Binuksan ni Tangning ang video, ito ay isang maikling 30 segundo ...
Sa wakas ay makikita na din niya kung anong ekspresyon ang ipinakita niya noong kinukunan ang komersyal kasama ni Mo Ting…
Mukhang mayroon siyang ganap na tiwala at puno ng pagmamahal; para bang nakalimutan na niya ang mundo sa paligid niya. Sa kanyang mga mata, mayroon ganap na pagmamahal para kay Mo Ting.
Nang makita ito, kahit na si Tangning ay hindi mapigilan ang kanyang sarili kundi mamula!
Syempre, sa video, ang tanging nakikita lamang kay Mo Ting ay ang kanyang likod. Pinili ng LM na tapusin ang video ng highlights sa huling eksena na hawak nila ang kamay ng bawat isa at nakahilig si Tangning sa balikat ni Mo Ting. Kagulat – gulat ang kagandahan ng eksena, hindi makahinga ang iba dahil sa sobrang ganda nito, dahil…
… ang mga emosyon …
… at talaga namang nakakaantig.