Sa isang Team Competition dito sa playoffs ng Glory Professional Alliance. Pinalitan ng Happy ang kanilang Cleric.
Ang lahat ng mga nasa Alliance, at iyong mga manonood lamang ay alam na alam kung gaano katapang itong desisyong ginawa ng Happy. Sa totoo lang, may mga panahon na paminsan-minsang gumagawa ng mga desisyon ang Happy na talaga nga namang kakaiba para sa lahat.
Pero hindi nila inaasahan na sa ganitong klase ng labanan dito sa playoffs ay gagawa ng ganiyang klase ng desisyon ang Happy.
Sa ngayon, sila ay isang Team na purong opensiba lamang. Ipinupusta nila ang lahat sa iisang opensiba.
Sa ganitong klase ng entablado, kapag ang ganitong pagkakahanay ay ginamit ng isang Team. Isa lang ang ibig sabihin diyan. Iyan ay hindi na maaaring umatras pa sa labanan ang Team na nagsasagawa ng pagkakahanay.
Ang isang Team na walang Cleric ay walang magagawa kundi ang sumugod, at makipaglaban. Wala nang maaari pang mangyari.