Hindi makatulog si Kimberly kinagabihan. Mailap sa kanya ang antok. Naiinis siya dahil kahit anong gawin niya ay laging pumapasok sa isip niya ang lalaking nakatira sa bahay na iyon.
There was something about him na gusto niyang kilalanin pa. But why? Tanong niya sa kanyang sarili. Isang supladong estranghero iyon na parang may sariling mundo. Never in her life na nagkainteres siya sa isang tao ng ganoon. What's with this guy? May mga pakiramdam na nabuhay sa kanya. Nakakapanibago. She hates to admit
ngunit parang gusto niya ang mga nakakapanibagong pakiramdam na iyon.
Kinuha niya ang kanyang cellphone at minessage ang kaibigang si Pearl. Nagpasakalye muna siya. Nangumusta. Nagkwento ng kung anu ano. Nahihiya siyang magtanong sa kaibigan. Baka pagtawanan lamang siya at tuksuhin.
"Pearl, have you been in love?" Pikit matang pinindot niya ang send button ng kanyang cellphone screen. Kahit hindi sila magkarap ni Pearl ay parang nakikita niyang humagalpak ito ng tawa. "Bakit? In love ka na ba?" Ibinalik lamang sa kanya ng kaibigan ang tanong niya. "No! " Kahit text lang iyon, ramdam ni Pearl ang diin sa pagtanggi ni Kim. "Bakit ka kasi nagtatanong? Siguro may nameet ka ng guy diyan ano!" tukso ni Pearl sa kanya. "Hindi ah! Sige na nga, 'di na ako magtatanong!" inis niyang wika.
"OK! OK! Ang bilis mo namang mapikon! Sige na, ano ba talaga ang tanong mo? Sasagutin ko ng seryoso!"
"Do you believe in love at first sight?"
Ilang segundo muna ang lumipas bago sumagot si Pearl. "Actually, no. Para sa 'kin, it takes time para mainlove ka sa isang tao. When it comes to first sight, I believe it's only an attraction, lalo na kung good looking 'yong guy."
Napapatango si Kim. Baka nga naattract lang siya doon sa lalaking 'yon. Ang OA niya naman, bakit niya ba kasi naisip na love at first sight 'yon kaagad? Naiinis talaga siya sa sarili niya. Sinampal niya ng marahan ang kanyang mukha. Paano ba naman kasi, first time niyang makaramdam ng atraksyon sa isang lalaki. At ganoon pa kabigat kaagad ang impact sa kanya, na halos hindi siya patulugin.
"You know what Kim, you can always tell me. You can always count on me. Kahit malayo na tayo sa isa't isa, pwede parin naman tayong magshare ng kahit ano, lalo na pag may problema ka. Kahit ano! Nandito lang ako Kim. Miss na miss ko na kayo, kahit wala pang isang linggo tayong 'di magkakasama."
"Me too Pearl, I miss you a lot! You, Anne and Sandra..." Nawala bigla sa isip ni Kim ang lalaking kanina pa siya hindi pinapatulog. Napalitan iyon ng pangungulila sa mga kaibigan niya. Real friends are sisters/brothers not by blood but by heart, sisters from another mother.
Napapangiti siya tuwing maaalala ang mga kalokohan nila dati. Tuwing magi-sleep over sila sa bahay ng isa sa kanila. Kwentuhan hanggang mag-umaga. Magluluto ng iba't ibang recipe na palagi namang palpak, manunuod ng mga movies at tuksuhang walang katapusan. She really miss those happy moments. Kahit 'yong mga tampuhan ay nakakamiss din. Mga tampuhang pinagtutulung tulungang ayusin. Ganoon naman talaga sa pagkakaibigan, hindi naiiwasan ang tampuhan. Ang mahalaga, sa bandang huli mas nananaig ang pagmamahal niyo sa isa't isa. Mahirap nang makahanap ng tunay na kaibigan sa panahon ngayon. That's why she treasures her friends so much.
Kinabukasan ay isinama siya ng kanyang ate sa bayan. Nagshopping sila ng mga bagong gamit sa bahay at ilang damit niya. Mga half an hour mahigit ang biyahe papunta doon. Si Charmaine na mismo ang nagdrive ng sasakyan. Hindi katulad sa farm ay matao sa bayan at may mangilanngilang mga malalaking istruktura kagaya sa Maynila. Naroroon din ang palengke kung saan namimili sina Manang Lydia at si Gina.
Naagaw ang pansin ni Kim ng isang pet shop na katapat ng mall na binilhan nila ng mga gamit. Pagkatapos mailagay sa sasakyan ang kanilang mga pinamili ay nagpaalam siya sa kanyang ate kung maaari ba siyang magtungo doon. Mabilis naman siyang pinayagan nito at sinamahan pa siya dahil ito ang unang beses na nakapunta siya sa bayan.
