"Hindi ganito sa panghabang buhay!" Sagot ni Ye Xiu kay Wei Chen habang patuloy na inaasikaso ang sitwasyon sa bawat panig.
Nakita naman na pinahirap niya ang sitwasyon, lalo pang nagkaroon na determinasyon si Tang Rou para pagigihan pa ang trabaho. Agad naman niyang inabandona ang kanyang pangopensang istilo at nagpokus sa pagiwas sa damage mula sa kanyang kalaban. Agad namang nawalan ang presyon na dala ng Healer. Hindi naman nagtagal bago lumampas sa normal ang aggro ni Lord Grim at ang pinakahihintay na OT ay muli na namang naganap. Lumingon si Lord Grim at pumasok sa kwarto. Kasabay nito ang pagalis ng Soft Mist ni Tang Rou sa kwarto at winasiwas ang kanyang Spear sa Snow Eagle.