Mabilis ang nagind daloy ng playoffs. Nakatanggap ang Team Happy ng imbitasyon mula kay Lou Guanning at tumambay muna sa Club Heavenly Swords ng ilang araw. Araw-araw nag-uusap at nanonod ang dalawang dako ng sabay. Maliban doon, sinimulan ni Lou Guanning ang usapan tungkol sa posible nilang pakikipagtulungan sa Happy.
Direktang magkalaban ang dalawang dako sa league sa ssusunod na season. Magkakaroon sila ng diretsong banggaan sa kanilang interes hindi katulad noon. Masasaabing nagsimula si Lou Guanning mula sa isang normal na tao bago maging maharlika. Nag-usap muna sila at saka gumawa ng kasunduan sa kung ano ang nababagay at hindi nababagay sa mga pagtutulungan nila sa hinaharap upang maiwasan ang pag-aaway na makasisira ng magandang relasyon sa pagitan nila.