下載應用程式
42.85% Color Game "The Bloody Beginning" / Chapter 3: CHAPTER 2: THE PARTY

章節 3: CHAPTER 2: THE PARTY

MALALIM na ang gabi. Karamihan sa mga bisita ay lasing at nagiging wild na sa dance floor. Makailang ulit na ring sumayaw sina Carl at Rue, at napaparami na rin ang kanilang naiinom na alak. Hindi pa naman nalalasing si Rue dahil nagku-control siya, malayo-layo pa ang kanilang uuwian kaya hindi siya maaaring magpakalasing.

Nakaupo lamang sila sa isang couch sa bandang sulok na madilim. Tanging ang disco lights lamang ang nagsisilbing ilaw sa loob ng dance floor at ilang maliliit naman na bombilya ang mga nakakabit sa paligid.

"Honey, pupunta muna ako sa lady's room," paalam ni Rue sa kasintahan, sabay tayo sa kina-uupuan.

"Samahan na kita," suhistyon ni Carl. At akma na sanang tatayo ngunit, mabilis niya itong pinigilan.

"No need! Babalik din naman ako kaagad. Sandali lang ako."

"Are you sure?"

"Yeah. Just wait me here, Honey. Okay?" Bahagya siyang nagbaba ng mukha at hinalikan ang nobyo sa labi. Iyon lang at nagsimula na siyang maglakad papunta sa banyo.

Naiwang mag-isa si Carl sa table nila. Dahil si Alvin ay mukhang walang balak na saluhan sila sa kanilang lamesa't mas nagi-enjoy kasama ang mga babae sa pool.

Mayamaya pa'y may lumapit sa kanyang isang babae, si Alicia--ang birthday celebrant. Tumabi ito sa kanya at sinimsim ang lamang alak ng basong hawak nito.

"So, how was the party?" tanong ni Alicia habang naglalakbay ang mga kamay sa balikat ni Carl.

"Ahm...g-great. Yeah, great!" sunod-sunod ang ginawang pag-inom ni Carl ng beer. Naiilang siya sa mga haplos ni Alicia sa kanya. Masyado ring malapit ang mukha ng babae sa mukha niya kaya amoy na amoy niya ang alak sa hininga nito.

"Good." Bahagyang pinadaan ng babae ang hintuturo nito sa mga labi ni Carl. Ang katawan nito'y sumasabay naman sa indayog ng tugtugin, while she's intentionally robbing her breast towards his shoulder—making him feel harden down there.

"Hey! Alicia, stop it!" Mabilis niya itong inawat bago pa man siya mawala sa katinuan.

Naisip niyang baka dala lamang iyon ng kalasingan kaya hindi na nito alam ang ginagawa. Isa pa, patay siya kay Rue sakaling maabutan sila ng nobya sa ganitong sitwasyon. Kaya, hinawakan niya ang kamay nito at pilit na inilayo iyon.

"Alam mo, Carl... curious talaga ako kung paano magmahal ang isang sikat na video game developer." At nagpatuloy ito sa pang-aakit sa kanya. Mas lalo pa nitong inilapit ang katawan sa kanya na halos yakapin na siya nito. "Malas mo lang ngayon... dahil nandito ka," pilyang turan nito.

"W-what do you mean—" naguguluhang tanong ni Carl. Ngunit, hindi na niya natapos pa ang sinasabi nang walang paalam na inangkin ng babae ang kanyang mga labi.

MEDYO NATAGALAN si Rue sa lady's room dahil sa pila kaya nagmamadali siya ngayong bumalik sa table nila. Ngunit, nang makabalik siya roon ay wala ang nobyo niya.

"Saan siya nagpunta?" mahina niyang tanong sa sarili.

Nagpalinga-linga siya sa paligid at nagbabaka-sakaling makita niya ito sa tabi-tabi o sa gitna ng sayawan. Pero, masyadong marami ang tao sa dance floor kaya hirap siyang makita ito.

Sa isang bahagi ng dance floor, nakita niya ang kaibigang si Alvin na nagsasayaw kasama ang kumpol ng mga kababaihan. Nag-desisyon siyang lapitan ito upang tanungin. Habang papalapit dito'y hindi pa rin siya tumitigil sa pagsiyasat sa paligid at nagbabaka-sakaling makikita ang nobyo.

Halos hindi na siya tumitingin sa kanyang dinaraanan sa palinga-linga kaya aksidente niyang nabangga ang isang babae sa gitna ng dance floor.

Agad na gumuhit ang iritasyon sa mukha ng babae at matalim siyang tinitigan. Sandali rin niyang pinag-aralan ang hitsura nito... Hindi niya ito kilala.

Nakatirintas ng dalawahan ang buhok ng babae, makapal ang make up at masyado ring makapal ang gamit nitong itim na eye liner-na pumares sa itim nitong mga labi. Mukha itong rock star o heavy metal musician. Pero, sa kung paano ito kumilos, mas mukha itong drug addict sa tingin niya.

