Pagkatapos naming kumain ng tanghalian ay nagpaalam ako sa kanila para matulog. Talagang inaantok ako kaya di ko namalayan gabi na ko nagising.
Kumakain na ko ng dinner ng may marinig akong kumakanta sa labas ng bahay namin.
"Ano yun, Ma? tanong ko kay Mama na pumasok ng bahay.
Nasa labas kasi sila nila Papa at Mike, tapos na silang maghapunan kaya ako lang kumakain mag-isa.
"May nanghaharana sayo kaya bilisan mong kumain," sabi ni Mama habang inaayos yung buhok ko. Basta nalang kasi akong bumangon sa higaan kaya alam ko na gulo-gulo yung buhok ko.
"Sabihin mo di ako nagpapaligaw!" sabi ko kay Mama habang nagpatuloy ako sa pagkain.
"Bilisan mo na diyan, sayang naman kung di mo mapapakinggan yung nanghaharana sayo!" sabi ni Mike na pumasok narin.
"Di ikaw nalang makinig, wag mo na kong damay!"
"Bilisan mo na!" sabi ni Mike habang inalis na yung pinggan sa harapan ko.
"Hoy sasandok pa ko!" tawag ko kay Mike pero wala siyang narinig at tuluyang dinala sa lababo yung pinggan ko.
"Magbihis ka dun at ayusin mo yung sarili mo," sabi ni Mama na hinila ako sa upuan para makatayo at itinulak ako papasok ng kwarto.
"Bahala kayo diyan!" naasar kong sagot, hihiga na sana ako uli kaya lang piningot ako ni Mama.
"Aray ko na Ma!"
"Kapag minamadali ka lalo kang nagbabagal!" sermon ni Mama sakin. Wala akong nagawa kundi magpalit ng damit, yung pang-itaas lang yung pinalitan ko kasi nga naka sando ako. Nagpalit ako ng blue na t-shirt at nagsuklay. Nagpulbo lang ako para mawala yung oily ng mukha ko bago ako lumabas.
Nang makita ako ni Mama agad niya kong hinila sa may bintana para makita ko yung nanghaharana sakin. Pagsilip ko dun, nakita ko si Don.
Nginitian niya ko at nginitian ko din siya kahit nagtataka ako kasi nga nung nagkita kami last time nagkaintindihan na kami na di ako magpapaligaw kaya di ko alam bakit umaakyat nanaman siya ng ligaw. Maliban sa grupo nila Don meron pang mga lalaking nasa labas ng bahay namin.
"Magandang gabi Michelle!" bati ni Don nung matapos na siyang kumanta. Harana yung kinanta niya by Parokya ni Edgar. Bagay na bagay sa boses niya at kung wala lang talaga laman yung puso ko baka bigyan ko ng chance si Don kaya lang ayaw ko naman maging unfair sa kanya.
"Magandang gabi din, pasok kayo!" imbita ko.
"Sabay-sabay na kami, may gusto pa kasing mangharana sayo!" sabi ni Don sabay tabi ng grupo niya saka naman pumasok yung ibang grupo ng mga kalalakihan at nagsimulang kumanta.
Akala ko okay na yung dalawang grupo, anak ng tokwa umabot sila ng anim.
"Ano ito contest?" sabi ko sa sarili ko. Ang dating kasi nagpaligsahan sila sa pagandahan ng pagkanta sa harap ko. Kahit masakit na yung paa ko sa katatayo pinipilit ko paring ngumiti kasi nga nag-effort sila.
Nung matapos na ang lahat ay pinapasok ko sila sa bahay. Biglang sikip ng sala namin kaya naisip nung mga supporter na sa labas nalang maghintay. Si Mama at Mike di naman magkandaugaga sa pagbibigay ng maiinom sa bumisita, buti nalang may dala silang meryenda kaya di na kailangan ni Mama magluto.
Nagpakilala sila sakin isat-isa Si Julius na isa daw siyang seaman, Si Resty na isang accouting din sa Manila at madami pang iba na di ko na matandaan yung pangalan.
"Pasensya na kayo ha, pero di ko yata kayo mabibigyan ng chance kasi nga in two weeks babalik na ko ng America," dahilan ko para di na sila umasa.
"Okay lang naman yun pero sana bigyan mo parin kami ng chance na maipakita sayo yung sincerity namin sa panliligaw," sabi ni Don. Sumang-ayon naman sa kanya ang lahat at bago sila umuwi dahil nga malalim na yung gabi ay hiningi nilang lahat yung phone number ko at facebook account ko.
Wala akong nagawa kundi ibigay sa kanila iyon. Pag-alis nila agad akong pumasok sa kwarto sakto namang tumutunog yung phone ko na naka patong sa kama ko pero bago ko pa iyon masagot ay huminto na.
Nung tingnan ko kung sino yung tumatawag, laking gulat ko ng makita ko yung pangalan ni Martin at naka twenty five mis-call na siya kaya nung muling tumunog iyon ay sinagot ko na baka kako may emergency.
"Bakit?"
"Anong bakit?" galit na sigaw ni Martin sa akin.
"Anong problema mo?" galit ko na ding sabi kasi bigla siyang sumigaw na di ko alam ang dahilan.
"Umuwi ka diyan sa Bataan para magpaligaw, Ayos ka talaga eh noh!"
"Anong pinagsasabi mo?"
"Anong pinagsasabi ko? di ba sinabi ko sayo wag kang magpapaligaw!" muling bulyaw niya sakin. Bahagya ko pang inilayo yung phone ko pero rinig ko parin yung sigaw niya kaya nagpantig yung tenga ko.
"Hoy baka nakakalimutan mo wala tayong relasyon kaya wala kang karapatang magmando sakin!"
"Anong sabi mo?"
"Ang sabi ko wala kang karapatan kasi sa pagkakatanda ko di kita boyfirend, di kita fiancee at lalong di kita asawa!" sigaw ko sabay baba ng phone.
Makalipas lang ng ilang segundo tumatawag nanaman siya kaya mabilis ko yung inignore pero paulit-ulit parin siya sa pagtawag sa sobrang inis ko binolock ko nanaman yung number niya. Nung di na siya maka connect sa isa kong phone sa isa nanaman siya tumawag kaya binolock ko din siya eh di nanahimik.
"Bwisit!" usal ko habang naka higa ako sa kama.
"Sinong kaaway mo?" sabi ni Mike na sinilip pa ko sa kwarto.
"Ikaw!" sagot ko sabay bato sa kanya ng unan. Ang loko-loko kasi pinamalita ba naman sa mga kalalakihan na tumatanggap daw ako ng manliligaw kaya pweding pwedi silang pumunta sa bahay namin kaya pala dumumog yung mga lalaki sa bahay.
Feeling desperado ako, gusto na yata akong ilako ng loko. Nagdaga pa yung asar ko dahil kay Martin, akala ba niya natutuwa ako na maraming nanliligaw sakin? Anong karapatan niyang magalit sakin, eh wala naman kaming label at kung tutuusin dalaga ako kaya pwedi akong tumanggap ng manliligaw wala siyang karapatang magalit sakin o pagbawalan ako.
"Kapal ng mukha, feeling niya!" sabi ko sa sarili ko habang sinusuntok ko yung unan ko dahil sa inis. Iniisip ko mukha yung ni Martin na dapat kong bugbugin.