tay ng update ko maraming-maraming salamat po sa inyong lahat. ❤😭😭😊😊
---------------------------------------------------------------------------------
JESSY
Ito na ang araw na pinakahihintay namin at naghalo ang takot at kaba, gayundin ang kalungkutan dahil hindi namin makakasama ang isang naming kaibigan na si, Danica.
Pero hindi ako mapalagay dahil isang linggo ng hindi nagpapakita si Ahraw sa amin. Tinanong ko si Garry ngunit ang sagot niya lamang 'ay magtiwala lang 'raw kami sa boss namin. Kaya kahit hindi mawala ang kaba sa dibdib para sa lalaki na una kong minahal, nanalangin na lamang ako.
"Jessy, ayos ka lang ba?" Tanong sa akin ni Eveth na inaayos ang suot nitong japanese kimono.
"O-oo, naman. Ayos lang ako." sagot ko lang at muli kong inayos ang kasuotan ko na gaya rin ng sa kanya.

(The last samurai, japanese
Kimono na sinuot ni Tom Cruise)
Ito ang napiling ipasuot sa amin dahil karamihan 'raw sa mga sandata na gagamitin namin 'ay isang samurai. Napansin ko na tahimik na nakayuko si Helga sa may gitnang bahagi ng sopa. Habang si Andrea naman 'ay malalim ang iniisip, hinihintay namin ang pagdating ni Garry upang dalhin kami kung saan ang labanan na magaganap ngayong gabi.
"Helga, Andrea. Ano man ang mangyari mamaya... Tandaan niyo na naging tunay na kaibigan niyo ako." garalgal ang boses na salita ni Eveth.
Parehong napatingin ang dalawa sa kanya at bakas ang mga lungkot sa kanilang mga mata. Umiwas naman ako ng tingin dahil parang hindi ko kayang tingnan ang mga lungkot sa kanilang mga mata. Lumapit si Eveth sa dalawa at nagyakapan silang tatlo, sumenyas naman sa akin si Eveth na sumali sa kanila kaya lumapit ako.
Lahat sila may kanya-kanyang dahilan kung kaya mas ninais na lang nila ang mapasok sa ganitong sitwasyon, kahit pa kapalit ang mga buhay nila. Dahil sa kanilang mga pamilya na ang alam 'ay magandang buhay ang mga kinalalagyan ng kanilang anak o kapatid. Lahat sila may mga dahilan kaya naman hanga ako sa kanilang katapangan at lakas ng loob.
"Lalaban tayo hanggang sa kamatayan, para kay Danica na winakasan nila agad ng buhay. At sa kaligtasan ng ating mga mahal sa buhay." bigkas ni Helga na may bakas ng luha sa dalawang sulok ng mata.
Nagtanguan naman kami at muling nagyakapan, naabutan kami ni Garry sa ganun na posesyon. Seryosong mukha lang ang nakita namin kay Garry na naka-black suit.
"Handa na kayo?" tanong ni Garry sa amin.
Tumango lang kami at nagpahid kami ng mga luha namin.
"Mag-focus kayong lahat sa mga laban niyo, dahil ang mga kakalabanin niyo 'ay hindi basta-basta." muling salita ni Garry sa seryosong tono.
Hindi kami sumagot dahil batid na namin ito, nauna ng lumabas si Garry at nagsunuran na kaming apat. Sumakay na kami ng ban at tahimik na nakikiramdam lang sa isa't isa.
Isang hindi pamilyar na lugar ang aming pinuntahan, isang napalaking bahay na kulay itim at puti lang ang makikiat mo na kulay rito. Pero may kakaiba akong naramdaman kapag napapatingin ako sa bawat parte ng bahay na ito. Para bang ang daming matang nakatingin sa aming pagpasok sa napakataas na itim na gate.
Habang pinapasok ng driver ang sa sakyan namin sa malawak na bakuran dito, nagkatinginan naman kami nila Eveth dahil ang daming lalaki sa bawat palibot ng bahay. Lahat sila mga nakaitim ang suot.
"Ito ang mansion ni Mr. Valdez, ang may hawak at namumuno sa palaro na ito. Hindi ko pa siya nakikita kaya hindi ko alam kung ano'ng klaseng tao siya." paliwanag ni Garry sa amin na nasa tabi ng driver.
"Siya ba 'yung sinasabi na parang hinid tumatanda?" tanong naman ni Helga.
Naguluhan naman ako sa usapan nila kaya hindi na ako nakisali, nakinig na lang ako sa kanila.
"Ano kaya ang itsura niya? Kasi diba sabi mo Garry kahit si boss natin hindi pa siya nakikita?" sabad naman ni Eveth na bakas ang mausisa na pagtatanong.
"Tama ka, kahit ang boss natin hindi pa siya nakikita kaya hindi natin alam kung ano ang plano niya ngayo." muling paliwanag ni Garry.
Parang kakaiba nga ang Mr. Valdez na 'yun, at isa pa ang hindi maalis sa isip ko 'yung sinabi ni Helga na parang hindi tumatanda 'raw? O baka naman alaga lang talaga niya ang sarili niya.
"Magsi-baba na kayo, narito na tayo." untag ni Garry sa malayong tinatahak ng mga kamalayan namin.
Tulad ng pinupuntahan namin kapag lumalaban may underground pala ang bahay ng Mr. Valdez na ito at kung ako ang tatanungin nakakakilabot ang underground na 'to, basta may kakaiba ako'ng takot na nararamdaman.
Napakahabang pasilyo ang aming dinaan hanggang sa bumungad sa amin ang malaking ring na kulungan may mga apoy ang bawat kanto nito, at kakaiba 'to dahil hindi ganun karami ang tao dito. Ngunit pansin ko na hindi basta-basta ang mga nandirito dahil sa kanilang mga taglay na kakaibang personalidad.