"Hey, ano ba'ng problema mo?!" galit na singhal nito sa kanya.

"I'm sorry. Hindi ko sinasadya," paumanhin niya. Ayaw na niyang palakihin pa ang gulo kaya sa umpisa pa lang ay humihingi na siya ng tawad.

"Hoy, babae! Bawal ang tatanga-tanga dito! Alam mo ba 'yon?" anito't dinuro si Rue. "Sa susunod kasi tumingin ka sa dinaraanan mo, lalo na kung nando'n ako!"

"I said sorry, okay?" Biglang nag-init ang ulo niya sa sinabi nito. Ngunit, pinigil pa rin niya ang sarili na patulan ang babae.

Tinalikuran na niya ito't nagbingi-bingihan na lang sa iba pang mga sinasabi nito sa kanya.

'What the hell! Hey! Don't turned your back at me when I'm still talking! Bumalik ka rito, Loser! 'Di pa ako tapos sa 'yo!'

Halatang mahilig makipag-away ang babae kaya wala siyang balak na mag-aksaya pa ng panahon dito. Magsasayang lang siya ng oras.

NANG tuluyang makalapit kay Alvin ay agad niya itong pinihit paharap sa kanya.

"Hey, Alvin!"

"Oh, Rue!" Bahagya pa itong nagtaka nang makita siya.

"Have you seen Carl? Where is he?" sunod-sunod na tanong niya.

"Bakit ako ang tinatanong mo? 'Di ba... magkasama kayo?" kuno't-noong balik-tanong naman nito.

"I just went to the restroom. Then, wala na siya sa table namin pagbalik ko, e."

"Relax, Rue. Nandiyan lang 'yon. Baka nagpunta lang sa CR o di kaya nagpapahangin lang sa kung saan. Don't worry, babalik din 'yon. Sayaw na lang tayo para 'di ka ma-boring sa paghihintay," ngingiti-ngiting saad nito.

Naitirik ni Rue ang kanyang mga mata sa pagkadismaya. Inaamin niyang paminsan-minsan talaga hindi niya kayang pakisamahan ang sobrang pagkapresko nito.

"Fine!" aniya, sabay talikod dito.

"Hey, Rue! Where are you going?" Mabilis siya nitong hinabol at hinawakan sa braso para pigilan sa pag-alis.

Muli naman siyang humarap dito't pinagsalikop ang mga braso nang bitawan siya nito. Hindi niya itinago rito ang iritasyon at pilit na approach sa kaibigan.

"I'll find Carl!" mariin niyang sagot.

"I'll go with you," prisinta ng lalaki. Pansin na rin kasi nitong hindi niya nagustuhan ang sinabi nito kanina.

"No. No need. I can take care of this." Ayaw na niya dahil naasar na siya rito. Mas gugustuhin pa niyang siya na lang mag-isa ang maghahanap.

"Are you sure?"

"Yeah, of course! Babalikan na lang kita dito kapag hindi ko pa rin siya nahanap. Pero, sigurado naman akong nandyan lang siya sa paligid. Wala namang ibang pupuntahan 'yon," kampanting saad niya. Alam din naman niyang hindi basta-bastang umaalis ang nobyo nang hindi nagpapaalam sa kanya, lalo pa't kasama siya nito.

"Okay," tanging nasabi ni Alvin. At marahang nagkibit ng balikat.

Nagsimula na muling maglakad si Rue para hanapin ang nobyo.

Hindi pa man siya masyadong nakakalayo nang bigla siyang harangin ng isang grupo ng mga kalalakihan. Mukhang hindi gagawa ng mabuti ang mga ito lalo na ang isang lalaking nasa gitna na halatang siyang nangunguna sa grupo. Matipuno ang pangangatawan nito. Ngunit, mukha ring basagulero't buhay na ang paghahanap ng gulo.

Kinabahan siya bigla sa malalagkit na titig na ipinupukol ng mga ito sa kanya. Pakiramdam niya'y ini-scan ng mga ito ang kaloob-looban ng kanyang katawan—dahilan para mabastos siya't pamulhan ng mukha.

"Hi, sexy!" bati ng lalaking iyon sa kanya.

"Excuse me." Hindi niya ito pinansin at muling nagtangkang dumaan. 

"Heeey..." Agad naman nitong iniharang ang sariling katawan sa gawi kung saan sana siya dadaan. "Where are you going, huh? Why don't you join us? Let's have a drink," alok ng lalaki sa kanya.

Bigo siyang makadaan. Sadyang makikisig ang mga lalaki at talagang wala siyang laban.

"Thanks. But, no. Thanks! I have to go." Muli niyang tinangkang hawiin ang mga ito sa daraanan niya. Ngunit, muli siyang hinarangan ng mga ito.

"Sa tingin ko naman..." Bahagya itong luminga-linga sa paligid. Pagkatapos ay muling tumingin sa kanya. "Wala kang kasama. So, why don't you spend the rest of the night with me? You'll surely enjoy it! I'm too hot for you to satisfy your needs," makahulugang saad nito.

