Sa ilalim ng paghahadlang ng 'Stupid', ang crew ng 'Devil Shooter' ay nag - umpisang lumaban pabalik. Ang lahat ng pangunahing aktor mula sa pelikula ay tumigil sa kasalukuyan nilang proyekto upang lumahok sa promosyon sa buong bansa at ang bawat event ay umaapaw sa dami ng tagahanga.
Ang isa sa mga aktor ay sinubukan pang pilitin ang kanyang mga tagahanga na suportahan ang kanyang pelikula sa pamamagitan ng pagkukwento tungkol sa paghihirap na kanyang naranasan mula ng ikategorya siyang walang kakayahang umarteng aktor.
Bilang resulta, nag - umpisang ayawan at hindi panoorin ng mga tagahanga ang 'Stupid'.
Upang suportahan ang kanilang iniidolo. Ilan sa mga tagahanga ay bumisita sa professional film review websites upang i-rate ang 'Stupid' ng may negatibong punto at bigyan ito ng nakakapanlumong review.
Ngunit si Mo Ting ay hindi nagpaapekto sa alin man dito.