Sa harapan ng ring may mahabang lamesa at may sampu o higit pa ang nakalagay na upuan dito. Wala pa siguro ang uupo dito, sa tingin ko dito uupo ang mga boss.
Pinaupo kami dito sa isang malabot na itim na sopa, habang sa kaliwang parte rin may itim 'din na sopa. Lahat karamihan ng tao dito mga nakatingin sa amin na bagay na pinatataka ko, o sadyang kapansin-pansin lang kami dahil kami palang ang nandito.
"Alam niyo, parang ganito 'yung mga napapanood ko sa mga palabas na horror o kaya 'yung mga bahay ng bampira." wala sa sariling bigkas ni Andrea habang ang mata 'ay busy sa pagmamasid ng paligid.
"Oo, nga. Kanina nga habang naglalakad tayo pakiramdam ko ang daming matang nakatingin. Hindi ata ako sa kalaban nag-aaalala kundi sa mga kabang nararamdaman ko dito sa lugar na 'to." salita rin ni Helga.
Tahimik lang ako gayundin si Eveth na malalim ang iniisip ngayon. Si Garry namataan ko sa di-kaluyuan may kausap siyang isang lalaki, mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila. Hanggang sa may makita kaming mga naglalakad na mga lalaki, may matanda na at may medyo bata pa.
Pero lahat sila mga mukhang big time at may iba't-ibang lahi sila, natigilan ako dahil nakita ng pares ng mata ko si Mr. BlackaMoon katabi ang isang lalaki, ngumiti ito sa akin na may kakaibang ibig sabihin.
"Nandiyan na ang mga boss, kasama si Mr. BlackMoon. Pero bakit wala si boss, Ahraw?" nagtataka na salita ni Eveth na nakatingin sa mga bagong dating na mga lalaki at nagsi-upo sila dito sa harapan ng ring.
"Nasaan kaya, boss natin?" Sambit rin ni Helga na nakatingin sa mga boss.
Hanggang sa may isa pang dumating, isang lalaki na nakasuot ng purong itim. May apat na lalaki siyang nakasunod sa kanya, nakasalamin siya kaya naman hindi mo makita ang mukha nito. Pero ang tangkad niya at ang puti niya, tapos habang naglalakad siya may kakaibang impact ka na madarama.
"Siya na ata si Mr. Valdez, grabe ang lakas ng dating niya at kahit nakatakip ang kanyang mukha, hindi maitatangi na ang gwapo niya." muling salita ni Helga na nakasunod ang mga mata 'dun sa lalaki na nakaupo na ngayon sa kanyang upuan.
At ngayon ko lang rin napansin na may tao na pala sa kabilang panig, matatalim na nakatingin sila sa akin. At kung hindi ako nagkakamali si Ursula at Sherca ang isa apat na babae na nakaupo sa sopa.
"Sila pala ang makakalaban natin, hindi na rin masama dahil matagal na naming nakita kung paano sila lumaban." mahinang salita ni Eveth.
Pero may napansin ako sa dalawa pang babae, kakaiba sila lalo na kapag tumingin sa amin. Yung isa tulad ko lang siguro ang taas, naka-japanese kimono rin sila pero puti naman ang sa kanila.
"Ladies and gentlemen, welcome back pala sa ating owner, Mr. Valdez."
Napalingon kaming lahat dahil sa nagsalita sa mikropono at walang iba kung hindi ang hambog na announcer na laging nakatago.
"Muli tayong pinagsama-sama dahil sa ating malakihan na laban, sa ating mga naglalakihan na boss. Maligayang pagdating sa inyo, just enjoy the night." matapos nitong magsalita tumawa ito ng nakakaluko.
"Alam mo nakakainis 'yang announcer na 'yan, parang mas gusto ko na siya ang una kong gilitan ng leeg. " inis kong sambit.
Natawa naman silang tatlo sa akin kaya natahimik na lang ako.
"Ganyan rin kami noong una, pero sa huli nasanay na kami." sagot naman ni Eveth.
Napansin ko naman 'yung sinasabi na Mr. Valdez, hindi ko gaano makita ang mukha niya dahil nakatabing masyado ng suot nitong sumbrero na itim.
"Parang mas masungit pa ang awra ng Mr. Valdez na yan kaysa sa boss natin." sabay bungisngis na salita ni Helga.
Natawa na lang kami kahit paano nabawasan ang tension na nararamdaman namin ngayon. Nakita ko naman si Garry na palapit na sa amin at parang may sa sabihin siya.
"Mauuna kayong lumaban, Helga at Andrea. Si Sherca at Ursula ang makakalaban niyo." balita sa amin ni Garry na nakatingin sa dalawa.
"Sila pala makakalaban niyo, atlest alam niyo na ang galaw ng mga 'yan. Ingat na lang kayo dahil alam niyo na parehong tuso at madaya sila." sabat naman ni Eveth.
Nagkatinginan lang si Helga at Andrea at sabay tumango.
"Mga mahal nating manonood, tayo'y magsisimula. Ang unang laban para sa alaga ni Mr. Smith na wala ngayon, Helga at Andrea." umalingangaw muli ang tinig nito kasabay ng pagtayuan ng ibang manonood.
Ngayon ko napansin na may babae pa lang mga bisita dito at manood rin. Mabuti kaya nilang manood nito. Tumayo naman si Helga at Andrea naglakad sila papunta sa ring.
++++++++
-sana mabasa niyo rin si Mr. Valdez publish na siya. ❤❤❤😊
🔫Black_Moon301