"Sa paanong paraan ko napasama ang loob mo? Huwag mong sabihin sa akin na ang simpleng panghihingi ko lamang ng isang araw na pahinga ay sapat na upang ganap mong itanggi ang kakayahan ko."
"Iniisip mo ba talaga na ang iyong pag – arte ay mas magaling kasya kay Gu Heng? Sa mga mata ko, malayo ka pa rin sa kanya!" umismid ang matandang lalaki. "Huwag mo itong ikasama ng loob. Ang pag – arte ni Gu Heng ay hindi nagbabago, samatala, labis ang iyong pag – arte sa ibang mga eksena. Oo, kaya mong gamitin ang iyong talento para isipin na ang karakter na ikaw mismo ang karakter na ginagampanan mo, pero dapat mong tandaan na ikaw ay isang karaniwang tao lamang. Hindi ka pwedeng magpatuloy na ibang tao habang buhay."
"Ang isang karaniwang tao ay may limitasyon lamang kung gaano karaming enerhiya ang dapat nilang gamitin upang magtuon sa isang bagay. Kaya, ang kalidad ng iyong pag – arte ay hindi hihigit kaysa kay Gu Heng sa bawat eksena…"