下載應用程式
27.06% Maybe This Time Love Can Win (Tagalog) / Chapter 105: Interview?

章節 105: Interview?

Pagbalik namin sa event nag-uumpisa ng kumain yung mga bisita. Agad kaming dumiretso sa lamesa kung asang ang mga parents niya.

"Saan kayo galing?"

Tanong ng Mommy ni Martin sa amin nung maka lapit kami sa table.

"Nagpahangin lang Mom!"

Sagot ni Martin habang inalalayan akong umupo.

Pero di muna siya umupo at nanatiling naka tayo sa bandang gilid ko.

"Anong ginawa mo kay Elena bakit nagmamadali yung umuwi?"

Kununot ang noo ni Martin dahil sa narinig kaya medyo iritable ang boses niya.

"Lola wala po akong ginawa sa kanya saka kung may hiya siya dapat nga di na siya pumunta pa dito!"

"Martin yung attitude mo ha! Isipin mo kahit papano may nakaraan kayo ni Elena kaya kahit papano sana paki tunguhan mo siya ng maayos!"

"Ikaw na rin po ang nagsabi Grandma naka raan ko na siya at si Michelle na ang kasalukuyan. Sana naman wag mo na siyang banggitin sa harap ng girlfriend ko dahil ayaw kong pagmulan pa namin siya ng away."

Mahinahong sagot ni Martin habang naka patong yung kamay niya sa balikat ko. Ipinatong ko ang kamay ko sa kamay niya para sana sabihing tama na at wag ng maki pag talo sa Lola niya.

"Luisa tigilan mo na nga yan at isa pa nakakahiya kay Michelle."

Sabi ng Lolo ni Martin sabay baling sa akin.

"Pasensya ka na iha! Itong asawa ko kasi ay malapit kay Elena sana naiintindihan mo!"

"Okey lang po naiintindihan ko!"

Mahina kong sagot sabay ngiti.

"Mabuti pa Martin ikuha mo na nga pagkain si Michelle at baka nagugutom na siya."

Utos ng Daddy ni Martin sa kanya.

Mabilis naman niya ko binalingan.

"Anong gusto mo?"

"Ikaw na bahala!"

"Sige, wait lang ha!"

Tuluyang umalis na si Martin para kumuha ng pagkain namin. Buffet style kasi yung party at tanging alak lang ang dala ng mga waiter na umiikot sa buong paligid. Yung pagkain naka lagay sa sa mahabang lamesa. Naka unli food bahala ka kumuha kung anong gusto mo wala restriction.

Naputol yung pagmamasid ko nga marinig kong mag salita yung mother ni Martin.

"Matagal na ba kayo ni Martin hija?"

"Three months pa lang po kami!"

"Ah... actually kasi yang anak naming yan is napaka malihim halos di nagkukwento ng nang yayari sa buhay niya. Lalo pa nga kami ng Daddy niya ay lagi rin bumabiyahe. Kaya di namin alam na may girlfriend na siya kaya na invite namin si Elena. Sana wag mong masamain."

"Naku di po! Okey lang po sa akin saka naka pag usap na rin po kami ni Elena at nagkaka intindihan naman po kami kaya wala pong problema."

"It's good to hear that si Elena kasi ay lumaking kasama ni Martin kaya di narin siya iba samin. Kaya wag kang magseselos ha!"

Naka ngiting sabi sa akin ng Mommy ni Martin na tinugon ko rin ng ngiti.

"Opo!"

"May trabaho ka ba?"

Direktang tanong sa akin ng Lola ni Martin na ikina gulat ko.

"Luisa!"

Mukang di lang pala ako ang nagulat pati ata Lolo niya kasi mabilis niya itong sinaway.

"Pasensya ka na iha wag mo ng pansinin itong asawa ko!"

"Okey lang po wala naman masama sa tanong ni Lola."

"Don't call me Lola call me Ma'am! Saka wala naman masama sa tanong ko. It's a way para makilala natin siya."

