下載應用程式
88.23% BLANK (Bookstore Deities 2, Taglish) / Chapter 28: Scratch 28

章節 28: Scratch 28

"Ark, nawawala ang drawing book ko!" Andy shouted.

"Ah, nawala lang pala eh."

Kinuyom niya ang kamao para pigilan ang sarili na manuntok bago nagsalita. "Lang? Alam mong hindi iyon basta-basta napapalitang hunghang ka!"

"Eh bakit mo ako sinisigawan? Mas hunghang ka! Nakalimutan mo na bang kambal tayo?" Hindi rin nagpatalo si Arwin. Ngumiti pa siya ng mapang-asar. Maikli lang ang pasensya niya, at hindi ligtas doon ang kanyang kakambal. "Eh ano kung nawawala yung sa'yo? Akala mo tutulungan kita maghanap? Sayaw ka muna, baka pag-isipan ko pa."

"Ano?" Sa sandaling ito, ang kaunting pasensyang natitira kay Andy ay naubos na. Wala na. Sinagad na. "Ah, ganon ah." Lumapit si Andy sa bag ni Arwin at basta na lamang hinalungkat ito.

"Hoy! Anong—" Kinuha ni Andy ang kanyang drawing book!

"Magmula ngayon, akin na'to!" pagdedeklara ni Andy.

"Gago, ibalik mo yan!"

Umiling si Andy. Now, it's his turn to smirk. "Oops, Finders, keepers!"

"YOU, THIEF! Ibalik mo yang gago ka!" Pinilit hablutin ni Ark ang kanyang drawing book. Hindi nagpatinag sa pagkakahawak si Andy sa kabilang dulo ng drawing book, at mas hinigpitan pa ang kapit. Hinila niya pabalik ang drawing book sa direksyon niya.

"URGGH!" Patuloy silang naghilahan nang buong lakas. Screech! Walang bumitiw hanggang sa may napunit na bahagi ng drawing book.

Screech!

Napatigil si Ppela sa pagkanta at napapikit. Malakas na tunog ng pagkapunit! Kasabay non ay ang pakiramdam sa loob niya na parang may napunit, kahit na wala naman siyang sugat.

Idinilat niya ang mga mata at tumayo nang tuwid. Sa isang kisap-mata, nagbago ang ekespresyon ng kanyang mga mata, at naging kulay pula ang emblem sa kanyang noo.

Those insolent and careless twins! They better be prepared to taste the wrath of the goddess of papers, the scratch queen. The time has come to claim the price.

*-*-*-*-*

"Charlotte, alam kong nahihirapan kang ibigay 'to sa kanila. Pero pwede ba? Kung wala kang balak na ibigay' ang mga 'to, wag ka na tumanggap pa ng mga kung ano-anong regalo dahil hindi mo naman kayang ibigay. Basura lang yan dito. Tignan mo, ang kalat-kalat na ng kwarto natin!" pangangaral ni Charity saka nagpatuloy sa pagwawalis.

Maliit na nga ang espasyo sa kanilang kwarto, sisiksik pa 'tong mga box at sandamakmak na sulat. Buti sana kung para yan sa kakambal niya, kaso hindi. Eh sino bang nahihirapan maglinis ng kwarto nila, di'ba siya?

Sinong nasestress sa mga korning sulat na napadpad sa ilalim ng kama niya, di'ba siya?

"Pero kasi, ang hirap tumanggi, eh. Kailangan nila ng tulong ko."

Charity rolled her eyes. Ayan na naman ang kambal niyang feeling superhero! Parang si Sigmund din. "Charlotte, masyado mo silang kinukunsinti. Kung gusto nilang makarating yan kina Andy at Ark, edi ibigay nila. Ano ka, utusan? Maging mailgirl ka nalang. Kalimutan mo na ang pangarap mo."

"Grabe ka naman, sissy. Hindi naman sa ganon. Gusto ko maging nurse, support naman diyan!"

"Anong hindi naman ganon? Ganon yun. Charlotte, nangangako ka sa kanila. Nagbibitiw ka ng pangako na hindi mo naman kayang tuparin. Paasa ka. At kahit pa sabihin nating ayaw mo lang silang masaktan, at ayaw mo ring masira sila, nagsisinungaling ka pa rin."

"Pero—"

"Ang masama ay msama, kahit baliktarin mo ang mundo, Charlotte. Akala mo ba nakakatulong ka sa kanila? In the long run, dahil sa pagsisinungaling mo, sasaktan mo rin sila. Pinatagal mo lang."

Napayuko si Charlotte. Tama nga naman. Hinding-hindi siya mananalo sa kapatid. Magaling makipagdebate ito. Walang duda, magiging magaling na lawyer ang kapatid nia dahil laging ipinaglalaban ni Elisse ang tama.

Ilang sandali silang nanahimik. Si Charity, naglilinis ng kwarto, habang si Charlotte naman ay nagluluto na ng dinner dahil mago-overtime daw ang mama nila. Silang dalawa lang ang maiiwan ngayong gabi.

Napansin ni Charity ang isang kulay itim na bagay. Parang notebook. "Kanino 'to?" tanong niya. Ito ang unang beses na makita niya iyon kaya nagtaka siya kung pagmamay-ari ba iyon ng kapatid niya.

"Ewan? Inutusan lang kasi ako ng Ryan na magtapon ng basura kanina. Tapos nakita ko yan malapit sa aso. Kilala mo ba ang may-ari niyan? Wala kasing pangalan na nakalagay."

"Ah." Sinipat niya ang "notebook". Humanga siya sa mga simbolong nasa cover page. Napakaunique at mistulang antigo. Binuksan niya ang bawat pahina at bahagyang nagulat nang malamang, hindi pala iyon notebook, kung'di isang drawing book na may comics story bawat pahina.

Sa unang pahina, ay may dalawang babae na nakadamit ng uniporme ng MCHS. Nasa loob sila ng classroom. Kumakain sila ng lunch.Ayon sa dialogue ay nag-uusap sila tungkol sa kanilang mga idolo nang bigla silang mag-away at magsabunutan.

Ikalawang pahina, may lalakeng nakajacket na pinatayo sa klase ng guro na kapareha ng ayos ni Ginoong Domeng. Pakantang sumagot ito sa klase kaya pinalabas ng guro.

Strange.

Kung komiks ito, bakit parang walang koneksyon ang una at ikalawang pahina? Hindi ba, dapat mayroong storyang sinusundan ang mga komiks?

At… parang pamilyar ang mga tao at pangyayari sa drawings. Saan nga ba niya nakita?


Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C28
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