下載應用程式
27.44% Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 267: My Birthday Present To You (7)

章節 267: My Birthday Present To You (7)

編輯: LiberReverieGroup

"Para sa mundong ito, marahil ay isa ka lang simpleng tao. Pero sa akin, ikaw ang buong mundo.

"In my whole life, I will love you the most.

Medyo matagal bago sumagot si Xu Jiamu, "Qiao Qiao…"

Pagkatapos nitong tawagin ang pangalan ni Qiao Anhao ay biglang naputol ang recording pero ilang sandali lang ay muli nanamang nagsalita si Xu Jiamu na halatang sobrang seryoso, "In my whole life, I will only love you."

Tuluyan ng naputol ang recording at wala ng sumunod pa.

Nabalot ng katahimikan ang buong office at hindi makagalaw si Lu Jinnian habang hawak-hawak ang voice recorder. 

Mukha siyang kalmado at wala ring bakas ng kahit anong galit o kaligayahan habang nakatitig sa voice recorder.

Para siyang nanigas.

Hindi gumalaw si Lu Jinnian mula sa posisyong iyon hanggang sa may biglang kumatok sa pintuan. Dahan dahan niyang itinaas ang kanyang ulo at tumingin sa nakasaradong pinto, sinubukan niyang ibuka ang kanyang bibig pero walang lumalabas na kahit ano mula rito. Nilawayan niya ang kayang tuyong mga labi habang pahigpit ng pahigpit ang kanyang hawak sa coice recorder. Huminga siya ng malalim para kumalma bago sinabi, "Come in."

Binuksan ng kanyang assistant ang pinto pero hindi ito pumasok. Nakatayo lang ito at magalang na pinaalalahanan si Lu Jinnian, "Mr. Lu, 7 pm na, gusto mo na bang umuwi?"

Yumuko si Lu Jinnian at medyo matagal bago siya sumagot, "Pwede ka ng umuwi, ako nalang ang magdadrive para sa sarili ko mamaya."

"Sure," sagot ng kanyang assistant bago umatras ng dalawang hakbang para dahan-dahang isara ang pinto.

Muli nanamang nabalot ng katahimikan ang office ni Lu Jinnian. Humarap siya sa bintana at narealize na madilim na pala. Nabalot na ang buong siyudad ng maliliit na ilaw. 

Kumuha siya ng isang kaha ng sigarilyo gaya ng kanyang nakasanayan. Tumayo siya para magsindi ng isang stick at tahimik siya nanigarilyo.

Matagal niya na itong alam… pero ang marinig niya ito gamit ang sarili niyang tenga…Biglang nabalot ang kanyang puso ng sobrang sakit na para bang may sumasaksak rito.

In my whole life, I will love you the most.

In my whole life, I will only love you.

Tunay na napakagandang confession. 

Ipinikit ni Lu Jinnian ang kanyang mga mata at buong lakas niyang hinitihit ang nicotine para subukang tanggalin ang anumang nararamdaman niya. Pero masyadong naging mabilis ang kanyang paghinga kaya nabulunan siya dahil sa usok at napaubo.

-

Kahapon, nakahanap si Qiao Anhao ng local seller kaya ang kanyang order ay pwedeng maideliver sa Mian Xiu Garden ngayong hapon.

Dalawang malalaking box ang dumating. Pinagtulungang itong buhatin ni Qiao Anhao at Madam Chen papunta sa second floor at itinago nila ito sa kwarto. Bukas pa ang birthday ni Lu Jinnian kaya kinakabahan si Qiao Anhao na baka mabuko siya nito sa kanyang surprise. Inilagay nila ang dalawang box sa cupboard na nasa dressing room pagkatapos ay inilock niya ito at itinago ang susi.

Sa cupboard tinatago ni Qiao Anhao ang kanyang luggage kaya noong nilagay niya ang dalawang box ay kumain ito ng malaking space. Inilagay niya nalang muna ang kanyang luggage sa gilid ng dressing room pero bigla niyang naalala ang kanyang secret box kaya nagmamadali siyang kinuha ito.


Load failed, please RETRY

禮物

禮品 -- 收到的禮物

    每周推薦票狀態

    Rank -- 推薦票 榜單
    Stone -- 推薦票

    批量訂閱

    目錄

    顯示選項

    背景

    EoMt的

    大小

    章評

    寫檢討 閱讀狀態: C267
    無法發佈。請再試一次
    • 翻譯品質
    • 更新的穩定性
    • 故事發展
    • 人物形象設計
    • 世界背景

    總分 0.0

    評論發佈成功! 閱讀更多評論
    用推薦票投票
    Rank NO.-- 推薦票榜
    Stone -- 推薦票
    舉報不當內容
    錯誤提示

    舉報暴力內容

    段落註釋

    登錄