Ang final BOSS sa Frost Forest ay si Goblin Emperor Frost Thain. Sa pangalan palang, malalaman nang mga manlalaro na mas importante pa ang BOSS na ito kaysa sa mga hidden BOSSes sa beginner village.
Ang katawan ni Thain ay hindi ganoong kakaiba sa mga normal Goblin. Pero ang kaniyang mukha'y parang mas masama at matuso. Mabuti nalang at wala siyang asul na ilong kagaya nung mga normal Goblins. Ito'y sa kadahilanang ang balat ni Frost Thain ay sky blue. Kapag siya'y bumaling at hindi ipinakit ang kaniyang mukha, matatawag na siya'y isang napaka-marikit na alaga.
Pero alam ng lahat na ang halimaw na ito'y hindi marikit. Sa kaniyang kanang kamay, bitbit niya ng Ice Blade, na halos singtaas ng kaniyang maliit at maiksing katawan. Kapag inihampas niya ang kaniyang blade, may lalabas na malamig na hangin. Ang distansya ng kaniyang mga atake ay mas malayo kaysa sa nakikita ng mga ordinaryong manlalaro. Dahil dito, ang boss ay may mga kaunting special attacks, kaya ang MT ay matitigilan doon. Ang resulta'y ang mga patnubay para sa Frost Foresy ay inirerekomendang magdala sila nang dalawang MT. Para mabawasan ang bigat kapag kaharap na nila ang first BOSS Goblin Patrol Guard at ang Goblin Thain.
Pero si Ye Xiu, bakit naman siya gagaya sa mga ordinaryong manlalaro na sumusunod sa patnubay? Nung makita niya na dumating ang apat, sinabi niya, "Pupunta ako", at si Lord Grim ay sumugod dala-dala ang kaniyang battle lance. Ganito ang ginawa niya dahil ang kalidad ng party ay sobrang mataas. Kapag pinalitan niya sila nina Seven Fields at ang mga iba pa, kinakailangan pa niyang magpaliwanag sa mga dapat gawin at kailangan pa niyang tingnan ang kanilang mga ginagawa. Sa kabilang dulo, sina Blue River at ang mga kasama niya'y hindi na dapat alalahanin.
Si Blue River at ang kasamahan niya'y tumigil na sa pagsasalita at sumunod. Si Lord Grim ay nasa pinakaharapan, gustong hilain si Frost Thain. Ang reaksyon at galaw ng BOSS na ito'y dalawang beses ang bilis kaysa sa mga ordinaryong Goblins. Ang dalawang maiiksi niyang paa'y umiikot na para bang mga gulong. Sa isang iglap, dumating siya sa harap ni Lord Grim.
Pero sa huli, ilang segundo lang ang lumipas, ang Frost Thain any lumilipad na sa ere.
Ang lakas!
Si Blue River at ang kaniyang mga kasamahan ay tahimik na nanood at tahimik na humahanga. Hindi ito makikita bilang isang ordinaryong atake lamang. Sa bilis at liksi ni Frost Thain, talagang hindi siya madaling tamaan. Ang paghila palang sa BOSS na ito'y mahirap na. Halimbawa, pag ang kadalasang MT, na si Flower Lantern, ay nandito, matatamaan lang niya ito sa unang beses sa ikatlo niyang hataw. Pagkatapos, kailangan pa nang kaunting combo para maitatag ang aggro. Iyon ay matatawag na magandang gawain na. Kung ito'y ordinaryong party, mamamatay nalang ang MT pero hindi pa niya naitatag ang aggro. Sa huli'y nag Cleric na nagpapagaling sa MT ang makakakuha sa aggro.
Pinalipad ni Lord Grim si Frost Thain sa hangin at mabilis na hinagisan ng iba't-ibang skills, gumawa ng combo sa hangin. Pero ang Frost Thain ay pinagalang BOSS, imposibleng magawa niya iyon ng sunod-sunod. Habang nasa hangin, isang asul na ilaw ang biglang lumitaw at agad namang nawala. Si Blue River at kaniyang mga kasama ay hindi nagulat, alam nilang may ganitong teleportation skill si Frost Thain.
Habang hinahanap nila kung saan pumunta iyon, ang apat ay nakarinig ng "pu", tunog ng isang tama. Sa pagtingin nila sa pinanggalingan ng tunog, nakita nilang ang battle lance ni Lord Grim ay nakasaksak sa katawan ni Frost Thain, at sinusundot-sundot pa.
Nagulat sina Blue River at ang mga iba pa, tumingin sila sa orihinal na lugar at doon, nakita din nila si Lord Grim.
Shadow Clone Technique...Nasasabi ng apat dahil maraming beses na nilang nakikita ang skill na iyon. Wala silang dapat ipagkagulo. Pero ang nagpagulantang sa kanila ay ang mabilisang pagsugod ni Lord Grim kay Frost Thain. Habang iniisip ito, si Blue River at ang tatlo'y para bang natuliro at natakot. Alam nilang nagbibigay ng balala si Frost Thain bago maglaho kagaya sa ginagawa ng mga mage. Habang nagchachant, tinataas niya ang kaniyang kamay at tumuturo sa isang lugar. Dahil dito, malalaman mo kung saan siya magpapakita. Pero, kung susumahin, ang teleportation spell at ang pahiwatig ay nagtatagal lang ng maikling-maikling panahon. Ngunit, nakita pa rin ni Lord Grim kung saan siya magpapakita. Hindi ba't nagagawa lang ito sa teorya?
