"Mabuti na ikaw ay determinado... Pero ang hangarin mo ay masyadong hindi praktikal."
Matapos ang ilang sandali ng pagkagulat dahil sa ipinakitang determinasyon ni Chen Guo ay naging kalmado na muli si Ye Xiu.
"Hmmph, alam ko 'yan. Sinasabi ko lang sa iyo na 'yon ang mga hangarin ko." Sumagot naman si Chen Guo.
"Good luck!" Sabi ni Ye Xiu.
"Hindi ba't... Hindi ba't plano mo pa rin na bumalik sa paglalaro, hindi ba?" Nagtanong si Chen Guo.
Tumango si Ye Xiu.
"Kapag bumalik ka na sa paglalaro ay huwag mo sabihin sakin na babalik ka sa Excellent Era?"
"Malamang ay hindi iyan mangyayari." Ngumiti si Ye Xiu.
"Ano sa tingin mo kung gumawa ka kaya ng sarili mong grupo?" Biglang sabi ni Chen Guo.
"Magandang ideya ng 'yan."
"Iyan ba ang plano mo sa simula pa lang?" Nagtanong si Chen Guo.
"Napag-isipan ko na rin 'yan." Sabi ni Ye Xiu.