Pagkuwa'y muling pinasadahan ng tingin ang kanyang buong katawan—mula ulo hanggang paa, pabalik sa kanyang malulusog na dibdib at nagtagal ang mga mata nito roon. Bahagya pa siya nitong kinindatan at nagkagat-labi.

Agad na nagpagting ang taynga ni Rue sa sinabi ng lalaki. Pakiramdam niya'y umakyat ang lahat ng dugo niya sa ulo.

Mahigpit niyang naikuyom ang mga kamao sa galit. Ngunit, pilit pa rin siyang nagpipigil na huwag nang patulan pa ang mga ito.

"I. Need. To. Go. Now!" mariin niyang sabi ng paisa-isa ang mga salita. "Padaanin niyo na ako. Puwede ba?" Naiinis na talaga siya't hindi na niya gusto ang mga ikinikilos ng grupo ng mga kalalakihang ito. Ngunit, laking gulat na lang niya nang bigla siyang kabigin sa baywang ng lalaking leader-leader-an ng grupo.

"Bastos!" malakas na sigaw ni Rue. Sapat na iyon para makakuha ng atensyon ng mga tao sa paligid. "Let me go! Ano ba? Bitiwan mo 'ko sabi! Buwisit!" Pilit siyang nagpupumiglas siya at pilit na kumakawala sa pagkakayakap ng lalaki.

Narinig ni Alvin ang pagsigaw na iyon ni Rue. At nang makita ang nangyayari ay nagmamadali itong tumakbo papunta sa gawi nila.

"Hoy, Jack! Let her go!" awat ni Alvin, sabay hatak kay Rue palayo sa lalaking tinawag niya sa pangalang 'Jack.'

Agad na nagdilim ang eksprisyon sa mukha ng lalaki. Halatang hindi nito nagustuhan ang ginawang pangingialam ni Alvin.

"Bakit ka ba nakikialam dito, ha? Ano'ng gusto mong palabasin?" galit na singhal ni Jack, sabay tulak sa dibdib ni Alvin.

Hindi naman nagpatinag si Alvin. Bahagya lang siyang napaatras, ngunit, nabawi rin agad ang balanse. "Bastos ka, e! Kung naghahanap ka ng mapagti-trip-an... puwede ba? Iba na lang!"

Sarkastikong ngumiti ang lalaki. "Aba! Ang tapang mo na ngayon, ah. Nahawaan ka na ba ng kayabangan ng kaibigan mong si Carl?"

Number one enemy ni Carl si Jack simula pa noong mga bata sila. Kung hindi lang ipinatapon sa America ang lalaking ito'y malamang na sa bilanguan na ito ngayon nakatira. Ngunit, tila wala namang nagbago sa ugali nito ngayong nagbalik Pilipinas na ito. Parang mas lumala pa nga.

Halatang galit na si Jack; gano'n din si Alvin. Umiinit na rin ang tensyon sa pagitan nilang dalawa.

"Alvin, that's enough," kaagad na awat ni Rue sa kaibigan. Ayaw na niyang lumala pa ang gulo sa pagitan ng mga ito. "Hayaan mo na sila. Huwag mo nang patulan. Please?" At pumagitna siya sa dalawang lalaki.

"Bakit? Iniisip mo ba na hindi kita kayang patulan?" Hindi pinansin ni Alvin ang pakiusap ni Rue. Kay Jack lamang ang buong atensyon nito ng mga sandaling iyon.

"Gusto mong magkasubukan?" hamon ni Jack. "I'll you a chance." At nagsimula na itong humakbang palapit kay Alvin.

Ngunit, mayamaya pa'y may isang lalaki ang bigla na lang umeksena. Humarang ito sa tapat ni Jack at may ibinulong sa lalaki. 

Napatingin si Jack sa gawing itinuro ng lalaki. Naroroon si Alicia na matamang nakatingin sa kanila. Kalmado lang ang hitsura nito na tila walang gulong nangyayari.

Matapos iyon ay biglang nag-iba ang reaksyon sa mukha ni Jack at bahagyang kumalma.

"It doesn't end here!" mariing baling ni Jack kay Alvin. "Tandaan mo yan, Peanut!"

"Anong itinawag mo sa'kin?!" Iritang akmang susugurin na sana ito ni Alvin nang mabilis na humarang si Rue. Niyakap niya ang kaibigan at pilit na pinaatras para makadistansya kay Jack.

"I said, enough, Alvin!" pagalit niya sa kaibigan.

"Okay..." Sunod-sunod itong tumango. "Okay. I'll wait," taas-noong turan ni Alvin. Hindi nito inalis ang pagkakatitig sa mga mata ni Jack upang ipakitang hindi siya natatakot dito.

Matapos iyon ay walang salitang tuluyan na silang iniwan ng grupo ng lalaki at nagtungo sa kinaroroonan ni Alicia.

Iiling-iling na lang na umalis sina Rue at Alvin para ipagpatuloy ang paghahanap sa nawawalang si Carl.

...to be continued


Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C3
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