Syempre, ang teleport ni Frost Thain ay may cooldown din, pagkatapos gamitin ito, agad na sinunggaban nanaman siya ni Lord Grim. Nahihinuha nilang ang BOSS na ito'y hindi pa nakaramdam ng pagka-irita gaya ng nararamdaman nito ngayon. Gusto nitong humampas, gusto nitong gumamit ng magic, pero ang kaniyang kalaban ay nasa unahan, at winawasak siya.
"Lahat, tara." Nadiskubrehan ni Blue River na ang apat ay parang nanonood ng dueling video, Mabilis siyang tumawag at sumugod.
Ang pakikipaglaban kay Frost Thain ay isang labanan na ang lahat ay pinupusta ang kanilang buhat. Ang mga party kagaya kay Blue River na isang MT lang ang dinadala ay kinakailangang kontrolin ang aggro, para maiwasan ang OT. Pero ngayon, kasama si Lord Grim at gamit ang kaniyang mga paraan, na kung saan, ang kaniyang mga malalakas na atake ay tumatama, ang apat ay talagang walang inaalala. Kahit na ang pangunahing kalaban ni Frost Thain ay hindi sila, bihira lang ang kanilang mga pagkakamali. Ang teleportation ni Frost Thain ay napakabilis. Saka, ito'y hindi isang mangmang na BOSS na nakatayo lang at inaatake ang MT.
Teleport! Teleport nanaman! Napamura si Blue River at ang mga iba pa. Kapag nawala sa cooldown ang skill, ginagamit agad ito ni Frost Thain. Pero ngayon, laban sa kalabang ito, si Lord Grim ay gumamit ng Shadow Clone Technique para mawala rin at ang kaniyang bilis ay hindi mahuhuli sa kaniya. Sa huli'y, naiwan sina Blue River at ang tatlo. Pinindot nila ang kanilang mga keyboard para bumaling at humabol. Makailang ulit na nila tong ginagawa.
"Mag-ingat. Malapit na ito sa red blood."
"Ok." Ang apat ay sumagot, matagal na silang nakahanda para sa red blood. Kapag ang Frost Thain ay umabot sa red blood, magkakaroon ito ng Super Armor, at ang kaniyang mga magic ay hindi mapipigilan ng mga ordinaryong atake. At mas mabilis din itong gumamit ng magic. Isang teleport kasama ang AoE Ice Whirlwind ay napakadelikado para sa party.
"Bilisan niyo at umurong kayo!" May nakitang masamang ilaw si Blue River mula sa mga mata ni Frost Thain. Ang malaking Ice Blade ay sumayaw at nagpakita ng isang marikit na pattern. Bago lumabas ang Ice Whirlwind, sumigaw siya at pinangunahan ang pagurong. Ang ibang tatlo'y hindi kailangang lumapit para atakehin siya, kaya hindi sila gaanong takot. Ang Ice Whirldwind na ito'y walang tigpo, mabilis itong kumalat kung saan-saan.
Sinong nakakaalam na sa isang malakas na tunog, ang Ice Whirlwind ay hindi lumitay. Ang Frost Thain ay lumagapak sa lupa.
Back Throw. Si Lord Grim ay gumamit ng Back Throw. Ang skill na ito'y nakakasira ng Super Armor.
"Bakit ka tumatakbo? Hindi mo ba natutunan ang Wave Wheel Slasher?" Nalito si Ye Xiu.
Alam ni Blue River na siya ang kausap ni Ye Xiu. Ang Wave Wheel Slasher ay isang Spellblade skill na nakakasira rin ng Super Armor. Dahil ito'y isang Level 20 at pababa na skill, pagkatapos magpalit ng class, pwedeng kunin ito ni Blue River. Karamihan sa mga Blade Masters ay nilalagyan ito ng puntos. Ito'y hindi para sa damage, kung hindi para sirain ang Super Armor.
Ang mga Super Armor Break skills ay nakakapaghinto ng magic kahit na sila'y may Super Armor. Pero ang problema ay ito ay si Frost Thain! Ito'y isang BOSS na kapag hinila ng MT, ang aggro ay palagiang napupunta sa healer! Sino namang mangangahas na ipusta ang buhay ng buong team para sa kung matatamaan ba niya ito ng Super Armor Break skill?
Sa totoo lang, hindi masyadong sigurado si Blue River sa kaniyang sarili, hindi dahil sa takot siya na magkamali at masira ang kanilang nagawa, kung hindi dahil sa mas pinili niya ang mas ligtas na opsyon. Pero sa huli, natawag pa siya. Nakaramdam ng pagkahiya si Blue River kaya walanghiyang sumagot si Blue River: "Oo, hindi ko natutunan."
Mga tunong ng pagsipol ang lumabas, ang tatlo'y naintindihan ang kalagayan ni Blue River kaya ang mga sipol ay hindi gaanong nagtagal.
"Dapat ay matutunan mo iyon. Sobrang makabuluhan ang Breaking Super Armor." Tugon ni Ye Xiu.
"Alam ko...Nakulangan lang talaga ako sa skill points, kaya hindi ko muna yun kinuha, pero lalagyan ko yun ng puntos mamaya." Namula ang mukha ni Blue River sa kahihiyan. Sa kasalukuyan ay tinuturuan siya ng pangunahing kaalaman.