Habang si Lu Xun at Wang Chao ay nag-iisip tungkol sa kung paano sila makakahiram ng tatlong milyon upang dalawin si Yang shi, ang taong ito, si Zhang Xuan, ay magkasalubong ang kilay.
Ang motibo ni Lu Xun sa pagdalaw ay malinaw. Hindi mahalaga kay Zhang Xuan kung makita niya ito o hindi, at hindi niya inutusan si Sun Qiang na pahirapan din ito.
Silang dalawa ay parehas na dumaan sa Teacher Evaluation, at wala ding galit dito. Kung kaya't walang dahilan para kay Zhang Xuan na sadyang pahirapan ang kabilang panig. Bukod pa rito, wala siyang panahon para isipin pa ito sa mga oras na ito, dahil... isang nakaitim na lalaki ang nakatayo sa kanyang harapan.