下載應用程式
82.6% The Gentleman's Wife / Chapter 19: CHAPTER 19: CONFESSION

章節 19: CHAPTER 19: CONFESSION

DAHAN-DAHANG nagmulat ng mga mata si Celina nang maramdaman ang pagkalas ng kanyang asawa sa pagkakayakap sa kanya, kasabay nang pagputol nito sa maalab nilang paghahalikan.

"Ang totoo'y... ito talaga ng nais kong mangyari," pilyong turan ni Ashton at bahagya pang piningot ang kanyang ilong. Sabay tawa ng malakas.

"Anong sinabi mo?!" Agad niyang pinaningkitan ng mga mata ang asawa.

"Hindi ko na kailangan pang ulitin ang aking sinabi," pabiro nito't bigla siyang sinabuyan ng tubig.

"Gano'n pala, ah! Well, malinaw kong narinig ang mga sinabi mo kaya humanda ka sa'kin ngayon!" Ginantihan niya rin ito nang pagsaboy ng tubig. Mas malakas pa kaysa sa ginagawa nito. Patuloy din siya sa pag-abante hanggang sa marating na nila ang pampang.

Malakas pa rin silang nagtatawanan nang tunguhin ang kanilang picnic area. Halos balot na rin ang dilim sa paligid ng mga sandaling iyon. Tuluyan na ring lumubog ang araw at napalitan naman ang magandang tanawin ng mala-musikang huni ng mga kuliglig at insektong sa gabi lamang lumalabas.

"Magsisiga muna ako ng apoy," suhistyon ni Ashton at mabilis na tinungo ang kanilang dirty kitchen para kumuha ng mga nasibak na tuyong kahoy.

Mabilis din itong bumalik at sinimulan na ang pagpapaapoy. Napansin na ni Celina ang hawak nitong dalawang bato't ilang tuyong damo. Ngunit, hindi na niya iyon pinansin hanggang sa mapagtantong pinagkikiskis nito ang mga bato sa pagpapaapoy kaysa gumamit ng lighter o posporo.

"Ashton... Anong ginagawa mo?" kunot-noo niyang sita rito.

"Gumagawa ng apoy..."

"Alam ko. Pero, seryoso ka bang ganyang paraan talaga ang gagawin mo? Hindi mo naman siguro iniisip na pahangain ako sa paggawa niyan? Dahil nahihirapan lang akong panoorin ka," natatawa niyang turan. Oo. Nakakatuwa nga itong pagmasdan sa ginagawa, pero nawiwirduhan siya.

"Sanay ako sa ginagawa ko..." nakangiti lang nitong sagot sa kanya. At ipinagpatuloy pa rin ang ginagawa.

'At kailan pa siya natutong gumawa ng apoy gamit ang mga 'yan? Nag-boyscout ba siya?' Mapagkala niyang sabi sa sarili.

"Baka naman gusto mong gamitin itong mga may baga pang uling sa ihawan para mas madali--" Hindi na niya natapos pa ang sinasabi nang makitang nagkaroon na ng apoy ang ilang mga tuyong damo. "Ahm, sabi ko nga hindi na kailangan..." Ngingiti-ngiti na lang niyang patuloy. Mabilis din niyang hinila ang bathrobe na nakapatong sa upuan at isinuot iyon dahil bahagya na siyang nakakaramdam ng ginaw sa bawat paghampas ng hangin sa dalampasigan.

Nang tuluyang makagawa ng bonfire ay naupo na rin si Ashton sa tabi niya. "Kain na tayo?" anito.

"Sige." Inuna niyang hainan ng pagkain ang plato ng asawa bago ang sa kanya. "Masarap ang niluto kong carbonara."

"Mukha ngang masarap sa amoy pa lang!" Agad itong sumubo. "Masarap nga!" Sabay kindat sa kanya.

"Tigilan mo nga iyan!" saway niya rito't natatawang umirap. Lagi siyang nakakaramdam ng pagkakilig sa tuwing gagawin nito ang bagay na iyon. Medyo naiilang na siya. Ngunit, ayaw naman niyang sirain ang atmosphere sa pagitan nila ngayon. Magaan sa dibdib na nagkakasundo sila nito at gusto niya ang pakiramdam na iyon.

