Ang Disappearing Body Technique ay isang skill na hinahayaang magkaroon ng kakaibang kakayahang umakyat sa mga bagay-bagay ang mg Ninja. Gayunpaman, limitado lamang ang oras na itinatagal ng skill na ito.
Nagagawang pairalin ni Deception ang skill na ito sa loob ng dalawampung segundo. Sasamantalahin niya sana ang dalawampung segundo na 'yun para makapag-isip sa kung ano ang dapat na mga susunod niyang hakbang para makatakas.
Sa kasamaang-palad, hindi niya inaasahan na kaagad pala siyang mahahanap ni Lord Grim.
Naging masakit para sa kaniyang ulo ang nagdaang labanan, at sa nakaraang labanan pa lamang na naganap sa pagitan nilang dalawa ni Lord Grim ay alam na ni Deception kung gaano kasakit sa ulo harapin si Lord Grin..
Sa mga panahong inakala niya na naging maganda't malaki ang kaniyang kita ay hindi niya inaasahang makakaharap niya si Lord Grim.