下載應用程式
60.82% Maybe This Time Love Can Win (Tagalog) / Chapter 236: Rare Blood Type

章節 236: Rare Blood Type

"Nasa emergency po siya!" Sagot ng Nurse kay Alvin.

"Status?" Muli nitong tanong habang hinawakan ako sa baywang paano parang na drain yung lakas ko at sa iilang saglit lang ay babaksak na ko.

"Kapamilya ba kayo nung naaksidenteng si Mikael De Vera?" Tanong ng isang matandang lalaki na naka suot ng Lab coat at kung di ako nagkakamali ay Doctor siya.

"Opo!" Mabilis kong sagot.

"Critical ang lagay ng tatay mo! Kailangan siyang ma-operahan kagad. Ang problema rare a blood type niya at iisang bag lang ang meron kami dito sa hospital. We tried to call the blood bank pero matatagalan pa yung pagdating nun, so kung type A- ka? Magpakuha ka kagad ng dugo para masimulan natin yung operasyon!" Tuloy-tuloy na sabi ni Doctor pero wala akong naintindihan kasi ang rumehistro lang sa utak ko yung salitang critical.

"Michelle!" Tawag sakin ni Alvin, bahagya pa niya akong niyugyog para kahit matauhan ako.

"Hmmm!" Tanging sagot ko kasi di ako makapag-isip.

"Kailangan mong magpatest kung type A- ka, need ng Papa mo ng dugo!"

"Oo!" Tanging sagot ko.

"Bago po kayo pumunta dun, paki fill-up muna ito para po ma process natin yung medical need ng patient!" Sabi ng Nurse na nauna naming naka usap sabay abot ng papel na agad naman inabot ni Alvin. Siya narin yung kumuha ng ballpen para magsulat doon. Kung mga basic info lang naman like address and contact number ko kaya niya na yung sulatan kaya hinayaan ko nalang siya.

"Age ng father mo?" Tanong niya sakin.

"56," sagot ko sa kanya habang naka upo ako. Pinaupo niya muna ako para makapag sulat siya ng maayos.

"Pirma ka nalang dito!" Sabay abot sakin ng papel at ballpen. Mabilis ko naman itong pinirmahan at ibinalik yung sa Nurse.

"Andun yung laboratory namin kung saan kayo pwedi magpa-test ng dugo!" Turo niya samin ni Alvin.

"Salamat!" Si Alvin na rin yung sumgot at inalalayan ako para maka punta kami dun. Naka akbay siya sakin habang bitbit niya yung bag ko, para sakin walang malisya yun at nagpapasalamat ako sa support niya kasi kung wala siya pano na lang ako.

"Tatagan mo yung loob mo di pweding ganyan ka!" Sabi niya sakin kasi patuloy yung pagtulo ng luha ko.

"I know, salamat!" Sagot ko sa kanya habang pinunasan ko yung luha ko. Hinihintay namin yung result ng blood test ko bago ako makapag donate ng dugo kailangan kasi nilang verify na talagang match kami ni Papa. Di naman ako kinakabahan dun kasi sure naman akong compatible kami kasi saming pamilya si Mama lang yung naiibang dugo.

Makalipas ng ilang minuto muling humahangos si Alvin dala-dala yung result.

"Tara na! Punta na dun sa room A dun ka daw kukunan ng dugo!" Sabi niyo sakin kaya gad akong tumayo di na ko nagpa-alalay sa kanya kasi kaya ko na. Ayaw ko naman abusihin siya ng sobra.

Pagdating namin sa kwarto agad akong nilagyan ng IV para makunan ng dugo. Habang ginagawa yun naririnig kong tumutunog yung cellphone ko pero dahil nga na kasalukuyan pa kong kinukuhaan ng dugo hinayaan ko lang iyon.

"Magpahinga muna saglit!" Sabi ng Nurse sakin na kumuha ng dugo ko. Nagpakuha ako ng almost 6 liter pero sabi ng Doctor baka kulangin pa yun kaya naisip kong tawagan si Mike mamaya pero dahil nga nahihilo parin ako naisip ko munang magpahinga ng saglit.