Hindi pa rin naman nawawala ang galit niya para sa asawa dahil hindi naman iyon gano'n kadaling kalimutan. At wala na siyang ibang dahilan pa sa mga ginagawa kundi ang gawin ding kasangkapan ang mga Gamara para madugtungan pa ang buhay ng kanyang ina. Maggamitan ang laro ng mga ito at iyon din ang isusukli niya. Ngayon ay sasakyan na lamang niya ang mga maaaring mangyari. Kung mahuhulog man ang loob niya sa lalaking ito dahil sa kanyang mga plano'y nakahanda siyang masaktan; handa siyang magpakamartir. Ganoon niya kamahal ang ina. Dahil kapag wala siyang ginawa, buong buhay niya iyong pagsisisihan. At ito na lamang ang tanging magagawa niya.

PINAGMAMASDAN ng dalawa ang mga bituin sa kalangitan habang nakahiga sa kani-kanilang lounge chair habang naghihintay na matunawan sa kanilang mga kinain.

"Napaka-payapa ng mga bituin..." ani Ashton. May guhit ng ngiti sa mga labi nito. Ngunit, may kakaibang mensahe sa mga mata nito na nagsasalamin ng kalungkutan.

"At ang ganda nilang pagmasdan!" sang-ayon ni Celina. "Alam mo... noong bata pa ako, pinangarap kong maging isang astronaut."

"A-ano iyon?" Nakakunot ang noong sinulyapan siya nito.

"Sila iyong mga taong may kakayahang makapunta sa kalawakan sakay ng spaceship o spacecraft. Binabantayan nila't pinag-aaralan ang bawat bagay na nasa kalawakan... lalo na ang ating mundo," paliwanag niya sa paraang madaling maintindihan ng kahit na musmos pa lamang.

"Nais mong bantayan ang ating mundo? Bakit?"

"Hindi." Natatawa siyang napa-iling. "Ang gusto ko lamang noon ay ang mapalapit sa mga bituin. Gusto kong mapagmasdan sila sa malapitan at iguhit ang totoo nilang hitsura. Gusto ko ring malaman kung ang hugis ba talaga nila'y katulad ng nakikita ko sa mga libro ng nursery rhymes. Nakakatawa ano?" Sandali niyang sinulyapan ang asawa at matamis na nginitian.

"Naiisip ko kasing... parang ang cute-cute nilang pagmasdan sa ganoong hitsura. Pero nang tumuntong ako sa high school, doon ko napagtano kung gaano ka-isip bata ang mga pangarap ko. Doon ko din nasimulang kainisan ang subject na science dahil hindi pala ganoon kadali ang mga bagay-bagay sa kalawakan kagaya ng iniisp ko. Kaya nagpakatotoo na lamang ako sa sarili ko. At itinuon ang atensyon sa mga bagay na kinahihiligan kong gawin... kagaya ng pagguhit at interior designing. Doon ko nakamit ang pangarap ko at iyon ang totoong nagpapasaya sa akin," mahaba niyang paliwanag.

"Ibig mong sabihin, sa mundong ito... hindi makabubuti ang mangarap ng imposible?" Mabilis na bungon si Ashton at naupo paharap sa kanya. Seryoso ang mukha nito't bakas ang pagkasabik na marinig ang isasagot niya.

"Hindi naman... Libre ang mangarap kaya bakit pa titipirin? Hindi ba? Pero, wala iyong patutunguhan. Mananatili na lamang iyong pangarap hanggang sa mamatay ka. Ganoon ang paniniwala ko. At iyon ang totoo," aniya. Sinalubong din niya ang mga titig ng asawa.

Nakita niya ang biglaang pagseseryoso sa mukha nito. Maging ang pagbuntong-hininga nito'y hindi rin nakaligtas sa kanyang paningin.

"Celina, m-may nais a-akong ipagtapat sa 'yo..." saad nito sa mababang tono. Tila mabigat sa loob nito ang sasabihin at bahagya pang nag-aalangan.

Bigla tuloy siyang nakaramdam ng kaba kaya mabilis siyang napabangon at hinarap ng maayos ang asawa.

"A-ano iyon, Ashton?"

"K-kanina... ang namagitan sa atin ay totoo lahat, hindi ba?"

Lalong nangunot ang kanyang noo dahil hindi niya maintindihan ang ibig nitong sabihin. "A-anong sinasabi mo? H-hindi ko maintindihan..."

"Celina, totoong mahal kita. T-totoo ang lahat ng sinabi ko sa iyo kanina. Maging ang aking mga binitawang pangako. Lahat iyon ay mula sa kaibuturan ng aking puso... Ipaglalaban kita at hinding-hindi ko bibitawan anuman ang mangyari. Pangarap kong protektahan ka at makasama ka habambuhay. H-hindi naman imposible ang pangarap ko na iyon, hindi ba?" puno ng pag-aalalang saad nito. Uhaw ang tainga nito na oo ang maririnig na sagot mula sa kanya.

