下載應用程式
58.76% Maybe This Time Love Can Win (Tagalog) / Chapter 228: Defensive

章節 228: Defensive

"Hon, musta?" Text sakin ni Martin kinagabihan.

"Okey lang, ito pagod katatapos ko lang maglaba!" Reply ko naman.

"Call kita!"

"Later na, tapos kong kumain! Tawagan kita agad once okey na ko!"

"Okey sige! Kain ka madami!" Huling text niya sakin at di ko na siya nireplyan kasi nga tinitingnan na ko ni Papa para sabihin tigilan ko yung ginagawa ko lalo pa nga nasa harap kami ng pagkainan.

"Si Martin, tinext ko lang saglit!" Paliwanag ko.

"Parang umiikot na yung mundo mo kay Martin ah!" Pang-aasar ni Mike sakin.

"Ano nanaman yang pinagsasabi mo?" Taas kilay kong tanong.

"Kasi kung di kayo magkasama, magka-text kayo kung hindi naman maka-usap kayo sa cellphone. Buti di kayo nagkakasawaan?"

"Kaya nga magpapakasal na sila para lagi na sila magkasama!" Sagot ni Mama habang naka tawa.

"Michelle!" Tawag ni Papa sakin kaya napabaling ako sa kanya ng tingin.

"Pa?" Sagot ko naman.

"Alam ko na malapit na kayong magpakasal ni Martin pero wag mong paikutin yung mundo mo sa kanya!"

"Anong ibig sabihin mo Pa?" Naguguluhan kong tanong.

"Baka kasi mamaya mabaliw ka kapag iniwan ka ni Martin!" Sagot ng kapatid ko na nagbigay ng kunot sa noo ko.

"Ang ibig sabihin ng Papa mo, is kahit papano bigyan mo rin ng time yung sarili mo. Di ka na kasi lumalabas kasama yung mga ka officemate mo or yung iba mo pang kaibigan parang puro ka nalang Martin." Bigla akong napa-isip parang nga nung naging kami ni Martin di na ko lumalabas, ultimo lunch break ko siya parin kasama ko. Siguro iniisip din nila yung nangyari sakin dati nung maghiwalay kami ni Christopher.

"Nak, wala namang masama dun kasi nga magpapakasal na kayo pero syempre kailangan mo din yun para sa sarili mo!" Sabi uli ni Papa.

"Naiintindihan ko po!" Sagot ko na lang habang pinagpatuloy ng pagsubo ko.

"Dumating pala si Anna ah, nagkita kami kanina pag-uwi ko. Hinahanap ka di ka daw sumasagot sa message niya." Si Papa uli ang nagsalita.

"Medyo busy lang Pa, kaya di ko nasagot!" Doon ko lang naalala na di ko nga nareplyan si Anna na nagyaya na lumabas kami ang sabi ko babalikan ko siya kung kailan pwedi kaya lang ilang araw ng nakalipas di ko pa siya nasagot kasi nga this few days sobrang busy ako sa mga party at pag-aayos ng kasal namin ni Martin. Isa pa, iniiwasan ko rin kasi si Christopher dahil nga sa nangyari last time at syempre dahil nga kapatid yun ni Anna kung pupunta ako or makikipag meet malamang di maiiwasang magkikita din kaming dalawa at yun sana yung ayaw kong mangyari dahil nga din kay Martin na nagsabi na bawal na kami magkita.

"Sunduin ka daw niya bukas, pinapasabi sakin."

"Sige Pa, text ko nalang po siya pagkatapos kumain!"

"Okey!" Sagot ni Papa sakin at nagpatuloy narin sa pagkain. Kaya pagkatapos kumain inuna kong tinawagan si Anna.

"Day!" Sabi ko nung mag-connect yung tawag ko.

"Uy Day buti kilala mo pa ko at alam mo pa number ko!" Nagtatampo nitong sabi.

"Bituka mo nga alam ko likaw number mo pa!" Pabirong sabi ko.

"Yun nga pinagtataka ko kasi ilang araw na ko dito sa Pinas pero parang ayaw mo kong makita!"

"Kaya nagsumbong ka sa Papa ko?"

