Gumawa Tayo ng Maliliit na mga Tao (8)
"Dapat ay umalis na kayo, hindi ako interesado." yumuko si Su Yu.
"Ikaw nalang ang pumunta, hindi rin ako interesado." Ngumiti si Wei Liao.
"Edi pupunta tayo sa Seductive Fox para uminom?" Mungkahi ni Tang Chuan.
"Uuwi ako ngayon. Magsaya kayo guys."
Pagkasabi ni Su Yu na gusto na niyang umuwi, kaagad siyang dinala ng driver papuntang Su Family Mansion.
Simula nung nagka-edad na siya, bihira lang siya pumunta sa Su Family Mansion. Paniguradong sanay na siya maging independent. Dati, nung nasa military siya, dalawang beses lang siya sa isang taon nauwi.
Kapag namimiss siya ni Mrs. Su, pasikreto nitong bibisitahin siya sa military.
Pero, sa hindi malaman na rason, gusto niyang umuwi ngayon…
Siguro ay may mga taong kapag nasaktan, kailangan talaga ang kanilang pamilya…
8 Pm na nung dumating si Su Yu sa bahay…
Kakatapos lang ng pamilya niya kumain ng hapunan…