"Tunog ng simoy?" napahinto sila Wu shi, Guild Leader Han, at agn iba bago sila lumingon sa kanilang paligid.
Ang tunog ng simoy ay sobrang gaan, kasama ng mga pagkaluskos ng mga dahon. Kanina, inakala nila na kalmado at mapayapa ang tunog nito, at sila ay nakaramdam ng kapayapaan. Nang pakinggan nila ito muli, subalit, naisip nila na malagim ang tunog nito, at hindi nila mapigilan na manginig sa takot.
"Subukan nating isara ang ating mga pandinig," sabi ni Guild Leader Han.
Pero kahit pagkatapos nila itong gawin, nagpatuloy na tumunog ang hangin sa kanilang isipan, at mahigpit ang kontrol sa kanila.
Umiling si Zhang Xuan at nagbigay ng isang telepathic message sa kanila.
"Wala kayong magagawa. Ang tunog ng simoy ay isang uri ng demonic tune. Kahit na pigilan natin ang ikaanim na pandama natin, maglalakbay pa rin ito diretso sa ating kaluluwa, kaya imposible itong mataboy.