下載應用程式
0.7% Library of Heaven's Path (Tagalog) / Chapter 16: Paglilinis ng Laman at Buto

章節 16: Paglilinis ng Laman at Buto

編輯: LiberReverieGroup

"Masubukan nga!"

Nang makuha niya ang cultivation technique na walang kahit anong mali, hindi nagdalawang-isip si Zhang Xuan na sundin ang mga nakasulat sa Heaven's Path Divine Art at nagsimula siyang mag-meditate.

Bumuka ang mga pore sa katawan niya habang humihigop siya ng spirit energy mula sa hangin papasok ng kanyang katawan.

Fighter 4-dan.

1-dan Juxi, 2-dan Dantian, 3-dan Zhenqi, 4-dan Pigu.

Juxi realam, matututo ang mga cultivator kung paano hihinga ng tama at pakiramdaman ang spirit sa hangin. Matututo din silang kontrolin ang daloy ng spirit energy sa mga katawan nila gamit ng kanilang isipan.

Dantian realm, ang pagbubukas ng dantian ng isang cultivator para hayaang pumasok ang spirit energy at baguhin ang katawan ng cultivator, mula sa pagiging normal na tao papunta sa pagiging isang ganap na Fighter.

Zhenqi realm, ang pag-iipon ng spirit energy sa dantian upang makagawa ng zhenqi.

Pigu realm, ang pag-apaw ng zhenqi mula sa dantian upang payabungin ang katawan, dahilan para lumakas at tumibay ang katawan ng cultivator. Pati ang mga laman loob ng cultivator ay titibay, upang maging isang ganap na eksperto.

Ang unang tatlong dan ng isang Fighter ay ang bumubuo sa mga pundasyon nito. Sa 4-dan pa lamang makikita ang resulta ng cultivation ng isang tao, dahil dito hindi na magkakasakit at lalakas pa ang isang tao.

Sa cultivation method ng Hongtian Nine Dan Manual ginagamit ang umaapaw na zhenqi mula sa dantian upang palakasin ang katawan ng isang tao, babaguhin at payayabungin nito ang buto, laman, mga litid at balat ng isang tao.

Subalit, iba ang Heaven's Path Divine Art. Ginamit nito ang spirit energy mula sa paligid upang palakasin ang katawan ng isang tao habang ang zhenqi sa loob ng katawan ay umaapaw at dumadaloy papunta sa iba't ibang parte ng katawan.

Gugugugu!

Dumaloy ang spirit energy sa kanyang mga ugat at kumalat sa buong katawan niya. Pinunan at inayos ng zhenqi ang ang mga kulang na parte habang dumadaloy ito sa mga ugat niya.

Gezhi! Gezhi!

Hindi nagtagal ay lumakas ang mga buto at kalamnan ni Zhang Xuan dahil sa pagdaloy ng spirit energy at zhenqi sa kanyang katawan. Pakiramdam niya ay pinatibay sa apoy ang kanyang katawan dahil sa paglinaw nito at sa paglabas ng mainit na liwanag mula dito.

Boom!

Pagkatapos magpaikot-ikot ng zhenqi sa buong katawan niya ng ilang ulit, biglang umigkas ang katawan niya at naramdaman niya na parang nakalagpas siya sa isang makitid na daan. Nakaramdam siya ng kaginhawaan sa kanyang buong katawan.

Noong una, pakiramdam niya ay may mga tanikala na nakagapos sa buong katawan niya, pero ngayon, gumaan ang pakiramdam niya at kontrolado niya ang bawat galaw ng kanyang katawan. Pakiramdam niya ay nakalabas siya ng kanyang bahay-uod at ipinanganak muli bilang isang paru-paro.

"Figther 4-dan Pigu realm… Tapos na 'kong mag-cultivate sa realm na 'to?

Binuksan niya ang kanyang mga mata, hindi pa rin makapaniwala si Zhang Xuan.

