下載應用程式
24.15% Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 235: She's The Only One You Can't Touch! (5)

章節 235: She's The Only One You Can't Touch! (5)

編輯: LiberReverieGroup

Tumingin si Qiao Anxia sa fruit knife na hawak niya, pagalit na ngumiti at pang-asar na sinabi, "Hindi ko alam na ganyan ka pala kaduwag, maliit na hiwa lang pero ganyan ka?" pangaasar niya.

Binato ni Qiao Anxia ang fruit knife sa sahig at nagmamadaling lumabas ng kwarto si Lin Shiyi. Inutusan niya ang assistant ni Lu Jinnian na nasa labas, "Kunin mo ang sapatos ko!"

Nakapaang tumakbo si Qiao Anxia papunta sa elevator para makarating sa pinakamataas na floor.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nagdala si Lin Shiyi ng babae sa kwarto ni Producer Sun, kaya agad na naintindihan ni Producer Sun kung anong ibig sabihin ng regalong sinasabi ni Lin Shiyi pagkabasa niya ang text nito, kaya naman nagmadali siyang umalis ng hot spring.

Sinusubukang hulaan ni Producer Sun kung sino naman kaya ang dinala ni Lin Shiyi sa kanyang kwarto sa pagkakataong ito at nang makita niya si Qiao Anhao na nakahiga sa kanyang kami, biglang nagreact ang kanyang katawan.

Hindi niya inaasahan na ipapadala ni Lin Shiyi si Qiao Anhao… Siya ang babaeng matagal niya ng pinagnanasaan!

Dahil sa droga, si Qiao Anhao ay hindi makapag-isip ng maayos, nakahiga lang siya sa kama ni Producer Sun ng walang kamalay malay habang nakabaluktot na parang isang bola. Nagkulay pink ang mukha niya at kahit ang iba niya pang balat na nakaexpose ay kulay pink din na lalo kaya lalo itong naging kaakit-akit.

Ang image na iyon ay tamang tama para ma'arouse si Producer Sun. Humakbang ito ng malalaki para makarating sa kama at tinignan ang magandang mukha ni Qiao Anhao. Paano nangyaring may taong ganito kaganda? Kinuha ni Producer Sun ang kanyang phone at nagtext kay Lin Shiyi bago nito hipuin ang makinis na balat ni Qiao Anhao. Umalis muna si Producer Sun para maligo.

Naligo ng maigi si Producer Sun bago siya lumabas ng banyo at habang pinapatuyo niya ang kanyang katawan, medyo nagalangan siya at hinanap ang kanyang cologne. Nagspray siya sakanyang buong katawan at nang makuntento na ay pinulupot niya ang kanyang twalya sa kanyang bewang at lumabas.

Gumapang si Producer Sun sa kama habang nakangiti na halatang may masamang balak at hindi siya nakapagpigil na hinili ang swimsuit ni Qiao Anhao. Sobrang hot niya! Agad itong nasabik matapos nitong mahipuan ng konti niya Qiao Anhao.

Pakiramdam ni Qiao Anhao ay para siyang inaapuyan na sobrang init ng pakiramdam niya. Sobrang excited niya at sensitive pero noong oras na naramdaman niyang may humipo sa kanya, bigla siyang nakaramdam ng kaba.

Ito ang unang pagkakataon na may humawak sakanya at nakaramdam siya ng ganoong klaseng kaba. Sa natitira niya pang katinuan, alam ni Qiao Anhao na hindi ito normal pero kahit gaano niya pang subukang isipin, hindi niya pa rin ito maipaliwanag.

Nakasuot si Qiao Anhao ng isang conservative swimsuit kaya naman kapag nakabaluktot siya ay lalo pa itong kumakapit sakanyang kaya mas nagiging mahirap itong tanggalin. Nagmamadaling hinila ito ni Producer Sun kaya nasaktan si Qiao Anhao. Biglang nagbago ang itsura niya at nakaamoy ng isang hindi pamilyar na pabango. Ito ay cologne na panglalaki!

Lalaki? Lalo pang nagbago ang itsura ni Qiao Anhao na para bang nagtataka kaya pinilit niyang buksan ang kanyang mga mata.Kahit na titigan niya pa ng matagal ang taong nasa harap niya, hindi niya pa rin talaga makilala kung sino ito.


Load failed, please RETRY

禮物

禮品 -- 收到的禮物

    每周推薦票狀態

    Rank -- 推薦票 榜單
    Stone -- 推薦票

    批量訂閱

    目錄

    顯示選項

    背景

    EoMt的

    大小

    章評

    寫檢討 閱讀狀態: C235
    無法發佈。請再試一次
    • 翻譯品質
    • 更新的穩定性
    • 故事發展
    • 人物形象設計
    • 世界背景

    總分 0.0

    評論發佈成功! 閱讀更多評論
    用推薦票投票
    Rank NO.-- 推薦票榜
    Stone -- 推薦票
    舉報不當內容
    錯誤提示

    舉報暴力內容

    段落註釋

    登錄