"Lu Jinnian, ano bang ginagawa mo?" Napayakap nalang si Qiao Anhao
sa leeg ni Lu Jinnian sa sobrang pagkagulat.
Hindi ito sumagot at nagpatuloy lang sa paglalakad papunta sa rest area
para iupo siya sa isang bench.
Noong sinubukan niyang tumayo, bigla naman siyang pinigilan ni Lu
Jinnian at muling pinaupo. Hindi pa napoproseso ng utak niya ang mga
nangyari mula noong ipagshopping siya nito ng sobra-sobra hanggang sa
buhatin siya nito nang bigla naman itong lumuhod sa harap niya at
tanggalin ang sapatos niya.
Hindi niya talaga maintindihan kung anong nangyayari kaya sinubukan
niyang tanggalin ang paa niya mula sa kamay ni Lu Jinnian pero lalo lang
nitong hinigpitan ang pagkakahawak dito at dahan-dahang minasahe ang
gitna ng talampakan niya.
Naligo naman siya kanina bago umalis ng bahay at wala rin naman siyang
alipunga o anumang sakit sa paa pero dahil buong araw na rin siyang
naglalakad, siguradong madumi na ang mga paa niya. Ano ba kasing
pumasok sa isip ni Lu Jinnian…Isa pa, plano nila ni Zhao Meng na
magshopping kaya sinadya niyang magsuot ng komportableng sapatos
para maging handa siya sa matagal na lakaran kaya hindi talaga masakit
ang paa niya…
May tao man o wala, hindi niya pa rin ipapamasahe kay Lu Jinnian ang
mga paa niya no! Pero bakit ba bigla nalang nitong naisip na masahiin siya
sa kalagitnaan pa ng mall!
Ramdam niya ang higpit ng pagkakahawak ni Lu Jinnian para hindi siya
makapalag pero dahil sobrang nadedesperado na siya, bigla niyang
hinawakan ang kamay nito.
Tumingala ito para tignan siya bago nito tanggalin ang kamay niya. "Ano
ba, umupo ka lang jan at wag ka ng malikot."
Kalmado naman ang pagsasalita ni Lu Jinnian pero natatakot si Qiao
Anhao na baka bigla nalang itong magalit kapag nagpumilit siya kaya
binitawan niya nalang ang kamay nito at hinayaan itong masahiin siya.
Sakto lang ang pwersang ginamit nito kaya kahit hindi masakit ang paa
niya ay narelax pa rin siya.
Halos hindi siya makagalaw habang tinitigan niya si Lu Jinnian, na
sobrang seryoso sa ginagawa nito. May gusto sana siyang sabihin pero
para siyang biglang na'pipe at hindi siya makapagsalita.
Samantalang si Lu Jinnian naman ay halatang sobrang komportanle sa
ginagawa nito.
Ilang sandali ring nakatitig si Qiao Anhao kay Lu Jinnian bago niya ibaling
ang tingin niya sa iba. Sakto, noong sandali ring iyon ay may napansin
siyang isang lalaking nakasuot ng sombrero na nagtatago sa isang gilid na
mukhang palihim silang kinukuhaan ng picture.
Kitang-kita niya na nakafocus ang camera sa kamay ni Lu Jinnian na
seryosong minamasahe ang paa niya. Hindi napansin ng paparazzi na
nakatingin siya kaya tuloy-tuloy lang ito sa pagkuha ng picture.
At doon niya lang naintindihan kung bakit biglang naging kakaiba ang mga
kilos ni Lu Jinnian.
Pakiramdam niya parang biglang nalaglag ang puso niya at ang inis na
nararamdaman niya kanina ay biglang napalitan ng pasasalamat.
Kaya naman pala ayaw tumigil ni Lu Jinnian sa kakashopping at bigla
nalang siyang binuhat nito paupo sa isang bench para masahiin ang paa
niya ay dahil gusto nitong hayaan ang paparazzi na kunan sila ng litrato
para malinis ang pangalan niya.
Parang may biglang bumara sa lalamunan niya kaya pwersado siyang
lumunok bago magsalita, "Lu Jinnian, pagod na ako. Uwi na tayo."
"Sige," Sagot ni Lu Jinnian habang patuloy sa pagmamasahe ng paa niya
pero ilang beses pa ang lumipas bago ito tumayo. Ang buong akala niya
ay tutulungan siya nitong magsuot ng sapatos pero bigla itong tumalikod at
hinila ang kamay niya. "Bubuhatin kita."
Pagkakuha ni Lu Jinnian ng sapatos niya, dahan-dahan itong tumayo at
siniguradong komportable muna ang pwesto niya bago ito maglakad
papunta sa elevator.
Samantalang ang assistant at si Zhao Meng naman ay nagmamadaling
sumunod sa dalawa, pero dahil masyadong puno ang dalawang trolley,
maya't-mayang may nahihulog na bag kaya ilang beses rin silang huminto
para pulutin muna ang mga nalalaglag.