"Ano?"
Nang marinig nila ang mga salitang iyon, nanigas sila Sun Qiang at ang iba pang tao na nasa silid.
Lalo na si Du Yuan, sumama agad ang itsura niya.
Kahit na may problema pa sa punching routine ng kanyang ama, paanong nagawa ng isang matuwid na master teacher na hamakin ang isang tao ng ganun at tawagin siyang isang halimaw?
Masyado nang personal yun!
"Yang shi, kahit na sumama ang loob mo sa ama ko, hindi kailangan na insultuhin mo siya ng ganun…"
Nagkiskisan ang mga ngipin ni Du Yuan at umala siya sa nangyayari.
"Ininsulto?" Umiling si Zhang Xuan. "Tanungin mo ang ama mo kung iniinsulto ko ba siya o hindi."
"Ama…"
Lumingon si Du Yuan kay Du Miaoxuan. Nabigla si Du Yuan nang makita ang kanyang ama. Nanginginig ng husto ang katawan ng kanyang ama, at naglaho ang pagiging mahinahon niya kanina.
"Nagmamakaawa ako sayo Yang shi iligtas mo ako…"
Putong!