< Atty. Wenziel >
Napakatigas talaga ng ulo ng binatang yun!
" O kayo ano pa ang tinutunganga niyo... sundan niyo si Zhio!"
"Pero Sir... may sinabi siya."
"Wala akong pakialam... basta sundan niyo siya. At ikaw naman Deo.. kailan mo pa pinapahiram ang sasakyan mo sa kanya?."
"Kahapon lang Sir."
"Tsk... kung ayaw niyo siya sundan mga tauhan ko mismo ang gagawa."
< Zhio >
Papunta na ako sa lumang kapilya ng madaanan ko ang sang matanda na nagbebenta ng mga bulaklak...
Itinigil ko saglit ang sasakyan sa tapat nito... sinenyasan na bibili ako..
Di na ako bumaba ng sasakyan...
"Yun pong isang basket ng rosas..lahat".
Na agad ikinakuha ng matanda.
lumabas muna ako para isilid iyon sa loob.
"Heto po ang bayad.."
Na di ko alam kung ilang libo ba ang naibigay ko.
"Naku... sobrang -sobra na ito Iho."
Ngumisi lamang ako saka pumasok ng sasakyan.
"Maraming Salamat dito Iho!"
Pagdating ko sa lumang Kapilya... isa lang ang gusto kong makita.
Ngunit inaasahan ko na wala siya roon.
Ipinasok ko ang sang basket ng Puting rosas.
Hindi ako marunong maglagay ng bulaklak sa flolera.
Kaya isinilid ko na lamang iyon roon.
Naupo ako ...
Nasisigurado ko puno ng bulaklak ngayon ang Zel Cantheliz Mansion.
"Wow..."
Nang makilala ko ang boses na yun... Bigla ako napangiti.
At di nga ako nagkamali nang lumingon ako.
"Anong meron?... may burol?"
na bigla ikinabawi ng ngiti ko.
"Siguro." sagot ko.
"Ha?.. Totoo? Asan?"
"Wala dito."
Tinignan niya ako...
"Tinatakot mo lang ako.."
Biglang napataas ang isa kong kilay.
" Bakit naman."
"Sadyang takot lang ako sa mga bangkay... hehe.. saka yung sisidlan nila. Haist... sayang di ko naabutan yung mga puting rosas... teka?... ikaw yung bumili sa kanya?."
"Hindi ... naabutan ko lang yan dito... "
"Kung sino man ang naglagay niyan dito.. nilibre niya tayo... ang dami.
Bat ka pala andito?."
"Wala lang gusto ko lang bumisita... wala naman sigurong mali dun."
"At kaya ka andito...gusto mo magdasal... halika dito."
Hinawakan niya yung kamay ko...
Hinila papunta sa may sindihan ng kandila.
May kinuha siya... isang Match box sa pagkaalam ko.
Walang malay.. na binitiwan niya yung kamay ko.
"May binili akong kandila..."
Kinuha niya sa bag...
"At swerte ka dalawa yung binili ko. Tig-isa tayo... "
Inabot niya sa akin... na agad kong kinuha.
Saka siya nagsimilang magsindi.
"Yan. Heto... Magdadasal na ako."
Inabot niya sa akin yung... Match box...
Kinuha ko naman at ginaya ang ginawa niya.
Pinagkiskis ang posporo...
Unang subok nabali.... hangang sa sunod-sunod.
Namalayan ko na lang tumawa yung katabi ko.
"Dahan-dahan lang kasi..."
Tinary ko... Wala pa din. Tsk.
"Ang lakas kasi... Ganito."
Hinawakan niya yung kamay ko. At sabay niyang ipinagkiskis ang posporo ng tamang-tama.
"Tada...! Try mo".. at binitiwan niya yung kamay ko.
Sinubukan ko.
Wala pa din.
"Ayoko na."
"Haha. Ang pagsindi ng posporo... sinasa puso yan.. mababali talaga yan kapag masyado kang alboroto. Eh ba't di ka marunong... para ka namang bata."
Hindi ako sumagot... idinikit ko na lamang yung kandila.ko sa apoy ng kandila niya... upang magsindi.
"Lighter ang ginagamit mo?."
"Magdasal ka na lang.." sabi ko... tsk...
Natahimik na siya...
Haist... lumalabas na naman ang sungay ko.
Nang matapos...
" Ang ganda pala dito... tahimik... kahit parang hunted na ang itsura.... "
"Maganda naman talaga dito dati... kaya nga lang ng may magbigti ditong pari... kinatakutan...at inambanduna..."
"Bakit... nagmumulto ba ang paring yun."
"... Shhh... nagsisimula nang magsitayuan ang balahibo ko." parang batang bulong niya sa akin.
" ay Oo nga pala... natatakot ka pala sa patay. Gabi na... di ka pa Uuwi?."
"Mamaya na siguro... hinihintay ko pa si Sister Ema."
"Sigurado ka?."
"Sigurado... basta huwag lang magpakita ang paring yun sa akin..
Bakit Aalis ka na.ba..."
"Tsss... kung aalis ako..kawawa naman ang isa dito."
"Hehe.... salamat naman.....Ano pangalan mo?."
"Zhio..." na ikinabigla ko nang sabihin ko sa kanya.
"Naks... kapangalan mo yung billionaryong masungit na binata?.."
Have you met someone that you never thought the He is good than you?