"Narinig mo na ba? Nung hinanap ni Lord Ling ang old master para gamutin ang kanyang asawa, naglabas siya ng isang milyong ginto, napaka galante talaga niya!"
Sa mga oras na ito, maririnig ang mga bulung-bulungan sa labas ng mansyon.
Sila ay mga guwardiya ng mansyon. Pagkatapos nilang makitang umalis ang old master sa mansyon, nagsimula na silang magtsismisan.
"Isang milyon? Totoo ba yun?" Malinaw na nagdududa ang isa sa mga guwardya.
"Syempre totoo yun, nakita ko mismo yun. Siguradong totoo yun! Malaking halaga man para sa atin ang isang milyong ginto, pero wala itong halaga para sa isang master teacher na tulad ng old master. Narinig ko kay Brother Sun na kaya tinanggap ito ng old master ay para lang mapayapa ang isipan ni Lord Ling Tianyu. Ayaw niyang maramdaman ni Lord Ling Tianyu na may utang na loob siya sa kanya." Sabi ng unang guwardiya.