Nabigla si An Wenyi. Pero noong sasagot na siya ay kinakamayan na ni Zhang Xinjie ang kamay ng kasunod na manlalaro ng Happy.
Parang kaswal lang ang usapang naganap sa pagitang ng dalawa. Pero dahil mula ito sa bibig ni Zhang Xinjie na kilala sa pagiging isang seryosong tao sa Alliance. Hindi ito masasabi na isang biro lamang.
Kasi naman, hindi magsasalita itong metikuloso't striktong Vice-Captain ng Tyranny nang mga bagay-bagay kapag wala siyang sapat na proweba para magsalita ng ganoon.
Hindi naging madalang ang suportang ibinigay ng Happy para sa kaniya. Naging emosyonal dito si An Wenyi, at ginawa naman niya ang lahat ng makakaya niya para bumawi sa kanila.
Pero palaging mayroong boses sa isipan niya na nagsasabi na kahit kailanman ay hindi sasapat ang mga ginagawa niya. Mas nagiging malakas ang boses na iyon sa mga sandaling nagiging marami na ang pagkatalong tinatamo nila sa mga labanan.