Ang lagusan ng Thousand Waves Lake ay isang kweba, ang lakas ng alingawngaw na ginawa ng kanyon sa pagsabog nito'y lubhang katakot-takot at nakakagulat para sa kanilang lahat. Kahit na nailagan naman nila ang naunang atake ay ramdam nila na hindi sila magtatagal ng buhay.
Dahil dito ay hindi na nila dinibdib pa ang mga susunod na mangyayari. Sa mga sandaling nakita nila ang karakter ni Su Mucheng ay alam nilang nasa malapit lang si Ye Qiu. At tungkol naman sa iba pa nilang mga kasamahan... Hindi na sila kailangang banggitin pa. Sina Ye Qiu at Su Mucheng lamang ay sapat na para ubusin silang lahat.
Walang kaht na sino sa kanila ang tinamaan sa naunang atake, pero para bang tinamaan sila dahil sa bilis ng pagtalikod nila't pagkaripas sa pagtakbo. Bukod sa lugar na kung nasaan nakatayo si Cleansing Mist ay napuno ng mga mabibilis at malalakas na yapak ng paa ang paligid.
"Hindi ako naniniwalang mapapatay nila tayong lahat!"