Mabilis na saway niya sa akin. Bigla tuloy akong nahiya di ko na tuloy alam ang isasagot. Pero makalipas ng ilang sigundo sumagot parin ako para di ako magmukang bastos.

"System Engineer po yung trabaho ko sa katunayan po kami yung nagdesign sa security nitong hotel niyo."

"Talaga?"

Nagulat na tanong ng Daddy ni Martin sa akin.

"Opo pero sympre team effort po iyon lalo pa nga at napaka laki nitong hotel niyo kaya sobrang hirap i-design."

Proud kong sagot na may halong pambobola.

"Kaya kayo nagkakilala ni Martin?"

"Opo!"

"Eh AAno naman trabaho ng mga parents mo?"

Muling tanong ng Lola niya.

"Si Papa po ay accounting sa isang law firm samantalang si Mama po ay plain house wife."

"Ilan kayong magkakapatid?"

"Dalawa lang po kami ako yung panganay yung kapatid ko po si Mike nag aaral pa ng second year accounting course."

"Taga saan ka?"

"Taga Bulacan po."

Sunod-sunod ang tanong ng Lola ni Martin sa akin na parang kinikilatis niya kong mabuti. Magtatanong pa sana siya uli ng mag salita si Martin na naka balik na pala sa pagkuha ng pagkain.

"INTERVIEW?"

"Oo para makilala naman namin itong girlfriend mo kuno na ipinagpalit mo kay Elena."

"Lola please kindly stop it!"

Saway ni Martin sa Lola niya habang inilapag niya yung nakuha niyang pagkain sa harapan ko. Pinunasan narin niya yung kubyertos bago ilagay sa kamay ko.

"Kain ka na!"

Utos niya sa akin kaya nagsimula na kong kumain dahil nga nagugutom na rin ako. Pero di ki parin nakalimutang yayain yung parents at grandparents niya bilang respeto. Nung tumugon silang go ahead saka ako nagsimulang sumubo.

"Alam mo Mom masarap magluto ng kare-kare yung Mama ni Michelle."

"Wow favorite ko yun!"

Namimilog na sabi ng Mommy niya.

"Yaan mo po Tita sabihan ko po si Mama ipagluto ka pag hatid sa akin ni Martin bukas."

"Naku Michelle aasahan ko yan ha!"

"Opo!"

Sagot ko habang piniga ko yung kamay ni Martin na naka patong sa binti ko para magpasalamat at nabawasan yung tense sa table namin. Mukang madali lang i-please yung Mommy niya. Ang Lolo at Daddy naman niya parang neutral walang comment ang medyo alangan lang ako is sa Lola ng muli siyang magsalita.

"Bago pa lang kayong dalawa madami pang mangyayari malay mo bukas break na kayo!"

Parehas kami ni Martin di naka kibo sa sinabi ng Lola niya. Alam naman naming bago lang kami pero parang sinabi niya na di kami magtatagal. Mag rereact na sana si Martin ng magsalita yung Daddy niya.

"Mom let them decide sa relasyun nila wag mong pangunahan. Saka suportahan mo na lang muna."

"Tama yung anak mo Luisa wag ka nga kontra partido diyan di mo pa nga nakikilala si Michelle ang dami mo ng sinasabi!"

"Sige pagtulungan niyo kong mag-ama diyan naman kayo magaling!"

"Lola kilalanin mo muna kasi si Michelle malay mo mas magustuhan mo siya kay Elena!"

"Bakit marunong ba siya mag luto?"

"Marunong po at masarap!"

"Masarap kasi ikaw nagsabi Martin!"

"Punta ka sa bahay namin next week Hon, pagluto mo si Lola ha!"

"Bakit next week pa diba dapat bukas na!"

"Sige po bukas pagluluto ko po kayo!"

"Good!"

Nagpatuloy kami sa pagkain na parang walang nangyari. Pero kinakabahan ako para bukas alam ko naman sa sarili ko na marunong ako magluto kaya lang kaya ko bang e-please yung Lola niyang ayaw sa akin.


Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C105
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