Mga iba't ibang breed ng aso ang ibinibenta sa shop na iyon. Mayroon ding mga ibon at iba pang mga pets. Mayroon ding mga tindang iba't ibang produkto doon kagaya ng dog food. Tamang tama at kailangan na niyang bilhan si Strike ng pagkain nito.
"I'll wait for you outside bunso. Kailangan ko kasing tawagan si Bernard, may nakalimutan akong sabihin sa kanya bago tayo umalis," wika ni Charmaine habang kinukuha ang cellphone sa shoulder bag nito. "OK ate," sagot ni Kim. "Saglit lang po ako."
Nagpaiwan nga ang kanyang ate sa labas at tumuloy na siya sa shop. Nanggigigil siya habang tinitignan ang mga cute na mga hayop sa loob ng tindahan. Naalala niya tuloy ang mga naiwan niyang alaga sa kanilang bahay. Hindi niya naman maaaring isama silang lahat.
Nagtungo siya sa estante na kinalalagyan ng mga dog food products. Hinahanap niya ang brand ng pagkain ni Strike. Napakamot siya sa batok ng makitang nasa pinakataas iyon nakalagay. Napabuntong hininga siya. Bakit ba kasi tulog mantika siya nang magpasabog ang Diyos ng tangkad?
Nagpalingalinga siya. Naghanap siya ng pwede niyang pakisuyuan, ngunit walang ibang tao doon sa loob maliban sa nag-iisang kahero. Ayaw niya namang abalahin pa ito. Ewan niya ba kung nasaan ang ibang tauhan ng tindahang iyon. Naghanap siya ng matutuntungan, wala rin! Kaya niya naman sigurong abutin. Kailangan niya lang mag tiptoe. Makailang beses niyang sinubukang abutin ang karton ng dog food ngunit kinakapos talaga siya.
Napatili siya nang matumba ang ilang piraso ng karton na nahagip ng mga daliri niya. Mabilis niyang tinakpan ng kanyang mga kamay ang ulo niya upang 'di gaanong masaktan 'pag nabagsakan niyon. Ngunit wala naman siyang narinig na bumagsak. Wala rin siyang naramdamang tumama sa kanyang ulo.
Pag-angat ng kanyang mukha, isang lalaking nakasuot ng sombrero ang nag-aabot sa kanya ng ilang pirasong karton ng dog food. Muli na naman siyang natulala, dahil ito 'yong may-ari ng bahay na trinesspass niya. "S-salamat!" Napalunok pa siya sa kalagitnaan ng pagpapasalamat.
Hindi manlang siya nito tinugon ng 'you're welcome' o nginitian manlang. Basta lang itong umalis na may bitbit ring ilang piraso ng karton ng dog food na parehas ang brand ng kanya. Kulang pa sana ang iniabot nito sa kanya. Gusto niya pa sanang dagdagan iyon ng ilang pang piraso ngunit nahihiya naman siyang makisuyo sa lalaking iyon na ubod ng suplado. Next time na lang siya bibili ng mas marami, sa isip niya.
Nang magpunta siya sa counter, naroroon na ang lalaki at nagbabayad na sa kanyang binili. Habang nag-aantay ito ng sukli ay malaya siyang napagmasdan ni Kim.
He's so damn handsome! Lihim siyang napapangiti. She unknowingly stared at his lips. And unknowingly too, she touched hers. Iniisip niyang ano kaya ang pakiramdam ng halik? Is it really sweet kagaya ng mga naririnig niya? Napapikit pa siya sa isiping iyon.
"Miss!" Kinalabit na siya ng kahero. Napamulat siya. Nag-init ang mga pisngi niya nang mapagtanto ang kabaliwang sumapi sa kanya. "I'm sorry! Here.. Magkano ba?" aniya habang inaabot sa kahero ang binili niya. Sinundan niya ng tingin ang lalaki hanggang sa makalabas ito ng pinto ng shop. "Ang suplado talaga, tsk! Akala mo, pasan niya ang mundo kung umasta!" bulong niya sa sarili.
"Ano po 'yon ma'am?" usisa ng kahero sa kanya. "Nothing!" nakangiting tugon niya.
Paglabas niya ay kaagad na silang bumalik ng kotse. Hanggang sa byahe ay napapangiti pa rin siya. Pinipigilan niya ang sarili ngunit wala siyang magawa. Hindi niya makontrol ang isip niya pati na ang mga facial muscles niya. Napapangiti talaga siya pag naiisip niya ang supladong lalaking iyon.
Napansin iyon ni Charmaine na napapasulyap sa salaming nasa taas na bahagi lamang ng manibela. Nakikita niya ang paminsang pagngiti ng kapatid. "What's that smile about Kim?"
