下載應用程式
34.84% Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 339: Patawarin mo ako (19)

章節 339: Patawarin mo ako (19)

編輯: LiberReverieGroup

Hindi na narinig ni Lu Jinnian ang assistant at pauulit ulit lang ang kanyang sinasabi na halatang punong-punong ng pagluluksa, "Pinatay ang anak ko…"

Sa pagkakataong ito, narinig na ng assistant ang sinasabi ni Lu Jinnian pero hindi niya maintindihan kung ano ang nais nitong ipahiwatig kaya tinanong niya ito, "Mr. Lu, ang ibig mo bang sabihin ay ang swallow's nest na inuwi ni Miss Qiao na galing sa Xu family ang naging dahilan kung bakit siya nakunan?"

"Nakunan", biglang nagising sa katotohanan si Lu Jinnian nang sandaling marinig niya ang salitang ito. Kung kanina ay nagawa niya pang maging kalmado, pwes sa mga oras na ito, hindi niya na talaga kayang pigilan ang galit na nararamdaman kaya walang anu-ano niyang ibinaba ang tawag at ibinato ang kanyang phone sa pader.

Tumama ang phone sa painting na nakasabit sa pader kaya nagkabasag-basag ito.

Sobrang nandidilim ang kanyang paningin at tinignan niya lang ng walang kaemo-emosyon ang nabasag na painting. Tunay ngang nagaapoy sa galit ang kanyang dibdib.

Gusto niyang sugurin ang Xu family at patayin ang bawat miyembro nito para tuluyan ng masira ang pamilyang ito.

Matagal niya ng alam na ayaw sakanya ng mga Xu dahil sa mga pagkakamaling nagawa ng kanyang ina, pero bakit kailangan nilang idamay pati ang anak niya?

Mula pagkabata niya, sinisisi niya na ang kanyang ama at galit na rin talaga siya sa mga Xu, pero hindi ito kasing tindi ng galit na nararamdaman niya ngayon.

Habang mas iniisip niya ang Xu, lalo lang tumitindi ang galit na nararamdaman niya. Ang kanyang pagkamuhi ay parang isang matalim na balaraw na sinasaksak ang kanyang puso at pakiramdam niya ay mamatay na siya sa sobrang sakit. Bandang huli, tuluyan na siyang nawalan ng kontrol at sinipa ng malakas ang coffee table. Nagkalat ang mga bubog sa kapaligiran ngunit hindi pa siya nakuntento dahil binasag at ibinato niya pa ang lahat ng matamaan ng kanyang mga mata para mailabas ng tuluyan ang lahat ng galit na nararamdaman niya.

Ang standing lamp, ang computer, ang mga dokumento, ang table lamp…Lahat ng pwede niyang makita ay nabasag, kahit ang study table, ang cupboard, at maging ang mga libro ay nagkalat din sa sahig.

Hindi tumigil si Lu Jinnian sa paninira hanggangang sa wala ng natirang nakatayong bagay sa kwarto. Pagkahinto niya, sobrang nanginginig at namumula ang kanyang mga mata habang pinagmamasdan ang mga nakapalibot na wall paper hanggang sa bigla niya nalang naramdaman na parang naubos na ang lahat ng kanyang lakas kaya hindi niya napigilan ang kanyang katawan at tuluyan na itong bumagsak sa sahig.

Napakaraming bubog sa kanyang pinagbagsakan kaya nagkasugat sugat ang kanyang balat at nagkalat ang mga dugo sa sahig ngunit wala siyang nararamdamang kahit ano at nanatili lang siya sa kanyang pagkakahiga.


Load failed, please RETRY

禮物

禮品 -- 收到的禮物

    每周推薦票狀態

    Rank -- 推薦票 榜單
    Stone -- 推薦票

    批量訂閱

    目錄

    顯示選項

    背景

    EoMt的

    大小

    章評

    寫檢討 閱讀狀態: C339
    無法發佈。請再試一次
    • 翻譯品質
    • 更新的穩定性
    • 故事發展
    • 人物形象設計
    • 世界背景

    總分 0.0

    評論發佈成功! 閱讀更多評論
    用推薦票投票
    Rank NO.-- 推薦票榜
    Stone -- 推薦票
    舉報不當內容
    錯誤提示

    舉報暴力內容

    段落註釋

    登錄