下載應用程式
11.34% Maybe This Time Love Can Win (Tagalog) / Chapter 44: Thrifty

章節 44: Thrifty

"Tingin ka dito!"

"Click!" Tunog ng camera ng cellphone ni Martin. Kanina pa siya kumukuha ng picture namin. Minsan nakita ko pinipicturan niya ko mag isa. Dahil nga sa tingin ko nakakarami na siya kaya gusto ko iyon makita.

"Patingin!" Sabay hablot sa cellphone niya pero agad niyang itinaas. Dahil nga mataas siya di ko yun naabot kaya bahagya akong lumundag pero di parin ako naging successful.

"Wait lang kasi, tingnan ko muna!" Pagiiwas ni Martin sa akin. Dahil di ako manalo hiyaan ko na lamang siya dahil wala naman akong panalo. Muli ako naglakad sa kahabaan ng kalsada.

Iniwan ko siyang nakatayo sa gitna habang chinicheck yung phone niya. Nagtungo ako sa isang malapit na food stall. Meron sila doon mga tinitinda mga street food gaya ng siomai mga nilagang itlog palamig at kung ano-ano pa mga pagkain na makikita sa kalsada. Agad akong lumapit sa nagtitinda ng Goto.

"Kuya isa nga pong order ng goto with egg na may kasamang laman". Magalang kong sabi. Agad kong nilingon si Martin na naglalakad narin papalapit sa akin.

"Gusto mo?"Maikli kong tanong.

"Mabubusog ka ba diyan?"

"Oo naman, Kain ka ng tatlong order ewan ko nalang kung di ka mabusog. Haha... haha...!"

"Ganun!" Sabay kurot sa pisngi ko.

"Aray! Nagiging pisikal ka na ah!"

"Lalambing lang! Ikaw naman!" Sabay yakap sa baywang ko.

"Order mo po Ma'am!" Sabay abot sa akin nung order ko. Nagulat ako sa laki ng servinb ni Kuya mukang katumbas nga ng tatlong serving kaya tiyak kong mabubusoh nga ako.

Agad ko naman iyong tinanggap at sinimula ko ng lagyan ng paminta, bawang at patis.

"Kuya bigyan mo rin po ako ng tokwa!" Muli kong order.

"Ayaw mo?" Tanong ko kay Martin pano kasi nakatingin lang siya sa akin. Agad kong hinalo sabay alok sa kanya.

"Tikman mo muna,Masarap to!" Sabay sandok ng goto at inilapit ko sa labi niya.

"Kain na baby... wag ka ng mahiya... Sige na open your mounth... Bigger! Sabay subo ko sa bunganga niya yung kutsara. Nakita ko na nagbago yung muka niya na parang di siya sanay sa ganung pagkain. Pero.kahit ganun kinain parin niya kaya agad ko siyang pinuri.

"Bait naman ng baby ko!" Sabay haplos ng ulo niya. Habang ginagawa ko iyon di ko mapigilang matawa.

"Masarap?" Tanong ko sa kanya habang sabay subo narin ng Goto sa bibig ko. Pero sa halip na sumagot siya sa akin hinalikan niya yung bibig ko.

"Oo, masarap!" Sagot niya sa akin habang tumatango tango pa.

"Sarap ka diyan!" Sabay sipa sa bintin niya.

"Haha... haha...!" Lakas ng tawa niya.

"Tokwa niyo po Ma'am!" Abot uli ni Kuya sa akin. Nagsimula na kong kumain at hinayaan ko nalang si Martin na patuloy na tumatawa.

"Pahinge! Ahh!" Sanay buka ng bibig niya.

"Ewan ko sayo bumili ka!"

"Sige na mas masarap kaya yung share tayo ng spoon." Pang-aasar niya sa akin.

Dahil sa sinabi niya doon ko lang naisip na Oo nga isinubo ko na nga pala yung kutsara sa bibig niya kanina pero ngayon ginagamit ko na yun. Yaan mo na nga buntunghininga ko. Ganun din naman nag kiss naman kami so it is not a big deal to share a spoon. Kaya di ko na siya pinansin yung pang aasar niya.

