18
"Susmiyong bata ka! Napaano iyang labi mo?" bulyaw ni 'Nay Lordes nang pumasok ito sa kwarto ni Sir Rod para maghatid ng makakain at maiinom.
Hindi kami magkatinginan ni Sir Roderick. Kanina nung may kumatok sa pinto ay nagmamadali itong tumayo at dumistansiya sa akin. Nagkandadapa pa nga siya sa pagmamadali.
"Sir, labas lang ho kami. Kausapin ko lang itong si Kriselda," ani 'Nay Lordes. Tumango lang si Sir Rod, hindi pa rin ako pinapasadahan ng tingin.
Hila-hila ako ni 'Nay Lordes palabas ng kwarto, palabas ng bahay, pagawi sa hardin. "Anong nangyari diyan sa nguso mo? Bakit dumudugo 'yan, nangudngod ka ba?" Sinuri-suri ni 'Nay Lordes ang labi ko.
"'Nay naman, tinuturuan lang naman ako ni Sir Rod humalik."
"ANO?!"
"Nay, tinuturuan lang ho ako ni Sir Rod humalik," pag-uulit ko. Bungol na rin yata kasi itong si 'Nay Lordes dulot ng katandaan.
Napaupo si 'Nay Lordes sa damuhan. Anong drama nitong si Nay Lordes? "Susmiyong bata ka! Ibig mong sabihin naghahalikan kayo roon ni Sir Roderick sa kanyang kwarto?"
Napahagikgik ako dahil kinikilig ako kapag naaalala ko ang pinagsaluhang halik namin ni Sir Rod. "Ganoon na nga po, 'Nay," masiglang kumpirma ko.
"Jusko, Kriselda! Alam mo ba ang ginagawa sayo ni Sir Roderick?"
"Hmmm... tinuturuan po?"
Napasapo ng noo si Nay Lordes bago ito tumayo at pumamewang sa akin. "Kriselda!" may galit na sa tono ng boses niya kaya napawi ang malapad na ngiting nakaukit sa aking labi. Bakit ba nagagalit siya?
"Minomolestiya ka na ni Sir Roderick at hinahayaan mo lang siyang gawin iyon sayo?! Nag-iisip ka ba, Kriselda? Paano kung mabuntis ka? Pananagutan ka ba? Menor de edad ka, Kriselda! Wala tayong magagawa kung itatanggi ni Sir Roderick ang batang mabubuo ninyo dahil isang kahig, isang tuka lang tayo! Ikaw ang naagrabyado pero ikaw ang lalabas na masama!" Namumuyos sa galit si 'Nay Lordes. Ito ang unang beses na pinagtaasan niya ako ng boses. Naiiyak ko pero sinikap kong pigilan ang pagbagsak ng aking luha.
Hindi ko maintindihan. Wala akong maintindihan. Bakit nagagalit si 'Nay Lordes sa ginagawa ni Sir Rod sa akin? Hindi nga ba dapat magpasalamat kami kay Sir Roderick dahil binibigay nito ang oras niya para turuan ako ng mga bagay-bagay? Bakit parang ayaw ni Nay Lordes ng ideyang yun?
Saka bakit mabubuntis ako? Nakakabuntis ba ang paghahalikan? Akala ko ba nangyayari lang iyon kapag pinasok ang patola sa pechay? E wala naman kaming ginamit na kahit anong gulay e.
Siguro nagagalit si Nay Lordes dahil mahirap lang kami at mayaman sina Sir Rod. Dahil sa tingin niya ay matutulad lang kami sa nangyari sa kanya at kay Señor Cristobal.
Gusto kong ipagtanggol si Sir Rod at ang sarili ko kay Nay Lordes. Gusto kong ipaintindi sa kanya na hindi sinusukat sa estado sa buhay o kaya'y edad ang pagmamahalan ng dalawang tao. Na hindi lahat ng mahirap at mayamang nag-iibigan ay mauuwi sa hiwalayan katulad ng nangyari sa kanila ni Señor Cristobal.
"Umuwi ka na, Kriselda. Bukas, hindi ka na sasama sa akin papunta rito," malamig na aniya bago ako tinalikuran para bumalik sa loob ng mansiyon.
Naiwan akong luhaan doon. Ang daming tanong sa utak ko. Paano na ang pagtuturo sa akin ni Sir Rod? Nasa part 2 pa lang kami ng libro. Paano na ang araw-araw ko kung hindi ko na masisilayan ang mukha ni Sir Rod? Paano na ako?
Kinabukasan ay walang gana akong bumangon. Kung hindi nga lang ako binulyawan ni Nay Lordes ay hindi pa sana ako babangon. Para saan pa? E hindi naman na niya ako isasama sa mansiyon ng mga Tuangco.
"Mag-almusal ka na. Nag-iwan na rin ako ng pera sa ibabaw ng cabinet sa kwarto. Bumili ka na lang kina Petring ng tanghalian mo mamaya." Hindi ako tumugon sa habilin ni Nay Lordes. Tulala lang akong nakaupo sa silya sa kusina, walang ganang galawin ang inihanda niyang agahan.
"Kriselda, masamang pinaghihintay ang pagkain! Kumain ka na riyan! Wag kang mag-inarte. Kung iniisip mong magbabago ang isip ko sa ginagawa mong iyan, pwes sinasabi ko sayo, hindi ko na hahayaang mapalapit ka pa kay Sir Roderick. Binababoy ka na, gustong-gusto mo pa? Ang mayayaman, ang tingin sa atin ng mga iyan, mga laruan. Gagamitin kung kailan nila gusto, itatapon kapag sawa na sila. Walang pinagkaiba roon si Sir Roderick. Hindi siya makabubuti sayo."
"Mabait po si Sir Rod. Mabait po siya," nanghihinang anas ko.
"Kung talagang mabait siya dapat inisip niya na menor edad ka!"
"'Nay, wala yun sa edad!" Napahilot si Nay Lordes ng kanyang sintido. Mukhang hirap na hirap din ito. Kinuha niya ang bayong na madalas niyang bitbit papunta sa mansiyon.
"Wag na wag kang magtatangkang sumunod sa mansiyon," huling bilin nito bago tuluyang lumabas ng aming barong-barong.
Pagkaalis ni 'Nay Lordes ay nangalumbaba ako sa lamesa. Wala akong ganang kumain. Wala akong ganang gumalaw. Wala akong lakas. Paano nga ba naman ako lalakas kung ang taong nagbibigay sa akin nun ay hindi ko na masisilayan magmula ngayon?