下載應用程式
7.73% Maybe This Time Love Can Win (Tagalog) / Chapter 30: You Owe Me One

章節 30: You Owe Me One

"Okey po Sir!" Maikli kong sagot habang nakatingin ako sa paligid hinahayaan kong tangayin ng hangin yung buhok ko. Dahil maaga pa di pa masyadong mainit ang araw kaya napasarap sa pakiramdam habang nasisinagan kaya di ko masyadong pinapansin si Sir Martin na nag mamaneho. Basta ang alam ko lang nabubusog ang mata ko sa kulay asul na dagat at langit. Dapat enjoying tigilan muna ang pag-iisip sabi ko sa sarili ko habang nakangiti.

"You owe me one!"

Narinig kong sabi niya nang mag register sakin agad kong tinakpan ang bibig ko nung marealise ko yung ibig niyang sabihin at agad akong tumingin sa kanya.

"Haha..haha...!" Bigla kong tawa nung mapansin kong di siya natinag muli akong nagsalita.

"Ikaw naman di ba joke mo lang yun kanina, wag kang ganyan noh!" Sabay irap.

"Di yan dapat ginagawa ng isang nanliligaw pag ganyan ka naku…busted ka na kagad sa akin. Saka bakit mo ko halikan eh nanliligaw ka pa nga lang. Bilis mo naman yata mag take advange sa babae." Panenermon ko.

Di siya sumagot sa sinabi ko na parang di niya ko narinig, busy parin siya sa pagmamaniobra ng Bangka. Kaya di ko na pinansin baka naisip niya na tama yung sinabi ko kaya di ko na pinalaki yung issue.

Makalipas ng ilang minuto natatanaw ko na yung mga Windmills. Habang palapit kami ng palapit lalo akong namangha sa laki nila. Para silang malaking electric fan na nakahiler sa pangpang napaka ganda. Ang laki-laki ng mga elesing naka kabit sa kanila, habang imiikot sa itaas.

"Tangayin kaya ako pag tumapat ako sa kanila?" Inosente kong tanong habang titig na titig.

"Di na tayo pwedi lumapit ng husto sa pangpang kaya dito na tayo baba", narinig kong sabi ni Sir Martin doon ko lang napansin na huminto na pala yung motor ng bangka. Agad niyang inihagis yung angkla para di tangayin yung bangka namin. Inayos na niya yung bag niya at inilagay na sa kanya niyang likura kaya ganun narin ang ginawa ko sa bag kong dala. Akala ko baba na kami pero lumapit siya sa cooler namin.

"Anong gusto mo water, iced tea or soda?" Tanong niya sa akin habang binuksan yung cooler.

"Tubig nalang ako!" Na agad naman niyang dinampot at inilagay sa bag niya. Kumuha rin siya ng sandwich at iba pang snacks sa food basket. Pagkatapos agad siyang tumalon sa dagat. Hanggang tuhod nalang naman ang lalim ng tubig kaya bahagyang nabasa lang yung short niya.

"Come here!" Tawag niya sa akin para alalayan ako sa pagbaba.

"No need, I can manage!" Mariing tangi ko. Umupo ako sa gilid ng Bangka at ng akma na kong tatalon biglang humarang doon si Martin.

"Tabi ka!" Pagpapaalis ko sa kanya. Kasi pag di siya umalis magkaka bunguan kaming dalawa pero mukang wala siyang narinig, itinaas niya yung dalawang braso niya na at itinapat sa ilalim ng kilikili ko para buhatin ako pababa.

"Wag na kasi!" Irritable kong sabi pero pinagpatuloy parin niya ang pagbuhat sa akin.

"Ahhhh!"Di ko napigilang mapatili nung buhatin niya ko. Agad niya naman akong ibinaba sa tapat niya dahil nga nagpupumiglas ako. Dahil dun sobrang lapit namin sa isat't isa at amoy na amoy ko nanaman yung pabango niya pati hininga niya kaya agad ko siyang itinulak dahilan para mapaatras siya ng bahagya mula sa akin.

