Parang ang mga manonood yata sa mga sandaling ito ang nabulag. Kasi naman, para malaman mo kung ano ang mga halos hindi naaaninag na pigurang nasa kasagsagan ng nakakabulag na liwanag na ito ay nangangailangan ng masaganang karanasan sa paglalaro.
Ikalawa lamang sa may pinakamasaganang karanasan sa Glory ang karanasan ni Zhang Jiale. Kapag siya ay nabulag sa sarili niyang Hundred Blossoms Style ay masasabi mo na iyan ay ang pinakamalaking biro sa kasaysayan ng Alliance.
Sa isang iglap lang ay naglaho na ang ilang mga halos hindi naaaninag na pigura. Para sa mga mata ng lahat ay ang mga kumukurap na liwanag na ito ay parang pandagdag na lamang sa nakakabulag na liwanag, pero sa totoo lang ay may mga hangarin silang lahat.
Sa mga sandaling ito, lahat ng elemento na nagaganap ngayon sa labanang ito ay kontrolado ni Zhang Jiale.
Ngayong hindi alam ng Deception ni Mo Fan kung nasaan ang totoo sa kasagsagan ng panlilinlang ay papaano siya makakatakas?