下載應用程式
87.62% Maybe This Time Love Can Win (Tagalog) / Chapter 340: Chapter 340

章節 340: Chapter 340

Bigla akong naguluhan at di ko alam kung ano yung nararamdaman ko sa pagkakataong iyon.

"Mahal parin niya ko?" tanong ko sa sarili ko pero di ko alam kung paano ko yun sasagutin.

"Kausapin ko nalang siya mamaya," sabi ko bago ako bumalik sa lamesa ko at nagsimulang magtrabaho.

Nasa final conclusion na k ng imbestigasyon ko at sigurado na ko na ang naging problema ay yung ginamit na generator. Upon checking sa mga documents hindi dapat iyon yung brand na nanalo sa bidding pero di ko maintindihan bakit iyon yun na deploy sa site.

Inayos ko na yung report ko at ini-email ko na direct yun kay Martin. Afternoon ay nagligpit na ko ng gamit ko dahil nga tapos na yung duty ko sa company.

"I already send the report in your email," text ko kay Martin bago ako lumabas ng opisina pero hanggang sa makarating ako sa kotse ni Mike di siya nagreply sakin.

Di ko naman yun binigyan ng issue kasi alam ko naman busy siya. Sa totoo lang gusto ko sana siyang maka-usap pero pwedi pa naman yun pagpabukas.

Paglapit ko sa kotse andun na si Mike samantalang si Xandra wala pa. Di ko siya napansin kanina paglabas ko baka inutusan ni Yago somewhere.

"Di sasabay si Xandra satin?" tanong ko kay Mike nung buksan ko yung pinto sa front seat.

"May meeting siya labas," sagot ni Mike sakin na pinaandar na yung kotse nung makita niyang tapos na ko magsuot ng seat belt.

"Papapasok ka pa bukas?" tanong ni Mike sakin makalipas ng ilang minuto.

"Papasok pa pero sa site ako pupunta," pagsisinungaling ko.

"Babalik ka ng Subic?"

"Hmmm!"

"Kala ko pa naman tapos ka na," sabi ni Mike habang nagmamaneho.

"Sa Sunday tapos na ko," sagot ko sa kanya. Actually nakukunsensiya ako magsinungaling pero kailangan alang naman sabihin ko sa kapatid ko na tapos na ko pero sasama ako kay Martin para magpadivirginize.

Di na sumagot si Mike at nagpatuloy lang sa pagmamaneho, samantalang ako ay pumikit muna para kahit papano kumalma yung utak ko.

Pagdating sa bahay agad kaming sinalubong ni Mama na agad akong mano.

"Musta 'Ma?" tanong ko dito habang inaalis ko yung sapatos ko.

"Ano ba naman ang magbabago sakin sa loob ng tatlong araw mong pagkawala?" sagot ni Mama sakin habang nag-uumpisa ng maghain ng pagkain para samin ni Mike.

"Malay ko ba bigla mong sabihin sakin na magkakaroon na kami ng kapatid ni Mike," pagbibiro ko.

"Tumigil ka nga Michelle sa katarantaduhan mo, mamaya may maka rinig sayo nakakahiya," galit na galit na sabi ni Mama kaya di ko maiwasang mapangiti.

"Baka mamaya ikaw ang magsabi samin ng Mama mo na magkakaroon na kami nga apo," sabi ni Papa na lumabas sa kwarto nila ni Mama.

Bigla akong natigilan paano bigla akong nakunsensya kasi nga bukas ako hahatulan ni Martin at paano nalang kung mabuntis ako? "Siguro naman gagamit siya ng condom para di ako mabuntis or maybe I can drink pills ang other contraceptive," sabi ko sa utak ko.

"Hoy kanina ka pa tinatawag ni Mama," sabi ni Mike sakin na bahagya akong tinulak kaya naalimpungatan ako.

"Ano bang iniisip mo?" tanong ni Mama na naka tingin sakin.

"Iniisip ko lang kung uuwi ako ng isang araw at sasabihin ko sa inyo ni Papa na buntis ako," pagbibiro pero syempre piniprepare ko na sila if ever magkaroon ng problema.

"Subukan mo lang umuwi dito ng buntis ng di kasal sabi ko sayo Michelle kakalbuhin kita!" pagbabanta ni Mama habang nanlilisik ang mga mata. Di ko maiwasang mapalunok kasi sa itsura ni Mama mukang di siya nagbibiro at tiyak kong gagawin niya yun.

Kaya dapat bukas bumili ako ng pills para makasigurado mahirap na.

"Siya nga pala 'Ma 'Pa, aalis uli ako bukas sa Sunday na balik ko," sabi ko habang kumakain kami ni Mike at si Papa at Mama ay naka upo sa tabi namin at pinagmamasdan kaming kumain.

"Saan ka nanaman pupunta?" tanong ni Mama.

"Babalik akong Subicdi kami natapos kanina umuwi lang ako kasi nga kulang yung dala kong damit," palusot ko.

"Di pa ba tapos?" si Papa naman ang nagtanong.

"Di pa 'Pa eh pero matatapos ko na yun sa Linggo," paliwanag ko.

"Ano bang plano mo sa buhay mo Michelle?" si Mama ang nagtanong.

"Actually 'Ma di ko pa alam, iniisip ko nga mag PMA muna,"

"Anong PMA?" tanong ni Mama.

"Papasok ka sa military?" gulat na gulat na tanong ni Papa. Samantalang si Mike naman ay di napigilan yung pagtawa.

"Baliw ka talaga Ate," sabi nito sakin.

"Inate mo pa ko tapos sasabihan mo lang din pala akong baliw, batuhin kita diyan eh."

"Paano mo may nalalaman ka pang PMA, iniisip ni Papa magmimilitar ko eh ang gusto mo lang muna magpahinga." natatawang sabi parin ni Mike.

"Baliw ka talagang bata ka!" sabi ni Mama na may kasama pang hampas.

"Aray ko naman 'Ma," reklamo ko.

"Akala ko talaga anak magmimilitary ka eh, Yun pa naman sana pangarap ko kay Mike pero kung ikaw papasok okay lang alam ko kakayanin mo yun."

"Si Papa naman patola sa edad ko ba namang ito pag mimilitarin mo pa ko, saka hello sa ganda kong ito hahayaan mo kong mabilad sa araw?"

"Ikaw naman nagsabi nun di ako kaya wag kang OA. Yun nga eh sa edad mong yan di ka pa mag-asawa at ng may alagaan naman kami ng Mama mo na apo,"

"Nauwi naman tayo sa apo, Hoy mag-anak ka na nga!" sabi ko kay Mike na hinampas ko sa braso.

"Nung nakaraang araw lang sinabi mo sakin na wag akong mauunang mag-asawa sayo tapos ngayon gusto mo mag-anak na ko?" sabi ni Mika na bahagyang lumayo sakin para di ko mahampas.

"Magkaiba yun, pwedi ka naman mag-anak ng walang asawa," sagot ko sa kanya habang umiinom ako ng ubig.

"Anong pinasasabi mo sa kapatid mo?" sabi ni Mama na hinampas ako.

"Pinapayuhan ko lang siya ti enjoy life."

"Pinapayuhan mo siyang maging mahalay at iresponsible!" sagot ni Mama sakin bago ako muling hinampas.

"Akyat na nga ako, pinagtutulungan niyo kong tatlo!" sabi ko bago ako tumayo at iniwan silang tatlo sa lamesa.

"Tumatakas ka lang sa hugasin mo!" sigaw ni Mama sakin. Ngumiti lang ako at nagpatuloy sa pag-akyat.


Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C340
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