Paglipas ng ilang minuto niyaya ko na si Alvin na lumabas kami para maka usap ko uli yung Doctor sa kalagayan ni Papa kasi nga kanina yung critical lang yung naintindihan ko.

"Kaya mo na ba?" Tanong nito na punong-puno ng pag-alala.

"Okey lang ako, kaya ko na!" Sagot ko sakanya habang bumangon ako ng dahan-dahan. Medyo umiikot pa yung paningin ko pero kaya ko na Gusto ko lang talagang malaman yung sitwasyon ni Papa. Isa pa kanina pa tunog ng tunog yung phone ko. Naisip ko si Martin at sila Mama kaya need ko na rin sila maka usap.

Muli akong inalalayan ni Alvin sa paglalakad. Nakahawak siya sa baywang ko habang ako naman ay naka sandal sa dibdib niya. Talagang umiikot parin yung paningin ko pero pinipilit kong mag focus.

"Michelle!" Narinig kong may tumawag sakin kaya sabay kaming lumingon doo ni Alvin. Di nga ako nagkamali si Martin iyon na humahangos palapit samin pero sa halip na tanungin ako kung kamusta ako ay agad niyang itinulak si Alvin dahilan para mapa atras ito at dahil nga naka kapit ako sa kanya muntikan pa kong matumba.

"Ano sa tingin mong ginagawa mo?" Bulyaw nito sakin.

"Pare di naman yun ganun! Inaalalayan ko lang si Michelle kasi...!" Di ko na pinatapos si Alvin sa sinasabi niya ng magsalita ako.

"Okey lang Alvin. Pasensiya ka na pati ikaw nadamay at naistorbo ko!" Mahina kong sabi sabay bitaw sa kanya.

"Anong nangyayari?" Muling tanong ni Martin na para bang lalong naiirita kasi di ko siya pinapansin. Naisip kong wag ng pansinin si Martin at pumunta nalang sa Emergency room na mag-isa pero dahil nga nahihilo parin ako muntik nanaman akong matumba at dahil nga mas malapit sakin si Alvin nauna siyang humawak sakin.

Dahil dun muli siya itinulak ni Martin nung parang papalag si Alvin inambahan na siya ng suntok ni Martin na agad ko namang sinigawan.

"Wag ngayon Martin! Sumosobra ka na!" Sabi ko sa kanya habang nanggigilid na yung luha ko sa mata sa labis na galit sa kanya.

"Bakit tumayo ka na? Sabi ko naman sayo magpahinga ka ah! Alam mo naman madaming dugong kinuha sayo baka mamaya matumba ka!" Sabi nung Nurse na nag-assist sakin kanina. Dahil dun parang natauhan si Martin at agad akong hinawakan. Hinayaan ko lang siya kasi talagang nahihilo pa ko.

"Paupuin mo muna siya dun!" Sabi uli ng Nurse sabay turo samin yung bakanteng upuan sa waiting area. Di ko na nagawang maglakad kasi mabilis akong binuhat ni Martin ng Princess style at dinala ako dun. Naka sunod lang samin si Alvin na walang kibo. Dahan-dahan niya kong nilapag sa upuan.

"Ako ng bahala sa kanya, Pare!" Sabi ni Martin sabay kuha sa bag ko na bit-bit ni Alvin na agad naman nitong bingaya. Akala ko mag sorry si Martin pero wala siyang sinabing ganun kaya ako na lang yung nagsalita.

"Pasensya ka na Alvin ha! Salamat sa tulong!"

"Ano ka ba Michelle, wala yun alam mo naman ng andito lang kaming mga kaibigan mo!"

"Alam ko! Salamat uli! Sige na umuwi ka na!" Pinauwi ko na siya para maiwasan yung tensyon na pwedi pang mangyari.


創作者的想法
pumirang pumirang

Guys! Pa-add ako uli ha nung "Let's Start Again" kapag di niyo makita please search may name "pumirang" lalabas po yun. Yung tagalog version wag niyo munang add kasi di ko na po yun i-update!

Thanks po!

Please add some comment and baka naman pwedi power stone din!

Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C236
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