Nang marinig na sila ay maglalaban, ang lath ng mga estudyante ay kaagad na tumayo sa may sulok ng silid.
Nang maramdaman ang aura na nilalabas ng dalawa, nagdilim ang mukha ni Zhao Ya.
Ang galing sa pakikipaglaban ni Zheng Yang ay mas mababa sa kanya noong nakaraan, ngunit matapos matutunan ang spear art mula kay Zhang loashi, mabilis na tumaas ang kanyang lakas. Kung lalabanan niya ito ngayon, wala siyang laban dito.
"Sino sa tingin mo ang mananalo sa kanilang dalawa?"
Nagtanong si Liu Yang.
"Magkasama silang lumaki, at ang talent at pag-unawa ni Mo Xiao sa sibat ay hindi maikukumpara kay Zheng Yang. Narinig ko na sa mga ilang pagkakataong naglaban sila, lagging si Zheng Yang ang natatalo. Ikinalulungkot ko na mahihirapan din siya na talunin siya ngayon!"
Nag-alinlangan muna saglit si Zhao Ya bago ito sabihin.
Kahit na ayaw niya itong aminin, si Mo Xiao ay isa talagang katakot-takot na kalaban.