Ang senyales ng paglagpas ng isang cultivator sa Pigu realm ay ang pagkawasak ng mga tanikalang gumagapos sa katawan ng isang tao, magbibigay daan ito sa higit na pag-unlad ng isang tao. Gaano katagal na ba siyang nagsasanay? Dalawang oras? Apat na oras?

"Ang baho!"

Sa pagtataka niya, tumingin siya sa katawan niya at napansin niyang nagkalat ang dumi sa kanyang katawan.

Ang Pigu realm ang pagpapasigla at pagpapaginhawa sa katawan sa pamamagitan ng zhenqi, pinalalabas nito ang lahat ng dumi sa katawan ng tao at nililinis ang mga kalamnan at buto, dahilan ito para bumuti ang pangangatawan ng isang tao.

Mula kapanganakan, ang mga tao ay kumakain ng iba't ibang klaseng pagkain para lang mabuhay. Dahil dito, naiipon ang dumi sa kanilang mga katawan. Sa Pigu realm, sa pamamagitan ng zhenqi, kailangang malinis muna ang katawan ng tao upang makawala sila sa mga gapos ng katawan nila at magbalik sa kalikasan.

"Matagal ko na naririnig ang Pigu realm, pero… wala pa akong nakita na kayang alisin ang ganito karaming dumi sa katawan nila!"

Hindi na natiis ni Zhang Xuan ang mabahong amoy sa katawan niya. Kumuha siya ng timba at naligo habang bumubulong ng mag-isa.

Ang Fighter 4-dan Pigu realm ay ang paglilinis ng laman at mga buto ng isang tao. Hindi na masama kung mapapalakas ng isang tao ang katawan niya sa isang upuan lang. Hindi pa siya nakakita ng taong kayang makapagpalabas ng sobrang daming dumi na sanhi para mamaho ang katawan niya.

Nagmadali siya sa paliligo. Sa mga oras na 'to, napansin ni Zhang Xuan na ang katawan niya ay kasing linis ng isang jade at kasing kinis ng salamin. Nawala ang lahat ng mga peklat niya sa katawan. Ngayon, para siyang isang bagong panganak na sanggol, o di kaya'y mas makinis pa siya kaysa sa isang sanggol.

"Ang zhenqi ko…"

Nagulat siya sa mga pagbabago sa katawan niya, at nabaling ang atensyon niya sa kanyang dantian. Nanginig ang buong katawan niya.

Ang malabong zhenqi na nasa dantian niya ay naging kasing linaw ng tubig at nakapapawi ng pagod ang halimuyak nito.

Walang duda, ito nga ay mas mataas na klase ng zhenqi.

"Hindi lang ang katawan ko ang lumakas, pati ang kalidad ng zhenqi ko ay gumanda. Itong… Heaven's Path Divine Art ay masyadong malakas!"

Nabigla at napaatras si Zhang Xuan.

Para makalagpas sa Pigu realm, kinakailangan ang patuloy na pagpapaginhawa at paglilinis ng katawan sa loob ng ilang taon. Subalit, wala pang apat na oras nang makalagpas siya sa realm. Hindi lang 'yon, gumanda rin ang kalidad ng kanyang zhenqi. Ano nga bang klaseng manual ang ginawa ng Library of Heaven's Path?

Masyado 'tong malakas!

"Masubukan nga ang lakas ko! Kapag nakalagpas ka daw sa Pigu realm, maabot mo daw ang Fighter 5-dan Dingli. Sa oras na tumapak ang cultivator sa realm na 'to, magkakaroon sila ng lakas na aabot sa isang ding!"

Naglakad siya papalapit sa Strength Measuring Rock Pillar, na hindi kalayuan mula sa kanyang dormitoryo.

Ang ganitong klaseng Strength Measuring Rock Pillar ay nakakalat sa buong akademya para magamit ng mga estudyante sa pagsukat ng kanilang lakas kahit saan at kahit kailan nila gustuhin.