"Pahingi na!"

Dahil sa paulit-ulit na pangungulit niya sinubuan ko nalang siya.

"Ano yan?" Sabay turo sa tokwa.

"Tokwa yan, tikman mo!" Sabay muling subo sa kanya.

"Masarap?"

"Oo masarap!" Pag-sasang ayon sa akin ni Martin habang ngumunguya.

Naging ganun yung naging sistema naming dalawa, Ang palitan sa pagsubo ng Goto sa bibig namin hanggang maubos namin iyon.

"Bayaran mo na!" Utos ko kay Martin habang pinupunasan ko ng tissue yung bibig ko.

"Bakit ako magbabayad?" Maang-maangan niyang sagot.

"Syempre ikaw kaya umubos." Sabay dampot ko sa pinagkainan namin at binalik ko kay Manong. "Bayad na!" Muli kong panggigiit.

"Daya! Mas marami ka kayang nakain sa akin." Sabi ni Martin habang bumubunot ng pera at inabot kay Manong.

"THRIFTY!"

Bulong ko sa kanya sabay hakbang papalayo. Narinig ko pa pagtawa niya pero di ko na siya nilingon. Alam ko naman kahit bayaran ko di siya papayag na ako magbayad. Nag-iinarte lang siya.

Pero nagulat ako ng bigla niya na kong akbayan nung makalapit na siya sa akin. Alam ko kasi medyo matatagalan siya kay Manong bago makaalis pano ba naman nakita ko buong five hundred pesos yung inabot niya, eh magkano lang naman kinain namin.

"Thrifty agad?" Bulong niya rin sa tenga ko.

"Naku... Tigilan mo ko Martin!" Sabay tanggal sa kamay niya na nakapatong sa balikat ko. Bago ko tuluyang matanggal yung kamay niya sa balikat ko agad niya kong hinalikan sa pisngi. Sabay hawak muli sa kanang kamay ko.

"May gusto ka bang ipabili wife? Name it and i will buy it for you. Para patunayan sayong di ako kuripot." Muli niyang sabi habang naglalakad na kami.

"Tigilan mo yang pa wife-wife mo, sipain kita diyan mamaya! Bili tayo tubig!" Nung mapadaan kami sa may nagbebenta ng mga mineral water sa gilid.

"Haha... haha... napaka brutal mo wife!" tiningnan mo lang siya ng masakit nung marinig ko sinabi niya.

"Dalawang mineral water nga Ate!" Magalang kong sabi sa tindera. Agad namang bumunot su Martin ng pera sa wallet niya pero laking gulat ko na five hundred bill uli yung binibigay niya sa tindera.

"Wala po bang smaller bill Sir?" Tanong ng tindera pano ba naman kasi halagang twenty pesos lang binili namin yun kagad binigay niya.

"Wala po ate!" Sagot ni Martin.

"Asan yung sukli mo kanina sa lugawan?" Takang tanong ko.

"Wala ng sukli eh... pina keep the change ko!" Paliwanag niya.

"Huh? Tanong ko.

"Para di mo masabing kuripot ako.... Haha...!" Pagpapa cute niya. Napailing nalang ako sa reason niya. Kinuha ko yung five hundred bills niya sa tindera at agad kong pinalitan ng twenty pesos.

"Uwi na tayo!" Pagyaya ko sakanya. Sabay balik ng five hundred niya saka abot ng tubig. Agad naman niyang tinanggap yung tubig pero di niya kinuha yung five hundred. Pero agad ko yung siniksik sa bulsa niya. Nung akma niya uli kunin hinawakan ko yung kamay niya para di niya yun mabunot at dahil dun hinayaan nalang niya kasi nga di naman na niya makuha.


創作者的想法
pumirang pumirang

Sorry sa delay... medyo busy kasi sa work.

Thank you sa pag support!!!

Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C44
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