下載應用程式
39.67% Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 386: Saan ba ako nagkulang? (16)

章節 386: Saan ba ako nagkulang? (16)

編輯: LiberReverieGroup

"Sinabi ko naman kasi sayo na ayos lang ako. Nagsayang ka pa tuloy ng maraming pera at oras para dito sa ospital," nagrereklamong sinabi ni Qiao Anhao. Sinilip niya lang sandali ang resulta ng mga naging pagsusuri sakanya at agad niya din itong isiniksik sa kanyang bag. Pagkaangat ng kanyang ulo, tinignan niya ang wallet na nasa bulsa ni Lu Jinnian at nagtanong, "Bakit ka natagalan?"

Walang kahit anong pagbabago sa itsura ni Lu Jinnian at nanatili lang itong kalmado, "Masyado kasing marami ang ginagawa ng doktor kanina kaya hinintay ko pang tawagin niya ako."

"Oh." Sagot ni Qiao Anhao, na mukhang nakumbinsi naman sa sinabi ni Lu Jinnian,habang palabas sila ng elevator

Pagkaalis nila ng ospital, agad silang pumara ng taxi na masasakyan at noong sandaling magtanong ang driver kung saan sila pupunta, nagmamadaling sumagot si Qiao Anhao para maunahan niya si Lu Jinnian, "Mian Xiu Garden."

Pumayag naman ang taxi driver at walang alinlangan nitong pinaandar ang sasakyan. Tumingin si Qiao Anhao kay Lu Jinnian at sinabi, "Wala tayong sasakyan at medyo mahihirapan na rin tayong bumalik sa set ngayon. Umuwi nalang muna tayo tapos bukas ng umaga nalang tayo bumalik sa set."

Isang mahinang "mmm" lang ang sinagot ni Lu Jinnian at wala na siyang ibang sinabi.

Sobrang saya ni Madam Chen nang makita nito na nakauwi na sila kaya masigasig itong nagtanong ng mga gusto nilang kainin at nagmadali tumakbo papunta sa kusina para maghanda.

Malalim na ang gabi noong sumakay sila ng taxi pero mainit pa rin sa labas kaya pawis na pawis ang buong katawan ni Qiao Anhao pagkauwi nila. Habang naghahanda si Madam Chen, napagdesisyunan muna nilang umakyat at pumasok sakanilang kwarto. Walang paligoy-ligoy na dumiretso si Qiao Anhao sa changing room para kumuha ng pajamas at naligo. Hindi nagtagal, lumabas na rin siya kaagad sa CR habang tinutuyo ang kanyang buhok ng twalya. Noong sandali ring 'yun, nakita niyang nakapagtanggal na si Lu Jinnian ng jacket at nakaupo lang ito sa sofa habang nagphophone kaya tinanong niya ito, "Gusto mo bang magshower?"

Tumungo si Lu Jinnian at ibinaba ang kanyang phone. Pagkatapos ay naglakad siya papunta sa changing room para maghubad ng pantalon at kumuha ng twalya bago dumiretso sa CR.

Nang sandaling marinig ni Qiao Anhao na nagbukas na ang shower, agad niyang inihagis ang twalyang ginamit niya bilang pantuyo ng kanyang buhok at dahan-dahang naglakad papunta sa changing room para kunin ang pantalon ni Lu Jinnian mula sa labahan. Kinapa-kapa niya ang mga bulsa nito at nang sandaling maramdaman niya ang kinalalagyan ng wallet, agad niya itong binunot at binuksan. Bumungad sakanya ang mga nakahilerang bank cards at gold cards na ginagamit ni Lu Jinnian sa mga club at hotel, at mayroon rin itong lamang mga pera. Hindi siya nakuntento at bulatlatin niya pa ang kalooblooban ng wallet hanggang sa may nakita siyang isang manipis na papel. Kinuha niya ito at laking gulat niya nang makita niya ang kanyang pangalan na nakasulat.

Ang papel na nakita niya ay ang resulta ng kanyang pelvic examination. May isang linyang nakasulat sa ilalim nito. Bagama't maliliit ang bawat letra, nagawa pa rin naman niyang basahin ang nais ipahiwatig ng sulat: No blood clot, normal thickness, recovered well from the operation.

Habang patuloy niyang naririnig ang pag'agos ng tubig mula sa shower, bigla nalang nanginig ang kanyang mga daliri na nakahawak sa papel, naramdaman niya na parang may humiwa sa kanyang puso at ang kanyang dugo ay parang ilog na walang humpay sa pag'agos.

Hindi niya na namalayan ang oras kaya nang sandaling marinig niyang pinatay na ni Lu Jinian ang shower, dali-dali niyang itinupi ang papel at inilagay ito sa loob ng wallet, hindi niya rin nakalimutang isara ang zipper at isiksik pabalik ang wallet sa kanang bulsa ng pantalon bago niya ito ibinalik sa labahan.

Mabilis siyang naglakad palabas ng changing room at umupo sa harap ng dressing table. Hindi siya mapakali habang kinukuha at isinasaksak niya ang hairdryer para patuyuin ang kanyang buhok…

Pagkalabas ni Lu Jinnian ng CR, saktong kakaumpisa lang din ni Qiao Anhao sa pgboblower. Nakasuot ito ng isang simpleng pajamas na gawa sa cotton at ang buhok nito ay medyo napatuyuan na ng tuwalya. Noong sandaling nakita nitong nagpapatuyo siya ng buhok, walang alinlangan itong lumapit sakanya para kunin ang hairdryer at tulungan siya.

Hindi magawang tignan ni Qiao Anhao si Lu Jinnian, nakayuko lang siya at nagtatago sakanyang buhok.


Load failed, please RETRY

禮物

禮品 -- 收到的禮物

    每周推薦票狀態

    Rank -- 推薦票 榜單
    Stone -- 推薦票

    批量訂閱

    目錄

    顯示選項

    背景

    EoMt的

    大小

    章評

    寫檢討 閱讀狀態: C386
    無法發佈。請再試一次
    • 翻譯品質
    • 更新的穩定性
    • 故事發展
    • 人物形象設計
    • 世界背景

    總分 0.0

    評論發佈成功! 閱讀更多評論
    用推薦票投票
    Rank NO.-- 推薦票榜
    Stone -- 推薦票
    舉報不當內容
    錯誤提示

    舉報暴力內容

    段落註釋

    登錄