Kapag nakaabot ang isang tao sa Figther 5-dan Dingli, magkakaroon siya ng lakas na halos isang ding, ito ay katumbas ng isang libong kilo.

Ang ganitong klaseng lakas ay lagpas na sa kakayahan ng isang ordinaryong tao at halos kapantay na ng sa mga kabayo at toro.

Pagkatapos ng kanyang pagsasanay sa Heaven's Path Divine Art, nagbago ang katawan ni Zhang Xuan at nakalagpas siya sa Pigu realm. Pagkakataon na niya ito para malaman kung gaano katindi ang taglay niyang lakas. Kagaya ba ito ng sa mga sabi-sabi, na magkakaroon siya ng lakas na aabot sa isang ding?

Inipon at kinontrol niya ang paghinga niya, idiniin niya ang mga paa niya sa lupa. Walang ano-ano'y, sinugod niya ang haligi at nagmistulang parang pana ang buong katawan niya habang ang braso niya ay bumulusok na parang isang palaso.

Peng!

Nagliwanag ang haligi nang tamaan ng kanyang kamao.

"5 ding!"

May lumitaw na mga numero sa haligi.

"Po...sible ba talaga to?"

Naningkit ang mga mata ni Zhang Xuan at hindi siya makapaniwala sa naging resulta.

"Totoo ba to?"

Karaniwan, kapag nasa primary stage pa lamang ng dingli, ang isang tao ay nagkakaroon ng lakas na isang ding. Sa intermediate stage naman, magkakaroon ng lakas na dalawang ding ang isang tao. Sa advanced stage, tatlong ding at sa pinnacle naman, apat na ding!

Ngunit, sa kabila ng kakalagpa niya pa lang sa Pigu realm papuntang Dingli realm, nagtataglay siya ng lakas na limang ding… Anong nangyayari?

Hindi ba sobra-sobra na 'to!

"Dahil siguro 'to sa paglilinis ng Heaven' s Path Divine Art sa katawan ko at sa superior zhenqi na nasa katawan ko…"

Makalipas ang ilang saglit, natauhan si Zhang Xuan at nagsalita.

Sigurado siya na hindi siya isang henyo.

Ang tanging paliwanag dito ay dahil ito sa pag-cultivate niya gamit ang Heaven's Path Divine Art.

Hindi lamang binago at pinatibay ng cultivation technique niya ang kanyang katawan, nilinis nito ang kanyang zhenqi, nadagdagan din nito ang kanyang lakas, dahil dito nagkaroon siya ng lakas na higit pa sa Dingli pinnacle expert kahit na kaaabot pa lamang niya sa Dingli realm.

"Nakakatakot!"

"Kakaunti lang ang mga guro sa akademya na nakaabot sa Fighter 5-dan!"

Sa akademya, iilan lang sa mga nakatataas na teacher ang nagtataglay ng lakas ng isang Fighter 5-dan Dingli realm. Ang mga taong tulad nila ni Cao Xiong ay hindi kailan man maaabot ang ganoong lakas.

"Ngayong naabot ko na ang ganitong lebel, kailangan ko na sigurong kunin ang cultivation technique para sa 5-dan…"

Habang papabilis ang kanyang paglakas, nagkaroon naman siya ng panibagong problema.

Ang lahat ng mga 4-dan cultivation technique na binasa niya sa Teacher Compendium Pavilion ay wala nang silbi ngayon. Kung gusto niyang magpatuloy sa pagku-cultivate, kailangan niyang maghanap ng cultivation technique para sa 5-dan.

"Hindi pa huli ang lahat. Hindi pa siguro sarado ang Teacher Compendium Pavilion…"

Napakamot siya ng ulo, at muli siyang pumunta sa Compendium Pavilion.

Upang mapigilan ang pagiging ganid at pagmamadali ng mga tao sa pagsasanay nila, nagpatupad ng isang batas ang akademya na tanging mga cultivation technique lang na angkop sa lebel ng isang tao ang maaari niyang makita.