"Ha? W-wala po ate! Natuwa lang po ako sa mga pets sa store. Parang gusto ko nga pong bumili eh. Pero saka na lang po kapag pabalik na ako sa Manila," palusot niya. "Ah, OK!" tumatangong tugon ng kanyang ate.
What's with you Kimberly! Mukha ka ng baliw! Why do you keep on smiling alone? Bakit mo ba siya iniisip? Ano ba'ng nangyayari sa 'yo?, saway niya sa sarili.
Pinilit niyang iwaglit sa isip ang lalaking iyon. She feels like she goes out of her sanity everytime na naiisip niya ang lalaking iyon. She shook her head hard!
Pagkauwi niya ay naabutan niya si Peter na ginu-groom si Sandra,ang kanyang training horse. Nag-hi ito sa kanya at binati rin niya ito pabalik. "Peter, can we do it tomorrow, I think I don't feel well, " wika niya dito.
"Bakit bunso, anong masakit sa 'yo?" nagtatakang tanong ng kanyang ate. "Gusto ko pong magpahinga ate."
"OK. Baka napagod ka lang." Mabilis namang nakaunawa si Peter. Kinuha na lamang nito ang sariling kabayo at saka namasyal na lamang.
Ang totoo, nais lamang magkulong sa kwarto ni Kim. Iyong siya lang mag-isa at walang makakakita sa kanya, sa mga pagngiti niya. "Is this what they call kilig?" tanong niya sa sarili. The feeling is just so good, she wants to savour it.
Napayakap siya sa kanyang unan habang pinipilit niyang palinawin ang imahe ng mukha ng lalaking iyon sa kanyang isip. She can't help but bite her lips dahil ang hirap pigilan ng kakatwang damdaming namamayani sa buong katawan niya. "Ito na ba 'yon?" nalilitong tanong niya. "Ano'ng gagawin ko?"
"Ate, may question ako..." sabi niya sa kanyang kapatid isang gabing naglilibot sila sa farm. "But this is not a question of mine. I mean, a friend asked me but I couldn't answer kasi po wala pa akong idea!" pangunang depensa niya.
"What is it bunso?"
"How do you know if you're in love or not? If it's just attraction or love already?"
"Sino ang nagpapatanong bunso?"
"Ayaw magpasabi ate, she's shy po kasi!" pagsisinungaling niya.
Huminga ng malalim ang kanyang ate. "Well, kung ako ang tatanungin mo, ang attraction is very mababaw lang. Madalas 'yong mga outer senses natin ang gumagana when you're attracted, mostly sight . For example, naattract ka sa isang tao dahil he looks good!" napatango si Kim. Katulad lang din ng sinabi ni Pearl sa kanya. "But when it comes to love, sobrang lalim!" madiing wika ng ate niya. "Love is very complicated. It always demands a lot of understanding and patience, above all sacrifice."
"Masarap po ba mainlove ate?"
"Tanong pa ba 'yan ng kaibigan mo o tanong mo mismo?" nanunudyong tanong ng kanyang ate sa kanya.
"Never mind ate!" natatawang wika niya.
"Ikaw ha! Bata ka pa! Bawal ka pa sa love love na 'yan! Studies muna ok?"
"Of course ate!"
"Pero kung halimbawa, mainlove ka na, sana mainlove ka sa taong kayang ibalik sayo ang pagmamahal na kaya mong ibigay. Ayokong matulad ka sa akin bunso. I'm inlove but unhappy..." Niyakap niya ang kanyang ate. Naisip niyang hindi ba dapat masaya kapag inlove? Kagaya ng mommy at daddy nila na happily married for more than thirty years.
"But that's what I hate about love," dugtong ng ate niya, "Hindi mo mapipili ang taong mamahalin mo. Ang ating puso ang laging pumipili ng taong mamahalin natin."
Kinagabihan ay tila nakikipaglaban na naman siya sa kanyang isip na hindi siya tinatantanan. Hindi na nga niya pinuntahan pa ang bahay na iyon at hindi niya na rin ito tinatanaw maski sa bintana man lamang. Ngunit kahit anong gawin niya ay wala siyang takas sa pagdalaw ng lalaking iyon sa kanyang isip.
Nasabunutan niya ang sarili. "Arrgghh!" inis niyang wika. "This attraction is too much! Please let me sleep!" Napatingin sa kanya si Strike. "What do you think Strike? Am I attracted or inlove?" Tinitigan lamang siya ng kanyang alagang aso at saka bumalik ito sa pagtulog.
Pakiramdam niya ay sasabog na ang utak niya sa walang katapusang pag-iisip sa lalaking iyon. Kailangang may gawin siya kundi baka tuluyan na siyang mabaliw!