下載應用程式
64% Till i Met The Mafia lord (Tagalog Novel) / Chapter 16: CHAPTER 16

章節 16: CHAPTER 16

Boss Ahraw

Habang na sa high way ako naiisip ko si Jessy, at biglang pumasok sa isip ko ang kaarawan nito. Kaya imbis na puntahan ko ang lakad na pupuntahan ko kinansel ko, para pumanta sa village.

Balak ko siyang dalhin sa isa sa pag-aari ko sa El Carmela Resort. Gusto ko bago ang maganap ang laban na darating, gusto ko munang ilayo sa isip ni Jessy ang laban na 'yun. Yeah, i love her. I don't know... Basta ang alam ko kailangan ko siyang protektahan, ano man ang mangyari sa darating na laban na 'yun. Hindi ko hahayaan na may mangyaring masama sa kanya, kahit ako na lang huwag lang siya.

Pagkarating ko pinatawag ko agad 'kay Eveth si Jessy. Habang naghihintay ako sa labas sumandal mo na ako sa kotse, at hindi naman nagtagal nakita ko na si Jessy. Habang naglalakad siya hindi ko alam pero napapangiti ang puso ko, kapag naglalakad siya hindi 'yung katulad sa babae. Parang lalaki ang kilos niya, simply lang siya kung manamit at mukhang nakalimutan niya pang mag-suklay. Halata kasi sa mamasa-masa pa niyang buhok na hanggang balikta, maganda naman talaga siya hindi niya lang nilalabas.

Gusto ko ang labi niya na may kanipisan at kahit walang lipstick maganda tingnan. Ang mata niya na parang bilog pero kapag ngumiti sumisingkit, walang ahit ang kilay niya at ang pisngi nito na walang bahid na kahit na anong peklat o kung ano naman sa mukha. Pansin ko rin na nagkalaman na siya at pumuti na siya, hindi katulad 'nung una ko siyang makita na halatang sunog sa araw ang kanyang balat.

At  ngayon nga dalaga na siya, dahil eighteen na siya ngayon. Sana noon pa kita nakilala, Jessy... Hindi ko namalayan na nasa harapan ko na siya, pansin ko na lang sa mukha niya na parang naiilang at ang cute niyang tingnan.

Habang na sa biyahe kami tahimik lang kami hanggang sa makarating na kami ng resort. Nakita ko agad ang pagkamangha niya sa kanyang nakikita, lihim na napangiti ako kaya nauna na akong pumasok sa malaking bahay. Pinagbakasyon ko muna ang mga caretaker dito para kami lang munng dalawa dito.

Pakiramdam ko ngayon para akong bata na excited sa bawat kilos habang nagluluto ng kakainin namin ni Jessy. Ito ang unang pagkakataon na magluluto ako, pinag-aralan ko talaga ito ng ilang taon. Ngayon magagamit ko na, hindi ko namalayan na pinapanood na pala ako ni Jessy.

"Nagugutom ka na ba?" Nagtataka na tanong ko, pero pansin ko ang pagkislap sa kanyang mga mata habang nakatitig sa akin.

"A-h, hindi naman. Nagulat lang ako na marunong ka pala magluto," mahinang sagot nito sa akin, pero nakita ko sa kanyang mata na parang naiilang siyang tingnan ako.

"Huwag kang masyadong lumapit sa akin, baka hindi ko to matapos." malokong wika ko na kinapula ng mukha niya. Napangiti na lang tuloy ako dahil lumayo sa akin ng bahagya, at naglakad banda sa may bintana.

Magkasabay na kumakain kaming dalawa na walang imikan, pinagmamasdan ko lang siya habang tahimik na kumakain. Pero hindi ko magawang pigilan ang kanina ko pa gustong gawin, hinawakan ko ang kamay niya ng umabot siya ng baso. Nagulat naman siya pero binalewala ko lang ito.

Binitiwan ko ang hawak kong kubyertos at lumapit ang mukha ko sa kanya. Mabilis na dumampi ang labi ko sa labi niya at dito nalasahan ko ang beef caldereta na niluto ko, mabilis lang lumambot ito dahil inutos ko na bago kami pumunta dito. Kaya handa na talaga.

"Meow"

Bigla kaming naghiwalay dahil sa boses na narinig namin, hindi ko alam pero sabay kaming natawa ng makita namin ang pusang alaga ng caretaker ko dito.

"Ngayon mo ba ako tuturuan?" Maya'y seryosong tanong nito sa akin.

"Ikaw, hindi ka pa ba pagod? Parang gusto ko kasing matulog ngayon." nakangiting sagot ko na may halong titig na pagnanasa sa kanya.

Napangiti na lang ito sa sinagot ko at gayun rin ako, naisip ko bigla. Kailan ba akong huling ngumiti? Pakiramdam naging normal na tao ako ngayon. Pero hindi pa rin maikakaila na masamang tao ako, pero kung dahil kay Jessy kaya ako ganito ngayon.. Sana ganito na lang lagi.

