Umuwi na ako... Na halos litong-lito parin.
Ngunit.. Halos mandilim.ang paningin ko kay Amy ng makita ko siyang naglalakad... Sinundan ko. At napatunayan ko lang na totoo ang sinasabi ng mga kapitbahay.
Pumasok siya sa isang apartment.
Sumunod ako...
May silid siyang pinasok...
At dinig ko ang sigaw niya mula sa loob.
" Buntis nga ako! Anong gagawin natin dito!..."
At nagsisimula na siyang magwala.
" Relax's lang Amy... Ipapa-abort natin yan... "
Na pinanlaki ng mata ko.
" Basta wala akong ni isang kusing na gagastusin..."
Di ko na natiis... Binuksan ko ang pinto.
" A-ate." Sinampal ko siya. Saka hinarap ang walang hiyang binatilyong yun.
" ... Ginawa niyo 'to. Tapos di ninyo kayang panindigan.!!... Kasalanan ang gagawin ninyo!"
" Ate.."
Sa sobrang galit ko... Bigla kong kinuha ang buhok ni Amy...
" Umuwi ka na! At huwag na huwag kang babalik sa apartment na'to! At ikaw! Kung di mo kayang panagutan ang kapatid ko... Huwag na huwag ka ng magpapakita sa kanya!. Kung hindi .. Humanda ka sa akin!"
Kinaladkad ko Si Amy...
Pagdating sa bahay...
" Huwag na huwag mong ipapa-abort ang bata!"
" Tapos sino ang mahihirapan! Sino ang bubuhay... Ha Ate! Mahihirapan din ang bata tulad ko!"
" Amy..."
" At gusto kong ipa-abort ito!"
Aalis sana siya ng bigla kong hilain ang kamay niya. Pagkaharap ng pagkaharap...
Sinampal ko siya.
Nagsimula ng bumuhos ang mga luha ko...
" Tatalikuran mo yan. Ginawa mo yan!"
" tss... Ate!." At nagsimula na rin siyang umiyak ulit. " ...wala... Di ko alam ang gagawin ko... Natatakot ako Ate."
Bigla ko siyang niyakap.
" ... Shhh... Di ko rin alam ang gagawin... Pero... Di mo kailangan talikuran ang bata... Amy. Ang tanging magagawa mo sa ngayon... Ang alagaan yan... Aalagaan natin yan. Huwag kang matakot... Andito lang ako...aalayan kita..."
"Ate..."
" Shhh... Tahan na. "
Patuloy parin akong nakayakap sa kanya... Dahil... Patuloy na umiikot ang isipan ko tungkol sa perang kailangan ni Kuya Dexter.
Napakahirap tangapin ang situation na nangyayari sa amin. Ngunit kailangan ko tangapin yun para masimulan ko sulusyunan... Diyos ko ... Ikaw na po ang bahala.
Hinayaan ko ng matulog si Amy... Di ko pa sa kanya sinabi ang nangyari kay kuya Dexter.
Tinignan ko ang aking Ama..
Nadatnan kong gising siya... Lumuluha.
Napayakap ako sa kanya.
Alam kong narinig niya ang sigawan namin ni Amy.
" Claryita." Bulol na sabi niya.
" Balang araw Pa... Magiging maayos ang lahat...Asahan natin yun."
... Iniwan ko ang tatay ko ng makatulog.
Paglabas ko... Dumating na si Ate Nadine.
" Ate Nadine."
" Huwag mo nga akong kausapin.Tss napakamalas ng gabing 'to! "
Napalunok ako ng laway... Paano ko sa kanya sasabihin...
" Walang customer!tss"
"Ate ... Si kuya Dexter nasa Hospital."
Napalingon siya sa akin.
"Anong ginagawa ng gagong yun dun.!"
" Sinaksak si Kuya. Kinakailangan siyang operahan.. Critikal ang buhay nya. Kailangan natin ng pera para sa operasyon niya."
" Aba! Di ko na yan kasalanan. Hayaan mong mamatay siya!"
" Pero..."
" E di bahala ka!. Saka may mayaman ka namang manliligaw... Dun ka magpatulong!.."
Nanlamig ako ng marinig ko yun... Di maari... Nakakahiya sa kanya... Alam kong si Derick rin ang nasa likuran ng mga groceries na dumarating sa amin tuwing linggo. Napailing ako...
Pumasok ako sa silid ko... At kinuha ang inimpok ko na para sana kay Tatay.
...kinakailangan ngayon ang gamot ni Kuya Dexter...
Umalis na ako... Habang nasa daan...
Nag-ring yung cellphone ko.
" Hello."
" Miss. Claire Masadra?."
" Ah ako nga po."
" We want to notify you na may gustong magshoulder ng lahat niyong gagastusin dito sa hospital."
" Si-sino po?."
"Teka lang..."
Narinig ko sa linya...
" Nasaan na siya..."
At biglang...
" Im sorry miss di namin nakuha yung pangalan... Ngunit iniwan na niya sa amin ang pera... Kung gusto niyo manigurado... Pumunta kaagad kayo dito."
Na agad kong ikinapunta.
Nagulat nga ako sa perang iniwan...kalahating Milyon...at tanging pirma lang sa cheque... Ang magpapakilala sa taong yun. ...
Who is the Stranger that help her?