Naka higa na ko sa kama habang yung cellphone ko tunog ng tunog. Si Martin yung tumatawag pero di ko siya sinasagot kasi hanggang ngayon naiinis parin ako sa kanya. Siguro nakaka limang ring na pero nagbibingihan ako pero dahil nga patuloy parin siyang tumutunog napilitan akong mute ito para kahit anong tawag niya di ako maiistorbo. Papikit na sana ako ng kumakatok na si Mike. "Isa pang istorbo!" Sabi ko sa isip ko.
"Ate... tulog ka na ba?" Tawag niya sa akin sa paggitan ng pagkatok.
"Bakit?" Sigaw ko habang tinakpan yung muka ko. Nakapatay na yung ilaw ng kwarto ko kasi nga balak ko ng magpahinga. Iniisip ko kasi bukas ko na lang kakausapin si Martin para settle yung atraso niya sa akin.
"Tumawag sakin sakin si Kuya Martin di ka daw niya kasi ma-kontak!" Sigaw ni Mike sa kabilang pinto.
"Sabihin mo tulog na ko!"
"Paano ko yun sasabihin eh... narinig ka na niyang sumigaw!" Agad akong bumangon ng marinig ko yung sinabi ni Mike at binuksan ko yung pinto naka tayo doon siya doon habang iniharap sa akin yung phone niya para ipakita saakin na nasa kabilang linya si Martin.
"Bwisit ka talaga!" Galit kong sabi kay Mike paano di man lang marunong mag rason ang ipinagtataka ko pa bakit may number siya ni Martin at kung bakit may number din si Mike sa kanya.
"Sinong bwisit?" Tanong ni Martin na parang nagulat sa pahayag ko.
"Parehas kayo! Istorbo!" Muli kong sigaw sabay sara ng pintuan sa pagmumuka ni Mike. Itinodo ko yung pagkakasara para malaman niyang galit ako taaga.
"Maiinit ulo bayaw mukang may regla, bukas mo na lang kausapin!" Narinig ko pang sabi ni Mike pero di ko na pinansin at muli na kong humiga sa kama pero maya-maya umiilaw na naman yung cellphone ko indicating someone calling malamang si Martin uli yun kaya di ko na pinansin. Maya-maya nag vibrate yung phone ko malamang nagtext na siya nung sa tingin niya di talaga ako sasagot sa tawag niya.
"Please answer your phone mag-usap tayo! Pag di mo sinagot pupunta ako diyan!" Paki-usap niya sa akin na may halong pagbabanta.
"SO ANNOYING!" Nasabi ko sa sarili ko habang nirereplayan siya ng "Bukas na tayo mag-usap patulugin mo muna ako.
"Kausapin mo muna ako kahit saglit lang." Muli niyang text.
"Hays!" Buntunghininga ko kasi mukang di niya talaga ako titigilan kaya no choice ako kundi tawagan na lang siya para matapos na.
"Hon!" Bungad niya sa akin nung kumonekta yung linya.
"Hmmm bakit?" Iretable kong sagot.
"Galit ka?"
"Hindi, naasar lang ako!" Reklamo ko.
"Gusto mo punta ako diyan kausapin ko si Tita!"
"Bakit ka pupunta saka gabi na anong gagawin mo dito?" Sagot ko sa kanya.
"Sabi kasi ni Mike pinagalitan ka daw ni Tita kasi daw may nakitang kiss mark sa leeg mo kaya punta ako diyan para sana magpaliwanag sa kanya!"
"Magpaliwanag, baka sa paliwanag mo lalo akong kalbuhin ni Mama kaya manahimik ka na nga Martin!"
"Sasabihin ko lang naman sa kanya na wag na siyang magalit kung gusto niya papakasal na tayo bukas na bukas din para di ka agrabyado!"
"Napag-usapan na natin yan Martin! Ngayon kung wala kang magawa patulugin mo na ko at ako ay inaatok na!"
"Haha...haha... sorry!" Nag-sosorry pero parang labas sa ilong. Ewan ko sa boyfriend ko na ito madaling madaling magpakasal kami akala mo may hinahabol na due date.
"Sige na tulog na ko! Mag-usap na lang tayo tungkol sa kasalanam mo sakin bukas!"
"Paano ako nagkaroon ng kasalanan sayo eh sumunod naman ako sa usapan natin ah wag maglalagay sa visible area!"
"Paanong di visible area yung nilagyan mo eh nakita nga ni Mama! Gusto mo talagang mapahamak ako eh noh!" Umiinit nanaman yung ulo ko dahil sa sagot niya sa akin.
"Haha... bakit mo kasi itinaas yung buhok mo? Nakita tuloy ni Tita!" Paninisi niya sa akin.
"Wow kasalanan ko pa talaga ha!" Singhal ko sa kanya.
"Oo kung di mo itinaas yung buhok mo di yun makikita kaya kasalanan mo talaga!" Pagmamalinis ni Martin.
"Ah kasalanan!"
"IT'S YOUR FAULT HONEY!" Pagkumpirma pa niya na talaga ako ang may kasalanan.
"Ah Ganun kung sinabi mo kasi sa akin na Hon nilagyan kita ng chikinini sa gilid ng leeg mo wag mong itataas yung buhok mo ha baka makita ng Mama mo patay ka! Oh...diba di sana alam ko!"
Dramatic kong sabi sa kanya. Feeling ko talaga mauubos ang dugo ko sa pakikipag usap kay Martin nagsisi na talaga ako kung bakit ko pa siya tinawagan.
"Haha...haha...!" Tanging tawa lang ang isinagot niya sa akin kung di ba naman talaga ka bwisit kaya di na ko muling nagsalita.
"Tulog ka na?" Tanong niya sa akin nung kumalma na siya sa pagtawa.
"Inaantok na ko!" Asar kong sabi sa kanya.
"Okey... love you!" Paalam na niya sa akin pero di ako sumagot. Ibaba ko na sana yung phone ng maalala ko na di ko pa nga siya natatanong kung naka uwi na ba siya.
"Siya nga pala naka uwi ka naba?" Tanong ko pero halatang iretable parin ako.
"Di pa!" Matipid niyang sagot.
"Di pa kayo tapos uminom?" Takang tanong ko habang sinipat ko yung relo na naka sabit sa may pintuan mag ten thirty na ng gabi
"Patapos na rin kaya lang wala pa si Mang Kanor eh!"
"Na traffic kasi kami kanina kaya medyo late na dating niya diyan." Paliwanag ko.
"Sabi nga niya sakin nung tinawagan ko siya kanina, naka limutan pa nga daw niya yung pinabibigay ko kina Tito at Tita buti na lang daw napansin niya di pa siya nakaka layo kaya bumalik pa daw siya."
"Oo nga eh.. nag abala ka nanaman!"
"Yaan mo na ko!"
"Bahala ka na nga diyan! Bumalik ka na dun sa loob at uminom ka muna ng alak at ako ay matutulog na!"
"Kwentuhan muna tayo!" Paki usap ni Martin sa akin.
"Antok na antok na talaga ako Hon, bukas na lang ha! Sige na please!" Sunod-sunod kong paki-usap talagang bumibigay na yung mata ko.
"Sorry.... Sige na tulog ka!"
"Love you!" Sagot ko para putulin na yung usapan naming dalawa.
"Love you too!" Sagot niya sa akin at tuluyan ko ng pinatay yung phone ko at tuluyan ng natulog.