"F* ck, bakit ba ang gulo mo! Bilisan mo nang mamatay para makuha ko na yung 500 ko." Sagot ng pasigaw ng Warlock, na tinawag ni Ye Xiu na Old Wei. Rinig na rinig pa nga ni Chen Guo mula sa headphones ni Ye Xiu.
Hindi din tumigil sa paggalaw ang kaniyang mga kamay. Tumalon palikod ang Warlock. Alam na niya na gagamit si Ye Xiu ng Back Throw at iniwasan niya ito.
"Tinitignan mo pa rin yang 500? Hindi mo ba nakita yung pahayag?" Sabi ni Ye Xiu habang patuloy na umaatake. Kinuha ni Lord Grim yung Thousand Chance Umbrella at naging sibat ito na pinana sa Warlock.
"Hm? Pahayag? Anong pahayag?" tanong ng Warlock.
"Nakuha na yung premyo." Sabi ni Ye Xiu sa kaniya.
"F*ck, nangyari yun?! Edi lahat ng trabahong ginawa ng senior na ito ay para lang pala sa wala? Pagsasanay sa koordinasyon ng grupo at pag-aaral sa panahon ng pahinga at pagtrabaho mo?" Sigaw ng The Warlock.