"Pipilitin ko matuto, basta ipangako mo rin sa akin na sabay tayong mabubuhay."

Natigilan ako at napatitig sa kanya, hindi ko alam pero nakaramdam ako ng lungkot. Dahil ang totoo niyan hindi ko alam kung ano talaga ang mangyayari sa labanan na magaganap, isa lang naman ang sisiguraduhin ko. Ang mabuhay si Jessy ng mahaba pa at makalayo sa impyerno na lugar na ito.

"Huwag mo na muna 'yang isipin, sige na tapusin mo na ang kinakain mo." sagot ko lang sa kanya.

Natahimik naman siya at nagpatuloy sa kinakain niya ng tahimik. Pinakiramdam ko lang siya hanggang sa sabay na kaming matapos kumain.

--------

Matapos magpahinga sandali dinala ko si Jessy dito sa tapat ng dagat, medyo mainit pa dahil alas tres pa ng hapon. Mahangin naman kaya kahit mainit dahil presko ang hangin dito sa tabing dagat.

Dala ko ang dalawang espada na yari sa kahoy dahil ito muna ang gagamitin namin sa pagsasanay bago ang tunay na sandata. Nakasuot kami ng kulay puti na maluwag na joggings pants, at maluwag na t-shirt na puti. Maluwag ang napili ko na kasuotan dahil para maramdaman mo ang hangin sa katawan mo habang ikaw ay nagsasanay.

Iniabot ko sa kanya ang isa pero natigilan ako ng makita ko mukha niya na tinatamaan ng sikat ng araw. Ang simple ng kagandahan niya, kahit hindi maayos ang pagkakapusod ng buhok nito pataas bumagay ito sa kanya. Lalo na sa inosente na mukha nito batang-bata pa rin talaga siyang tingnan dahil sa cute na itsura niya.

"Boss, bakit?" nagtataka na tanong nito sa akin.

Bigla naman akong natawa dahil sa kinakausap na pala niya ako, naiiling na tiningnan niya lang ako.

"Mag-umpisa na tayo, tandaan mo ang paggamit sa espada o kung makahawak ka ng katana. Iisipin mo na karugtong ito ng iyong braso, at laging mong tatandaan ang pag-control sa paghawak nito dahil maaaring ikaw ang mapahamak nito." simulang paliwanag ko.

Tumango naman ito at sinenyasan ko na tumabi sa gilid ko, sumunod naman ito at ginaya ang posesyon sa pagkakahawak ko sa espada na kahoy.

"Lagi mo pakikiramdaman ang hangin, bago simulan na iwasiwas ang iyong sandata. Kapag ginamit mo na ito sa kalaban, kailangan na sa huli ang puwersa mo." muling paliwanag ko at pinakita ko ang pagwasiwas sa espada. Pati na ang porma ng tindig at pagkilos kasabay ng paggalaw mo.

Dalawang oras rin siguro kami nag ensayo kahit paano may nakikita na akong improvement sa kanya. Dahil na rin siguro sa determinado siya, tinuro ko lang naman sa kanya ang mga natutunan ko rin sa isang kaibigan na taga-japan. Kinuha ko na ang espada na kahoy sa kanya dahil pansin ko ang hingal at ang pawisan na mukha nito.

"Bukas naman," salita ko na sinangayunan naman niya. Hinatak ko naman siya gamit ang suot ko na damit pinunasan ko ang mukha niya.

"H-huwag na, mababasa ang damit mo." awat nito sa akin.

Hindi ko naman siya sinunod nagpatuloy lang ako, habang pinupunasan ko ang mukha niya nagsisimula naman kumalat ang dilim sa kapaligiran. Matapos ko punasan ang mukha niya dinampian ko ang noo niya ng isang halik.

Dumukot ako sa bulsa ko at kinuha ang isang bagay na regalo kay Jessy. Titig na titig naman siya nilabas ko mula sa bulsa ko. Isang itong silver na kwentas na may palawit na A at may nakapulupot na letter J sa mismong letra nito, pinasadya ko ito noon pa.

"Happy birthday," mahinang bulong ko sa kanya.

Nakita ko naman ang paglikot ng mata niya na parang maiiyak.

"S-salamat," basag ang boses na sagot nito.

Lumapit ako ng husto sa kanya at sinuot sa kanya ang kwentas, habang kinakabit ko ito sa likuran niya bumaba ang mukha ko sa labi niya. Siniil ko siya ng matamis na halik habang tinatagalan ko ang  pagkabit nito sa kanya. Napapikit naman siya at sumabay ng halik sa akin, mas lalo kong diniinan ng matapos ko ng ikabit ang kwentas sa kanya.

Patuloy ko lang siyang hinahalikan at hinapit ng husto ang katawa niya sa akin, naramdaman ko naman ang pagkabuhay ng dugo ko.

Itutuloy.....


Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C16
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