下載應用程式
36.07% Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 351: Mahal kita, Mahal kita (7)

章節 351: Mahal kita, Mahal kita (7)

編輯: LiberReverieGroup

Tumingin si Qiao Anhao sa reporter at kumurap. Parang pakpak ng mga paru-paru ang kanyang mahahabang pilik mata noong ginawa niya ito. Seryoso siyang sumagot, "Ang taong mahal ko ay si Mr. Lu."

Si Lu Jinnian na nakaupo sa tabi ni Qiao Anhao ay kasalukuyang umiinom ng red wine. Lulunukin niya na sana ang wine na nasa kanyang bibig nang bigla niyang marinig ang sinabi ni Qiao Anhao.

Ang taong mahal ko ay si Mr. Lu…

Ang kamay na pinanghahawak niya ng wine glass ay biglang nanginig. Pinilit niyang lunukin ang wine na nasa kanyang bibig habang pabilis ng pabilis ang tibok ng kanyang puso na para bang lilipad na ito palabas ng kanyang dibdib. Pinilit niyang patuloy na hawakan ang wine glass na nasa kamay niya kahit na sobrang nanlalambot na siya. Ginawa niya ang lahat para kalmahin ang kanyang sarili pero hindi talaga nagpatinag ang panginginig ng kanyang mga kamay. 

Sobrang nagulat din ang reporter sa naging sagot ni Qiao Anhao. Ang buong akala ng reporter ay labis na nitong napaghandaan ang magiging sagot ng dalawa, pero kahit ito mismo ay bigla ring nablangko. Gulat na gulat itong tumingin kay Qiao Anhao at hindi makapagsalita.

Nanatiling kalmado ang magandang ngiti ni Qiao Anhao habang nakatingin sa reporter, pero sa loob loob niya hindi na talaga niya alam kung anong sunod niyang gagawin.

Simula palang noong una, si Lu Jinnian lang talaga ang kanyang minahal, hindi natinag, hindi nagbago, pero kahit ay kailan hindi niya pa nasubukang ipagsabi ito.

Sa tanong ng reporter sakanya ngayon, ang gusto niya sanang sabihin ay "Wala pa akong nakikitang tao na sobrang nakapagpa'touched sa akin" o di naman kaya ay, "Gusto ko na nga sanang makilala ang taong yun" o iba pang milyun-milyong sagot, pero noong oras na sumagot siya, para bang may bigla nalang pumasok sa kanyang isip at nasabi niya ang totoo.

Ang taong mahal ko ay si Mr. Lu, si Lu Jinnian.

Langit lang ang nakakaalam kung ilang beses niya na itong nasabi sa kanyang isipan.

Kalahating taon na simula noong mas naging malapit sila sa isa't-isa, pero kahit kailan ay hindi niya pa nasubukang iparamdam ang tunay niyang nararamdaman, wala rin naman kasi talaga siyang pagkakataon, pero ngayon ito na ang pagkakataong matagal niya ng hinihintay.

Kahit na alam niyang iisipin ng lahat na biro lang ito.

Pinilit ni Qiao Anhao na panatilihin ang kanyang ngiti para hindi mahalatang nasasaktan o nalulungkot siya. Kalmado siyang nagsalita bilang pagpapatuloy, "Kanina diba sinabi mo na si Lu Jinnian ay kilala ng lahat bilang 'Nation Husband', kaya parang mawawalan naman yun ng saysay kung hindi siya yung pipiliin kong minamahal ko, tama ba?"

Biglang nahimasmasan ang reporter matapos niyang masabi ang kanyang katwiran….so nagbibiro lang pala siya. Nakisakay nalang din ang reporter at tumingin ito kay Lu Jinnian para manukso, "Mr. Lu, umamin na sayo si Miss Qiao, tinatanggap mo ba siya?"

Sobrang bilis pa rin ng tibok ng puso ni Lu Jinnian at nahihirapan siyang kalmahin ang kanyang sarili. Nilunok niya ang wine na nasa kanyang bibig at ibinaba ang wine glass sa lamesa. Medyo matagal siyang nakatingin sa reporter bago siya sumagot, pero hindi masyadong maintindihan ang kanyang boses. "Hindi ko pala nasabi sayo na ang babaeng matagal ko ng hinihintay ay walang iba kung hindi si Miss Qiao."


Load failed, please RETRY

禮物

禮品 -- 收到的禮物

    每周推薦票狀態

    Rank -- 推薦票 榜單
    Stone -- 推薦票

    批量訂閱

    目錄

    顯示選項

    背景

    EoMt的

    大小

    章評

    寫檢討 閱讀狀態: C351
    無法發佈。請再試一次
    • 翻譯品質
    • 更新的穩定性
    • 故事發展
    • 人物形象設計
    • 世界背景

    總分 0.0

    評論發佈成功! 閱讀更多評論
    用推薦票投票
    Rank NO.-- 推薦票榜
    Stone -- 推薦票
    舉報不當內容
    錯誤提示

    舉報暴力內容

    段落註釋

    登錄