Su Mucheng, Zheng Xuan.
Silang dalawa ay mga manlalaro na pinasok ang Alliance sa parehong henerasyon. Dahil diyan, kahit na ang isa sa kanila ay isang pambihirang manlalaro na kasama sa Golden Generation, habang ang isa naman ay isang kinalimutang manlalaro sa likod ng mga makikinang, at sikat niyang kasamahan.
Hindi ibig sabihin na hindi nakikilala ng dalawa ang isa't-isa.
Dahil diyan, sa mga sandaling nagsimula na ang labanan ay alam na ni Su Mucheng kung ano ang unang sasabihin ni Zheng Xuan sa kaniya sa pagsisimula ng labanan.
"Nakakainis naman!" Inunahan ni Su Mucheng si Zheng Xuan.
"Anong ginagawa mo?" Sumama ang pakiramdam ni Zheng Xuan. Papaano ay dahil sa ninakaw ni Su Mucheng ang mga salita na siya sana ang magbibitaw.
"Sinasabi ko 'yan para hindi ka na magsalita!" Sumagot naman si Su Mucheng.
"Tssk, pati ang salitang binibitawan ko ay nanakaw na. Nakakainis naman!" Sinabi pa rin ni Zheng Xuan ang mga salitang iyon sa huli.