... Ibinasura niya ang halos isang buwan... Huling buwan na 'to.!"
" Nahihirapan siya dahil sakal n sakal na siya sa natitirAng oras ..."
" Unawain na lamang natin si Master Zhio... Ako na Dr. Eriez ang humihingi ng kapatawaran sa ginawa ni Master Zhio... Na alam natin na dala lang siguro ng kapaguran niya. Aakyatin ko lang siya."
Ipinuntahan ko ang silid ni Master Zhio. Kumatok ako dahil nakalock ang pinto.
"Master Zhio."
Kinatok ko ulit...
At ng bumukas.
Isinalubong niya sa akin ang galit na galit na mata.
" kung maari... Huwag niyo muna akong guluhin."
At bago niya ako sarhan ng pinto...
Nakita ko ang hawak niya... Isang bote ng alak...
>>>>>>>>
Nauubos ko na ang isang bote ng alak...
Di ko parin maramdaman na lasing na ako...
Umiikot parin sa kukute ko ang sinabi ni Dr. Eriez... Tsk!...
Kala ba nila madali lang mag-mahal. Tsk... Palibhasa walang asawa ang dalawang yun.
Nang bigla na namang may kumatok.
Gusto ko man magbingi-bingihan ... Ngunit dumaragdag pa sa asar ko ang rindi ng paulit-ulit na katok na yun.
Nang buksan ko...
" At ngayon marunong ka na rin magpakalunod sa alak Zhio!"
Sino pa ba ang dalawa kong ama-amahan.
" Paki-alam niyo ba ha."
"Zhio! Habang tumatagal! Lalong nagiging wala kang kwentang Zel Cantheliz."
" Siguro..." Hinawakan ko na ang doorknob para sarhan sila... Kaya lang hinawakan ni Atty. Wenziel ang kabila.
" kasalanan 'to ng mabuti kong ama di'ba."
Naramdaman ko na lang bigla akong sinuntok ni Dr. Eriez...
Natumba ako...
Tsk. Matandang yun!
" F*ck!"
" Kasalanan pa talaga ng iyong ama! Zhio... Sa mga ginagawa mo ngayon... Parang isinasawalang bahala mo ang paghihirap ng iyong ama!"
" Zhio. Kailan man di mabibili ang oras. Oras at pagod ang inilaan ng iyong ama para sa kompanya upang umunlad ito para sa'yo .. Idagdag mo pa ang pagod mo. Kung hindi ka kikilos ngayon... Baka magsisi ka sa huli...at mapag-isipan mo na nauwi lang sa wala ang lahat nang 'to!"
" ... Wala kayong Pakialam!"
" May paki-alam kami."
" Lubayan niyo na lang ako kung maari."
" Lubayan? At hayaan kang nagkakaganyan."
Tumayo ako.
" Tsk!.. Kung ayaw niyo ako lubayan ako ang Aalis!"
Nilagpasan ko sila... At bago pa ako makalAyo sa kanila.
" Zhio! Di ka pinalaki nj James na talikuran ang problema mo!"
Time never Wait. Do you realize sometimes, when we wait, the time is too long, but when we have deadlines, time is so short. But one thing I find out, Time never wait and its goes on.