"Hanggang tinutulungan mo Ng pamilya Lu na magkaroon ng anak na lalake, hindi ako muling makikialam sa pribado ninyong buhay," lubhang namumula ang mata ni Mother Lu. Halatang ang mga katagang ito ay hindi rin maganda para sa kanyang pakiramdam. "Talaga Xiao Man, nagmamakaawa ako sa iyo."
"Hindi mom. Ang usaping tulad nito…ako…"
"Alam kong ikaw ay nalalagay sa mahirap na kalagayan, ngunit hindi mo ba maaaring gawin iyon sa kapakanan ni Lu Che?"
Bago pa man makahingi ng paliwanag si Long Jie kay Mother Lu, itinulak na ni Lu Che pabukas ang pinto ng silid. Nang makitang namumula ang mga mata ng dalawang babae, nahuhulaan na niya kung ano ang nangyayari. Katulad kanina, bago pa man niya matanong ang kanyang ina para sa isang paliwanag, napansin niyang kinumpasan nito si Long Jie sa pamamagitan ng sulyap. Si Long Jie ay sensitibong tao, kaya naiintindihan nito na sinasabi nito sa kanya na huwag magsabi kay Lu Che kung ano ang nangyayari.