"Yun nga eh kung di pa kita isusumbong kay Tito malamang di mo pa ko tawagan at take note buti pa si Tito kilala pa ko di gaya ng anak niya parang di na ko kilala!"

"Ang drama mo teh!"

"So di na rin ako pweding magdrama kasi kinalimutan na ko ng bestfriend ko porket magpapakasal na siya. Ganun ba yun?" Galit ng sigaw ni Anna sa kabilang linya.

"Sorry na!" Pag-aamo ko.

"Di mo ko madadala sa sorry mo!"

"Ano bang gusto mo?"

"Punta ka dito bukas!"

"Sige, punta ko diyan bukas!" Pag-sang ayon ko naman.

"Maaga!" Paglilinaw ni Anna.

"Oo, maagang-maaga!"

"Kasi pagluluto mo ko ng lunch!"

"Okey!"

"Tapos, sasamahan mo kong sunduin si Nina!"

"Okey!" Muling pagsang ayon ko.

"Tapos iinom tayo dito sa bahay!"

"Okey!" Patuloy ko na pasang ayon

"Tapos makikipagbalikan ka sa kapatid ko!" Muli niyang sabi.

"Sige magkalimutan na tayong dalawa!" Mabilis kong sagot.

"Haha...haha... so ayaw mo na talaga?" Mausisa niyang tanong.

"Kung ipipilit mo talaga yan! Mabuti pa nga talagang wag na tayo maging mag-kaibigan." Pagbabanta ko.

"Okey fine, joke ko lang yun! So... sunduin kita diyan bukas ng umaga ha!"

"Okey sige, hintayin kita!"

Nag-usap pa kami ng matagal ni Anna sa telephone kung bibilangin umabot din ata kami mahigit isang oras kundi lang ma-lowbat yung phone niya di pa titigil.

Pagkababa ko saka naman pagpasok ng tawag ni Martin.

"Hon?" Sagot ko ng komonekta yung tawag.

"Sinong kausap mo?" Mabilis niyang tanong sakin halatang iretable.

"Si Anna yung kaibigan ko." Paliwanag ko naman.

"Yung kapatid ng Ex mo?" Muling tanong niya, so natandaan niya si Anna hindi bilang kaibigan ko kundi kapatid ng Ex ko.

"Hays!" Buntong hiningan ko bago ako muli nagsalita.

"Oo, kadarating lang kasi niya galing Dubai. Nangangamusta lang!"

"Nangangamusta eh halos isang oras kayong magka-usap!" Galit niyang sabi.

"Ganun kami magkamustahan eh!" Iretable ko naring sabi, paano matagal din kami di nakapag kwentuhan ni Anna at para sakin normal lang yun. Isa pa sa pagkakaalam ko walang masama dun.

"Baka naman kasi iba na yung pinag-uusapan niyo!"

"Anong gusto mong palabasin Martin?" Naiinis na talaga ako.

"Bakit ka nagagalit?"

"Ayusin mo kasi yang mga tanong mo! Hindi porkit kapatid ni Anna si Christopher ibig sabihin na nun siya na yung topic namin."

"Bakit ka defensive?"

"Anong ako ang defensive? Ikaw itong nag-iisip n kung ano-ano!"

"Ako talaga?"

"Eh sino?" Matagal kaming nanahimik na at walang gustong magsalita.

"Bukas na tayo mag-usap mukang madami kang iniisip." Sabi ko sa huli kasi feeling ko wala namang pupuntahan yung pag-uusap namin at baka lalo lang kami magtalo.

"Sige!" Pagsang-ayon niya marahil naiisip niya na walang kwenta yung pinagtatalunan naming dalawa.

"Good night!" Sabi ko.

"Good night din!" Sagot niya sakin bago ko binaba. Di ako nagsabi ng I love you at ganun din siya sakin.

Pagbaba ko ng tawag nakita ko sa screen yung notification 54 miscall and 32 text messages mula kay Martin. Napailing na lang ako at di ko na binasa yung mga messages niya kasi baka madagdagan lang yung stress ko lalo pa nga at pagod din ako sa dami ng labahan ko kanina kaya minabuti ko nalang matulog.


Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C228
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