Sa wakas ay napigilan din niya ang pagpupumiglas ni Sun Qiang at nagawa niyang patulugin ito.
Nang mahawakan niya ang walang malay na si Sun Qiang, lumitaw ang isang libro sa isipan ni Zhang Xuan.
Doon lang niya naintindihan kung paano ito gumagana.
Para sa mga gising, ang pagsasagawa ng isang kilos, kahit na hindi ito isang battle technique, ay maaaring maging sanhi ng pagkabuo ng isang libro tungkol sa kanila. Habang lumilipas ang oras, ang mga nilalaman nito ay nagbabago rin. Kung sabagay, ang mga tao ay mga nilalang na may kakayahang matuto at dahil dito, laging nagbabago ang mga kahinaan nila.
Sa kabilang banda, ang mga taong walang malay ay itinuturing na mga bagay ng library. Mabubuo ang isang libro kapag nahawakan niya sila.
Hindi nagkakagulo ang dalawang sitwasyon na ito at malinaw at simple lang ang pagkakaiba ng mga ito. Ito ay nakabase sa kung may malay ba o wala ang isang tao.