下載應用程式
52.2% Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 508: Kung ayaw nila sayo, pakakasalan nalang kita (9)

章節 508: Kung ayaw nila sayo, pakakasalan nalang kita (9)

編輯: LiberReverieGroup

Alam naman ni Lu Jinnian na walang maitatagong sikreto pero hindi niya napigilan ang nagbabaga niyang puso nang makita niya si Xu Jiamu na may kasamang ibang babae.

Sobrang hindi siya mapalagay kahit na hindi naman siya ang taong may kalaguyo o ang taong pinagtaksilan.

Dahil siya ang taong pinaka nakakatot na makitang nalulungkot si Qiao Anhao.

Inayos ni Lu Jinnian ang kanyang damit at huminga ng malalim para kalmahin ang kanyang sarili. Hindi nagtagal, tuluyan na siyang lumabas ng CR.

-

Hindi maipaliwanag ni Qiao Anhao kung bakit niya gustong magtago pero takot na takot siyang magpakita noong narinig niya ng palabas na si Lu Jinnian ng CR.

Siya lang ang magisa sa loob ng napaka laking CR. Habang nakasandal sa bakal na pintuan, narinig niya ang boses ni Lu Jinnian na galit na galit na nagsalita, "Pakawala mo ang lalaking nasa loob niyan pagkatapos ng labindalawang minuto."

Hindi nagtagal, unti-unting humina ang yabag ng mga paa ni Lu Jinnian hanggang sa tuluyan ng nawala. Humarap siya sa kulay gintong salamin at wala siyang ibang maramdaman kundi ang matinding kaba. Sobrang bilis ng tibok ng kanyang puso at hindi niya maipaliwanag kung ano ba talagang nararamdaman niya.

Noong una, hindi niya alam kung bakit biglang naging mapusok si Lu Jinnian, pero matapos niyang marinig ang paguusap ng dalawa, nalaman niya na siya pala ang dahilan.

"Xu Jiamu, parang bigla naman atang bumaba ang mga tipo mo. Anong nilamang ng babaeng 'yun kay Qiao Anhao!"

"Ang babaeng yun ay hinding hindi maikukumpara kay Qiao Anhao, bulag ka na siguro!"

Base sa pagkakakilala niya kay Lu Jinnian, natural talaga itong siplado at arogante kaya kahit na galit na galit na ito ay nagagawa pa rin nitong manatiling kalmado habang nagbibitaw ng masasakit na salita.

Pero sa nakita niya ngayon, mukhang gigil na gigil ito dahil naginginig sa sobrang galit ang boses nito habang kinakausap si Xu Jiamu.

Ang pagkakaintindi nito ay may ibang babae si Xu Jiamu at pinagtataksilan siya. Galit na galit at nagawa pa nitong saktan ang pinaka mamahal nitong kapatid ng dahil sakanya.

Para magkaroon ng dahilan na tapusin ang kasal nila, naisipan ni Xu Jiamu na palabasin na ito ang nagtataksil dahil gusto nitong siguraduhin na hindi siya ang sisihin ng pamilya niya kapag nagdivorce na sila.

Hindi alam ni Lu Jinnian ang totoong nangyari kaya hindi nito naintindihan ang mga bagay bagay.

Pero natuwa pa rin siya kahit na nagkaroon pa ng misunderstanding.

Dahil nalaman niya na gusto siyang ipagtanggol ni Lu Jinnian noong nalaman nito na niloloko siya ni Xu Jiamu at hindi ito nagdalawang isip na ilock ang kapatid nito sa CR sa loob ng labindalawang minuto dahil natatakot ito na baka makita niya ang kasama babae ni Xu Jiamu….

Lahat ng ginawa nito ay para sakanya.

Kahit na madalas siyang sinusupladahan nito at hindi sinasabihan ng mga nakakakilig na salita, sapat na ang mga ginagawa nito para sakanya para mapukaw siya.

Paano niya naman mapipigilan ang sarili niya na mahalin ang ganitong klase ng lalaki?

Habang iniisip niya ang mga ginawa ni Lu Jinnian para sakanya, bigla nalang siyang naiyak.

Makalipas ang ilang sandali, unti-unti niyang naramdaman na mas kumalma na siya kaya naghilamos lang siya ng sandali at muli siyang bumalik sa kwarto nila.

-

Pagkarating ni Lu Jinnian sa kwarto, wala roon si Qiao Anhao, pero noong tatawagan niya ito, sakto namang tumawag din ang kanyang assistant.


Load failed, please RETRY

禮物

禮品 -- 收到的禮物

    每周推薦票狀態

    Rank -- 推薦票 榜單
    Stone -- 推薦票

    批量訂閱

    目錄

    顯示選項

    背景

    EoMt的

    大小

    章評

    寫檢討 閱讀狀態: C508
    無法發佈。請再試一次
    • 翻譯品質
    • 更新的穩定性
    • 故事發展
    • 人物形象設計
    • 世界背景

    總分 0.0

    評論發佈成功! 閱讀更多評論
    用推薦票投票
    Rank NO.-- 推薦票榜
    Stone -- 推薦票
    舉報不當內容
    錯誤提示

    舉報暴力內容

    段落註釋

    登錄