Si Lord Grim ay gagawa ng isang Guild!
Sa mga sandaling dumating ang balitang ito ay kaagad na ikinalat ng mga malalaking guild ang balitang ito sa kanilang mga kasamahan.
Dahil dito ay ang mga kasamahan nilang hindi naglalaro sa mga panahong iyon ay natanggap ang mensaheng ito sa kanilang mga telepono. Ang mga manlalaro namang natutulog ng mahimbing sa kanilang mga higaan ay nagisng na para bang binangungot.
Ito'y hindi isang maliit na balita, lalong-lalo na sa mga manlalarong nakikipagtagisan para sa mga dungeon record.
Kung talagang gumawa ng sarili niyang guild si Lord Grim, paniguradong matatapatan ng lakas niya silang lahat, at dahil sa kasikatan ni Lord Grim sa ika-sampung server. Magiging madali lang sa kaniya ang gumawa ng isang napakalakas na Guild.
Kahit na ang mga manlalarong sumali ay hindi naman talaga magagaling, maari pa rin naman nilang tulungan ang Guild sa pamamagitan ng pag-aambag.