Hindi nagtagal at nakarating si Zhang Xuan sa Compendium Pavilion.

"Bakit nandito ka nanaman?"

Nang makitang siya nanaman ang dumating, ang taga pangalaga na si Elder Mo, ay sumimangot.

Nanggaling pa lang siya dito kanina ah. Bakit nandito nanaman siya?"

"Elder Mo, gusto ko po sanang makita ang cultivation technique para sa 5-dan!" Nahihiyang nagsabi si Zhang Xuan.

Hindi niya pwedeng sabihin na tapos na siya sa 4-dan sa napakaikling panahon lang.

Kung sasabihin niya yun, posibleng patayin siya ni Elder Mo o kaya naman ay dukutin siya nito at pag-eksperimentuhan na parang isang daga.

Walang masyadong pagbabago sa zhenqi ng Pigu at Dingli realm. Hangga't hindi niya ginagamit ang kanyang zhenqi, mahihirapan kahit na ang isang eksperto na malaman ang kaibahan. Malakas nga si Elder Mo, pero para sa kanya hindi kapani-paniwala na makakalagpas siya agad sa 4-dan sa napakaikling panahon lamang.

"5-dan cultivation technique? Para saan naman?

Nagdilim ang ekspresyon ng mukha ni Elder Mo. Ang natitira niyang respeto kay Zhang Xuan ay naglaho.

Hindi siya nagsulat ng kahit ano tungkol sa 4-dan cultivation technique at hindi rin niya ito sinubukang gamitin. Tapos nandito siya uli para sa 5-dan? Anong kalokohan to!

"Elder Mo, ganito po kasi. Ngayong araw kasi, may tinanggap akong estudyante at tinanong ako ng magulang niya tungkol sa 5-dan cultivation. Hindi ko nasagot ang tanong niya, dahil dito minaliit niya ako. Kaya naman… gusto ko sanang makita 'to at makakuha ng kasagutan. Sa ganitong paraan, magagawa kong sagutin ang mga ganoong klaseng tanong sa hinaharap!"

Bago pa man siya makarating sa pavilion, nakaisip na agad si Zhang Xuan ng idadahilan kay Elder Mo.

"May mga magulang talagang mahirap pakitunguhan!" Napatango si Elder Mo nang marinig niya ang paliwanag ni Zhang Xuan. Seryoso ang itsura niya, at sinabing, "Pwede kang magtingin, pero kahit anong mangyari huwag mong subukang mag-cultivate sa 5-dan ng hindi ka pa nakakalagpas sa 4-dan, kahit ang mga diyos ay hindi ka maililigtas kapag nagwala ka!"

"Opo, naiintindihan ko po!"

Nagmadaling sumagot si Zhang Xuan.

"Sige, pasok!" Kumaway si Elder Mo at pumikit. "Ang mga cultivation technique ng 5-dan ay nasa pinakahuling hilera!"

"Opo!" Nagmadaling pumasok si Zhang Xuan.

"Hipokrito! Hambog!"

Pagpasok niya, nagdagdag ng dalawa pang salita si Elder Mo sa pagsusuri niya kay Zhang Xuan.


Load failed, please RETRY

禮物

禮品 -- 收到的禮物

    每周推薦票狀態

    Rank -- 推薦票 榜單
    Stone -- 推薦票

    批量訂閱

    目錄

    顯示選項

    背景

    EoMt的

    大小

    章評

    寫檢討 閱讀狀態: C16
    無法發佈。請再試一次
    • 翻譯品質
    • 更新的穩定性
    • 故事發展
    • 人物形象設計
    • 世界背景

    總分 0.0

    評論發佈成功! 閱讀更多評論
    用推薦票投票
    Rank NO.-- 推薦票榜
    Stone -- 推薦票
    舉報不當內容
    錯誤提示

    舉報暴力內容

    段落註釋

    登錄