"Ano bang nangyayari sa 'yo, Ashton? N-naguguluhan ako..." Hindi niya maintindihan ang nais nitong ipunto. Bakit bigla na lang niyang nakita ang matinding takot sa mga mata nito? Takot na para bang mawawala siya buhay nito.

"Celina... Ang totoo'y hindi nawala ang aking memorya. Nagpanggap akong walang maalala... Patawad," pag-amin nito.

Bigla siyang natigagal sa kinauupuan nang marinig ang sinabi nito. Ilang beses siyang napakurap ng mga mata't pilit na nililinaw sa isipan kung tama nga ba ang kanyang narinig. Ngunit, ang totoo'y ayaw tanggapin ng kanyang puso.

Hindi na niya namalayang basa na pala sa luha ang kanyang mga pisngi. Wala ring malinaw na tumatakbo ngayon sa kanyang isipan. Tila naging blanko pansamantala ang kanyang utak.

"Patawarin mo ako... k-kung nagsinungaling ako. Nang malaman kong may asawa ako sa katauhang ito'y ninais ko nang angkinin ito. H-hindi dahil sa--"

"Tama na, Ashton! Tumigil ka na! Ano bang mga sinasabi mo?!" bulyaw niya rito. Sabay tayo at gumawa ng sapat na distansya sa pagitan nila.

"H-hindi Ashton ang aking pangalan. A-ako si Adonis--" Muli na namang hindi pinatapos ni Celina ng pagsasalita ang asawa at malakas niyang pinadapo ang palad sa pisngi nito.

"Enough! Ngayon gumagawa ka naman ng ibang pangalan? Oh, I knew it! Papalabasin mong may alter ego ka," sarkastiko niyang turan. "I'm not buying it, okay? How do you expect me to believe that? Do you really think I'm that stupid?!" nagngingitngit sa galit na dagdag pa niya.

"Celina, makinig ka muna sa akin! Pakiusap?" sumamo nito. Lumapit ito sa kanya upang yakapin siya't patigilin sa paghuhuramintado. Ngunit, ginawa niya ang lahat para hindi ito makalapit.

"'Wag mo 'kong hawakan!" Nanlalaban ang kanyang mga kamay. Wala na siyang pakialam kung nasasaktan na niya ito't nagkakasugat-sugat sa kanyang mga kalmot.

"All these time pala nakakaalala ka! So, anong pakiramdam mo ngayon? Masarap ba? Masaya ka na dahil naloko mo na naman ako? Siguro nagbubunyi ka ngayon dahil nagulo mo na ang puso ko! Isa ba 'to sa mga plano mo? Ang paibigin ako pagkatapos iiwan akong parang tanga! Sabagay, may sasahol pa nga ba sa 'yo? Kung tutuusin ay napakasimple pa nga nitong ginawa mo ngayon, e. Ang tanga ko lang... Ang tanga-tanga ko lang talaga't nagpaloko na naman ako sa 'yo!" Wala na siyang pakialam kung humahagulgol na siya ng iyak sa harapan nito.

Hindi niya mapigilan ang sarili. Hindi rin niya maintindihan kung bakit sobra siyang nasasaktan ngayon. Akala niya handa na siya. Pero hindi pala. Pakiramdam niya'y parang unti-unting pinupunit ang kanyang puso. Idagdag pa ang paulit-ulit na pagrehistro sa kanyang alaala ng pinagsaluhan nilang mga halik kanina. Nananadya ba ang isip niya? Bakit kung kailan sobra siyang nasasaktan ay saka naman wala itong tigil sa pagbalik sa kanyang gunita?

"Celina, hayaan mo muna akong makapagpaliwanag!"

"Wala ka ng dapat pang ipaliwanag!" Tinalikuran na niya ito at nanakbo palayo.

"Saan ka pupunta? Celina!" Habol nito sa kanya.

"Huwag mo 'kong susundan!" Pumihit siya paharap at matalim itong tinitigan. Puno ng pagbabanta ang eksprisyon sa mukha niya. "D'yan ka lang!"

Wala namang nagawa ang lalaki at nasundan na lamang ng tingin ang papalayong si Celina. Kahit pa labis ang pag-aalaga ng lalaki dahil hindi nito malaman kung saan siya pupunta, ay pinili na lamang nitong huwag sumunod sa takot na baka kung ano pa ang gawin niya sa sarili. Lalo pa't madilim na sa paligid.

...to be continued


Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C19
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