Amaya's POV
Wierd. I didn't expect someone to approach me.
Alam kong walang gustong makikipag-partner sa akin dahil sa mga sabi-sabi ukol sa akin. Pinag-isipan kong mag-isa nalang siguro akong gagawa ng thesis. Pero biglang may nag-approach sa akin.
Hindi ko siya kilala at bigla nalang akong natulala kanina nang tinawag niya ako at kinausap kung pwede ba kaming maging partner sa thesis.
"Wala na kasing ibang... " sabi niya.
Right, what was I expecting.
Last choice pala ako. Nag-usap kami. Bagohan ata, maybe he did not knew the stories about me kaya nakipagpartner siya sa akin. Nakakatawa siya, nabulol-bulol kasi siya kanina. Okay naman siya makatabi, okay naman siyang maka-usap, okay naman siguro siyang maging partner.
Okay na yun kaysa sa mag-isa.
Kinalaunan ay umupo na kami. Lumabas muna yung Prof kaya ang ingay ng room.
Kami lang atang dalawa ang napakatahimik. Walang imik. Nakatingin ako sa kanan palayo sa kanya. Ang awkward.
Sobrang tahimik namin, walang buka sa mga bibig. Ang mga kamay niya nasa kanyang tuhod at ang kamay ko ay nasa mesa na tila ba hindi kaming dalawa mapakali sa katahimikan. Kulang nalang may kroo~ kroo~ na sound effects eh.
Lumingon siya sa akin. Nagtitigan kami. Hindi ko alam kung ba't ang tagal niyang nakatitig sa akin hanggang sa bigla siyang suminok.
*hiccup*
Nahiya siya ng una, napangiti ako at napangiti rin siya hanggang sa ang ngiti ay naging mga maliliit na mga tawa.
"Ang tahimik natin kanina," sabi matapos matawa.
"Pasensya na ha, ganyan lang talaga kasi ako, ang awkward kong tao. I'm sorry to make you feel awkward," dagdag pa niya.
"Okay lang naman," sabi ko naman sa kanya sabay ngiti. Funny. Cute.
***
Sam's POV
C'mon Sam, is this all you can do?
Wala ang prof, at lumabas rin ang ghost.
Ang tahimik naming dalawa. Ang ingay ng paligid kami lang ata ang nakasarado ang mga bibig. Napansin kong hindi na ata siya komportable at hindi na napakali.
I need to do something to break this long tension of awkwardness and silence.
Tumingin ako sa kanya. Nagtitigan. Ang lapit niya pala sa akin. It seems different from seeing her afar. All you could see is just her dark long hair partially hiding her face. Up close it's different. Her hazel eyes are looking into mine. My eyes ran through her face noticing her luscious plump lips. Her cute nose and a beauty mark right above her cheek. She looks different. Beautiful.
*hiccup*
Why, of all time?
Bigla akong napsinok at napatawa naman siya.
Good job Sam, napatawa mo siya!
Napatawa narin ako. Ang sarap palang pakinggan ang kanyang mga mahihinang tawa.
Hindi nagtagal bumalik rin ang professor at nagpatuloy sa kanyang klase.
Is it just me? Or was that the first time I saw her smile.
***
"Why don't you eat with us? " sabi ko sa kanya bago paman siya umalis papuntang cafeteria.
"I don't think I should... " nagdadalawang-isip siya
Bago paman siya natapos magsalita pinutol ko agad siya. "C'mon, it'll be fun and we could discuss about our thesis during lunch. "
Ginawa ko ang lahat para mahikayat ko siyang sumama sa amin. Hindi rin nagtagal sumang-ayon narin siya.
The least thing I want is to get involve with that ghost.
Paulit-ulit ko yang sinabi sa sarili kanina pero ayaw talaga ng tadhana. I've already gotten myself into this mess, why not make it worth it.
Akala ko mahirap siyang makausap dahil sa palagi siyang nag-iisa pero ang dali lang pala. Ang saya pala niyang tao.
***
Amaya's POV
Ayaw ko sanang makihalo sa mga kaibigan ni Sam pero napansin kong desidido talaga siya kaya sumang-ayon nalang ako.
Papalapit na kami sa mesang kinauupuan ng mga kaibigin ni Sam "Hey, guys," sabi nito sa kanila.
"This is Amaya, can she sit with us? " dagdag pa niya.
"No. " a short strong answer from the thin girl at the corner of the table.
I stiffen at the girl's reply. I never thought they would be this hostile but it seems I was not the only one shocked. Everyone at the table was also.
"Sam, I think I should go. " I quickly said but he grabbed my arm and in a moment that girl said, "Nahh, I'm joking!" she suddenly laughed then everyone was laughing.
"You can sit here beside Sam." sabi ng babaeng nakaulo sa harap ng babae kanina.
"Hi, I don't know if you remember. I'm -" bago paman niya na tapos pinutol ko ang siya at nagsabi, "Angelina, we've met. I remember," habang nakangiti.
Isa-isa silang lahat na nagpapakilala.
"So, how true are the rumors?" Hindi na nagpadalos-dalos si Angelina sa pagtanong niya sa akin.
"You don't need to answer that, " sabi ni Sam. Assuring me that it was fine but it was not. Siguro kailangan ko na talagang ilabas ang katotohanan.
Hindi ko alam kung anong dapat kong sagutin, "What rumors are you referring? Sa dinadami-daming rumors tungkol sa akin. "
Nakinig silang lahat at nakatingin sa akin.
"Totoo bang kayo ni Ivan?"
Tanong ni Pearl.
"Hindi, I don't even know a guy named Ivan."
Ania's POV
Nawala lang ako ng saglit naging interrogation na ang nangyari. Wagas din silang makapag-interrogate, mas wagas pa sa pulis.
Naabutan ko ang sagot ni Ate na wala siyang kakilalang Ivan. So, walang Ivan? Walang secret boyfie na tinatago si Ate sa akin? Sayang eager naman sana akong makita 'tong Ivan na pinagsasabi nila.
"Hindi mo kakilala si Ivan so ibig sabihin, hindi totoo ang ibang mga sabi-sabi kaugnay kay Ivan." sabi ni Ate Angelina.
"So bakit ka nawala bigla?" dagdag pa niya.
Natahimik si Ate at alam ko kung bakit bigla siyang nawala sa school. Nakapagmove-on na ako sa pangyayari, tanggap ko naman na patay na ako pero alam kong nanatili parin si Ate sa panahon ng pagkamatay ko.
Sam's POV
Tinanong siya tungkol sa kanyang biglaan na pagkawala sa University pero naging tahimik siya na tila ba'y may naalala siya. Gayundin ang ghost na mukhang guilty o tila ba may kinalaman siya sa mga pangyayari na iyon.
Tiningnan ko ulit si Amaya napansin ko ang kanyang naluluhang mga mata. Mga matang nawalan ng mahal sa buhay. Mga matang nagsasabing, 'kasalanan ko ang lahat'. Mga matang kabisadong-kabisado ko. Mga matang taglay ko din, dati.
"Okay, I think that's enough. The food's getting cold and lunch time is almost over so we better hurry." sabi ko sa kanila trying to change the topic.
Malumanay na ngumiti si Amaya sa akin and mouthed the word thank you as I slightly smiled back at her.