Agad naman akong lumakad papalayo sakanya papuntang pangpang. Grabe yung kabog ng dibdib ko feeling ko hahalikan niya na ko. Ramdam na ramdam ko din yung pamumula ng pisngi ko.

"Grabe talaga siya!" Mahina kong sabi. Di pa ko naka recover ng marining ko yung click ng camera.

Kaya agad akong lumingon sa pinanggalingan ng sound. Nakita ko si Sir Martin na may hawak ng DSLR Camera, kinukuhaan niya ako ng picture kaya bahagya akong nagulat. Agad kong ibinaling yung tingin ko sa mga Windmills nung ngitian niya ko.

"Feeling talaga nito close na talaga kami! Sarap talaga nitong kaltukan eh!" Reklamo ko.

"Hays!" Muli kong buntong hininga

Maya- maya nasa tabi ko na si Sir Martin.

"Picturan mo ko!" sabay lagay ng camera niya sa leeg ko. Naglakad siya papunta sa windmill ng makailang hakbang muli siyang humarap sa akin.

"Okey na ba dito?" tanong niya.

Dahil wala na kong choice, pinagbigyan ko na siya. Sinipat ko siya sa camera at dahil di nakuha ng buo sa camera yung Windmills agad ko siyang sinabihang umatras.

"Atras ka pa ng kunti!"

"Okey na diyan!" muli kong sigaw na okey na yung view.

Agad kong izinoom yung camera para makunan siya ng mabuti. Napaka guapo talaga ng mokong na ito kaya sigurado akong madaming babae ang nagkakagusto sa kanya except me hahhaha pero may problema sa kaya di marunong ngumiti. Kaya muli akong sumigaw.

"SMILE!"

Agad naman siyang ngumiti pero ngiting aso. Alam mo yung ngiting pilit ang sagwa. Kaya ibinaba ko yung camera at muli akong nagsalita.

"Sabi ko smile hindi yung ganyan parang ngiting aso naman yan!" Pagrereklamo ko

Agad kumot yung nuo niya dahil sa sinabi ko. Pero muli siyang ngumiti pero naging mas malala sa nauna lalong nakapa sagwa nagmuka siyang manyakis kaya muli akong sumigaw

"Di ganyan ang pangit!"

Muli siyang nagdemo ng ibang ngiti pero habang ginagawa niya yun lalong pumangit yung itsura niya. Dahil di ko na natiis agad na kong lumapit sa kanya habang nagrereklamo.

"Ano ba yan! Ngiti lang di pa marunong!"

Pag lapit ko sa kanya agad kong hinawakan yung dalawa niyang pisngi tapos bininat ko na bahagya para di maging stiff yung pingi niya. Ginawa ko rin yun sa baba niya kaya medyo bumuka yung labi niya.

"Gayahin mo ko!" pinakita ko sa kanya yung maganda kong ngiti na labas yung mga mapuputi kong ngipin at dahil sa pagkaka ngiti ko naningit yung mabibilog kong mata. Dahil natural na mapula yung labi ko naging kaakit akit akong tingnan.

Titig na titig sa akin si Sir Martin at di niya naiwasang ngumiti ng natural. Dahil dun lumabas yung pantay pantay at mapuputi niyang ngipin kasabay ng lalong pagsingit ng mga mata niya.

"PERFECT!" Sabay shot ng close-up.

"Lalo kang guma-guapo pag naka ngiti ka ng ganyan." Agad akong lumayo sa kanya para makuhaan ko siya ng picture kasama yung wind mill. Dahil tumalikod ako sa kanya di ko napansin yung pamumula ng pisngi niya.

"Okey na?" Sigaw ko.

Agad siyang tumayo ng tuwid na para uling robot.

"Galaw-galaw ng kunti, tapos smile… ayan gayahin mo smile ko!" Na agad naman niyang ginaya kaya naka kuha ako ng magandang shot.


創作者的想法
pumirang pumirang

Sorry for late update... Try kong humabol.

Creation is hard, cheer me up! Please!!!!

Thanks sa support!!!

Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C30
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